Chapter 30: Concern

113 22 0
                                    

Concern

────⊱🥀⊰────

Kianna's Point Of View

"Ayos ka lang?" 

Bumuntong hininga ako at tamad na tinapunan ng tingin si Jaden.

"Pang ilang tanong mo na sa'kin 'yan." Walang gana kong sambit at bumalik muli sa pagiging tulala.

Napakamot si Jaden sa kanyang ulo.

"Kanina kasi, ang hyper mo, tapos ngayon, bigla kang sinaniban ng anghel. Sobrang tahimik mo. Kung si Rae ang iniisip mo, huwag kang mag-alala dahil magagaling ang mga doctor ng mga Ilarial." Sambit ni Jaden.

Bumuntong hininga ako. Isa pa 'yon. Hindi ko alam kung napaano siya. 

Noong huling kausap ko sa kanya, sobra ang pagpipigil niya sa paglabas ng mabahong bomba eh, tapos bigla-bigla na lang namin mababalitaan na sinugod siya sa ospital. 

Sinabi rin kanina ni Jaden na agad na pinatransfer ni Zyko si Rae dito sa pribadong ospital kuno ng mga Ilarial.

Kaya ako biglang tumahimik dahil iniisip ko kung paano nalaman ni Lolita na nandito ako.

Hindi naman posibleng magkakilala silang dalawa ni Zyko dahil isang Garcia si Lolita. May alitan nga 'di ba, ang pamilyang Garcia at Ilarial... Kaya imposibleng magkakilala sila.

Napatingig ang aking ulo at napatingin sa bintana habang malalim ang iniisip.

Hindi kaya sa pamamagitan ng cellphone ko ay doon na contact ni Zyko si Lolita? 

Pero may password 'yon. 

Imposibleng mabubuksan niya ng gano'n-gano'n na lang iyon. 

Birthday ko ang password ko roon. Ako, si Lolita, Sheena, Sheriel at Ysabelle lang ang nakakaalam ng birthday ko. 

Pero... paano kung nabuksan niya nga talaga ang phone ko?

Namilog ang mga mata ko.

Hindi pwede!

May mga contact number ako sa mga pinsan ko!

Biglang kumalabog ang dibdib ko. 

Kapag nakita 'yon ni Zyko ay maaaring mahuli ako ni Zyko na nagsisinungaling sa kanila, na isa akong Garcia at niloloko ko sila mula pa lang umpisa. Hindi ako nagpakatotoo simula nang pinalitan ko ang pangalan ko, at nagpakilala sa kanila sa pamamagitan ng isang pekeng pangalan. Kahit na idahilan ko na ayokong masangkot sa gulo na namamagitan sa kanila ng mga pinsan ko ay hindi na nila ako papaniwalaan pa dahil minsan na akong nagsinungaling sa kanila.

Malamang, sinira ko ang tiwala nila at hindi ako nagpakatotoo eh...

Pero...

Pinalitan ko ang pangalan ng mga pinsan ko sa contacts. Binigyan ko sila ng magkakaibang nickname na ako lang ang nakakaintindi. Kaya imposible talagang malalaman ni Zyko na mga pinsan ko 'yon.

Kung magtanong man siya kung sino sila, pwede ko namang isagot na mga kaibigan ko sila. 

Wala sa sariling tumango-tango ako habang naniningkit ang mga mata kong nakatingin sa bintana. 

"Tama, tama..." bulong ko sa sarili ko.

Pero agad ding bumagsak ang mga balikat ko ng may mapagtanto ako.

Ayan, magsisinungaling nanaman ako...

────⊱🥀⊰────

The Only Rose Among The Thorns: Behind The Hood (On going)Where stories live. Discover now