"Umuulan na naman, Kamusta ka na mahal ko?" Bulong ko sa langitPumapatak na naman kasi ang ulan
Hindi naman ganoong kalakas iyon sapat lang para maalala ko syaNaglalakad ako
Naglalakad ako sa kawalanHindi ko alam kung saang destinasyon ako dadalhin ng mga paa ko o kung saan ba ako hihinto nito
Basta ang alam ko lang ay gusto kong humiga sa lahat ng bigat na nakabaon sa puso ko
Tatlong taon na ang lumipas ng mawala sya pero hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung paano magsisimula
Para bang nung nawala sya nawala na rin ako.
Hindi ko alam kung paano mag sisimula
Sa mga araw na lumipas ay halos lahat ng nakapaligid sakin ay pinapayuhan ako.
Sinasabi nilang lahat na kalimutan na daw kita dahil ang tagal mo ng wala pero hindi ko kaya.
Hindi ko sila pinapakinggan dahil ang isiping kasama pa kita ang tanging dahilan kung bakit pa ako nabubuhay
Minsan gusto ko silang sumbatan
Gusto ko silang awayin sa tuwing sinasabi nila ang bagay na yunPaano nila nasasabi sakin yun salamantalang hindi naman sila ang nawalan
Ako ang nawalan,
Ako ang nawala ng mawala ka mahal koTahimik akong naglalakad hanggang sa mapadpad ako sa lugar na pamilyar na pamilyar sating dalawa
Ang lugar kung saan tayo nagsimulang mangarap
Mangarap ng buhay na magkasamaNapangiti ako ng mapait habang naglalakad papunta sa swing na madalas nating upuan kapag nandito tayo
Umupo ako dito at pinigilan ang mga luhang gustong kumawala saking mga mata
Napadako ang tingin ko sa bakanteng swing sa kanang parte ko
Napabuga ako ng hangin dahil sa lungkot.Umihip ang malakas na hangin
Napapikit ako dahil sa lamig na dulot nito saking balatPag mulat ng mga mata ko ay pinagmasdan ko ang paligid
Tahimik kong pinagmamasdan ang mga tao.Alam kong masaya sila base sa kanilang maaaliwalas na mukha
Napangiti ako muli ng mapait
Siguro kung hindi ako umalis ng gabing yun pagkatapos nating magtalo
Siguro kasama pa rin kita hanggang ngayonSobra kong pinagsisisihan ang gabing yun, kung pwede ko lang ibalik ang oras at panahon ay ginawa ko na
Sana ay magkasama pa tayo
Sana ay katabi pa rin kitaPinilit kong pigilan ang mga lugang nagbabadya ng kumawala saking mga mata
Pero hindi ko nagawa
Tahimik akong lumuluha ng biglang may naglahad ng panyo saking harapanNatigilan ako ngunit kinuha ko rin ang panyo
"Sa-salamat" Maikling sabi ko
Habang pinupunasan ko ang aking luha"Iiyak mo lang yan, Matatapos din lahat ng sakit"
Nang marinig ko ang boses nya ay natigilan ako
Hindi ako pwedeng magkamali
Kilalang kilala ko ang tinig na yunTumunghay ako at nagtama ang mga mata natin hindi ako makapaniwala sa nakikita ko
"Stell?"Dinadaya ba ko ng paningin ko?
Pumikit ulit ako at nagmulat ngunit sya talaga ang nakikita ko