DISCLAIMER:
"Through Yesterday's Scenery" is my very first book, and I'm excited to share it with you.
However, I want to be honest that my writing may not fully meet your expectations, as I'm still learning and growing as a writer.
This story is a reflection of my journey, and there might be some typos or errors along the way.
I appreciate your understanding and hope that you find something meaningful in the pages, despite any imperfections. Thank you for taking the time to read my work!
__________
Alas kwatro ng umaga, nagising ako dahil biglang nag-alarm ang cellphone ko. Bumangon ako agad sa kama at inayos ko ang mga unan, kumot, at mga stuffed toys ko.
Napansin ko si Kion na mahimbing pa rin ang tulog sa kama niya. Medyo nanibago ako sa itsura niya kasi cute siya tignan lalo na't maliit pa siya. Kinuha ko ang kumot niya na nasa gilid at maingat ko itong inilagay sa kanya.
Pagkatapos, dumiretso ako sa banyo at naghilamos lang ng mukha. Pinunasan ko ang mukha gamit ang tuwalya bago ako lumabas ng banyo.
Mamaya pang alas kwatro y medya ako maliligo kaya nagplantsa muna ako ng uniform ko. Pinlantsa ko rin ang jersey at sweatshirt ni Dio.
Matapos maplantsa ang uniform ko, isinabit ko ito sa hanger. Yung jersey at sweatshirt ni Dio naman, nilagay ko sa isang tote bag kasama na rin ang jersey at shorts ko para sa training mamaya.
Dalawa na ang bag na dala ko tuwing may training. Yung isa, ang school bag ko, na may tatlong laman lang. Yung pangalawa naman, ang tote bag ko, ay para sa training gamit kung saan nakalagay lahat ng kailangan ko.
Inayos ko muna ang mga gamit sa tote bag bago ko inayos ang school bag ko. Dahil nakakalat pa ang mga lapis at ballpen ko sa study table, niligpit ko muna ang mga ito at nilagay sa pencil case.
Tinanggal ko rin sa saksakan ng cellphone charger at power bank ko, at nilagay ko ito sa bag ko para siguradong may pang-charge ako mamaya.
Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko, naligo na ako. Hindi naman ako nagtagal sa pagligo. Pagkatapos maligo, nagbihis agad ako ng uniform at nagsuklay ng buhok.
Pagkatapos magsuklay, naglagay ako ng konting makeup para hindi ako mukhang puyat, parang leader ng group research na walang tulog buong gabi.
Kadalasan, nagsisimula ako sa paglinis ng mukha bago mag-makeup. Binabasa ko muna ang mukha ng tubig at gumagamit ng gentle facial cleanser. Gusto kong siguraduhing malinis ang balat ko bago lagyan ng kahit anong product.
Pagkatapos maglinis, naglalagay ako ng moisturizer.
Importante ito para hindi mag-dry ang skin ko. Kailangan ko ng hydration para mas maganda ang lapat ng makeup mamaya. Minamassage ko nang konti ang moisturizer sa mukha at hinihintay ko itong matuyo.
Masarap sa pakiramdam kapag fresh na fresh ang mukha ko.
Sunod, naglalagay ako ng pulbo. Importante ito para ma-set ang face ko at maiwasan ang oiliness.
Para sa cheeks, naglalagay ako ng blushed on. Pinipili ko ang shade na pink o peach para fresh-looking ang cheeks.
Inilalagay ko ito sa apples ng cheeks at konting pataas para lifted ang itsura.yaw ko ng heavy application, kaya't light lang ang inilagay ko dito.
Gusto ko lang na magkaroon ng natural flush sa aking cheeks.
Para naman sa lashes, nagc-curl ako ng konti at naglalagay ng mascara.
YOU ARE READING
Through Yesterday's Scenery
FanfictionIn To Yesterday's Scenery, a first-year BS Biology student at Ateneo wakes up in the past, where her best friend, a future architect, is alive and completely unaware of the tragic fate that awaits them. Start: Sept. 28, 2024 End: