From Afar (One-shot)

6K 212 60
                                    

How do you mend a broken heart?

They say: Simple. Move on. Love again.

I ask: Uso ba’ng mag-move on kahit hindi naging kayo?

Mahirap mag move on. But you know what? Mas mahirap gawin kapag one-sided love, lalo na 'pag unconfessed. Kasi kahit ano’ng pilit mong limot, there is always that part of you hanging on what if's..

Paano kung nagka-lakas ako ng loob? What if sinabi ko? Will it matter? Iiwanan niya ba siya para makasama ako? O hanggang sa huli, ako pa rin yung talo at nagmukhang tanga kaka-asa sa taong may mahal nang iba?

I tried. Sinubukan kong makalimot. Umasa akong balang araw, kapag nakita ko siya, maaalala ko lahat maliban sa nararamdaman ko para sa kanya. Isang araw, pagtatawanan ko na lang ang sakit na dala ng pagmamahal ko sa kanya.

Ang kaso, hindi ko na nga siya nakikita pero andito pa rin sa puso ko yung pakiramdam na yun.

I love Micco. Hindi ko alam kung hanggang kailan. But I didn't expect this..

Sa kasagsagan ng Oplan: Move On ko, there's this one particular guy at school. Hindi ko siya kilala at wala akong balak na kilalanin siya. Kasi busy akong magluksa sa papatayin kong feelings for Micco.

Until one day, napatingin ako sa kanya. Sikat yata siya sa school. I heard the girls call him Dyma. Di ko alam ang buong pangalan niya, kung ano’ng section niya, o kaya kung nasa ano'ng year na siya. His nickname.. yun lang ang kaisa-isang bagay na alam ko tungkol sa kanya.

Okay, I admit. May isa pa.. Gwapo siya. He's too mainstream kaya I didn't want to meddle with his affairs.

I was so emo then kaya parati akong nag-iisa. Pero kahit saan ako magpunta, nakikita ko si Dyma. Library, cafeteria, administrator's office, infirmary, gymnasium, laboratory.. name it. Kung nasa’n ako, andun din siya. Minsan natatawa na lang ako. Destiny? Nah. Coincidence? Nasobrahan naman yata sa dami.

Wherever I go, I see him. I doubt na napapansin niya sa dami ng mga tao sa mga lugar na ‘yon, at sa dami ba naman ng umaaligid sa kanya.

Eventually, naging hobby ko na ang mag-stretch ng leeg at luminga-linga kahit sa’n ako mapatambay. Hoping na makita ko siya. And my eyes never failed me. Well, partly. I never saw him na ‘buo’ ulit since that first time I laid my eyes on him. Noo niya lang ang nakita ko sa library, kaliwang pisngi sa cafeteria, likod sa gym, mga braso sa lab. Paano ko kamo nalaman na siya yun? Simple, maraming tao. Parang may artista lagi. Dapat si Dyma yung gine-guest ng mga pulitiko ‘pag may proclamation rally sila. Siya lang ang may kakayahan na manghatak ng ganun karaming estudyante effortlessly. Pero kahit mga ‘parte’ lang niya ang madalas kong makita, masaya na’ko.

Yes, I loved Micco. Past tense. Naka-move on na pala ako sa kanya nang di ko namamalayan.

Before I knew it, mahal ko na si Dyma. Nahulog na pala ako sa kanya.

We never had an interaction. No hi nor hello. Walang bungguan. Never nagkasalubong. No classes together.

Isn’t it weird? I've developed feelings for someone na nakikita at tinitingnan ko lang. Ni hindi ko pa nga naririnig yung boses niya. It's like there's something in his presence na nagpapa-kumportable sa'kin. There’s this comfortable ambiance whenever he’s near. Kahit hindi kami mag-usap, basta alam ko lang na nasa tabi-tabi siya, heaven na.

From Afar (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon