Chapter Twenty-Five

19 3 0
                                    

Aeris Madyzon Carysv

"Madyzon." Tawag sa akin ni Alexys habang naglalakad kami pauwi. Karga-karga niya ngayon ang tulog na si Lucas. Napagod siguro sa paglalaro.

"Yep?" Tanong ko at tumingin sa kaniya.

"When are you going back to Avozta?" Nagulat naman ako sa naging tanong niya.

"Bakit? Ayaw mo na ba 'ko dito?" Tanong ko kaya bigla naman nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.

"No..I didn't mean it that way." Depensa niya.

"Then why are you asking?" Tanong ko kaya napabuntong hininga siya.

"Masama ba?" Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Hindi na rin naman siya nagsalita kagaya ko.

Nang marating namin ang bahay ni Lucas ay agad kaming kumatok sa pintuan nito.

"Alexys! Buti naman binalik mo na si Lucas, mag-aaway na naman kaming mag-asawa kung nahuli ka nang punta rito." Parang nakahinga nang maluwag ang mama ni Lucas nang buksan niya ang pinto at bumungad kami.

"Careful, he's already asleep." Saad ni Alexys at dahan-dahang binigay ang tulog na si Lucas sa mama nito.

"So, una na kami." Paalam ni Alexys na tinanguan naman no'ng mama ni Lucas at tumingin sa gawi ko. Mukhang ngayon niya lang napansin ang presensya ko dahil nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya nang makita ako.

"Uhm, good evening." Bati ko sa kaniya dahil nakatingin lang ito sa akin. Nang magsalita ako ay parang natauhan naman siya at ngumiti sa akin.

"Ayaw niyong pumasok muna?" Tanong niya kaya umiling na lang si Alexys dahil baka dumating pa ang tatay ni Lucas.

"Aalis na kami." Paalam ni Alexys at dinampian ng halik ang noo ni Lucas.

Tahimik naming tinatahak ni Alexys ang daan patungo sa bahay namin.

"Ikaw? When are you going back to Avozta?" Tanong ko sa gitna ng katahimikan. Alam kong super late na ng tanong ko dahil kanina pa naman namin ito pinag-usapan pero gusto ko ako naman ang magtatanong sa kaniya.

"I'm not planning to go back....For now." Sagot niya sa tanong ko.

" 'Wag nalang kaya tayo bumalik?" Half serious half joke na tanong ko pero parang tinake niya ito seriously.

"We can't, marami tayong naiwan sa Avozta. Our friends, f-family, and studies lahat sila nasa Avozta." Saad niya habang diretso lang ang tingin sa daad.

"It's so peaceful here. Parang nahanap ko na ang peace na matagal ko nang hinahanap." Saad ko at pumikit saglit para damhin ang simoy ng malamig na gabi.

Sa sobrang peaceful dito sa province parang magkakaroon ka ng self-reflection about sa mga life decisions mo eh.

"I agree. It's really peaceful here." Saad niya.

Napatigil kami sa paglalakad nang may marinig kaming parang umiiyak na.... puppy?

Napatingin ako sa medyo tago na parte ng kalsada dahil parang do'n nagmumula ang tunog na naririnig namin.

"What's that?" Tanong ni Alexys habang tumitingin tingin sa paligid. Tinuro ko ang parte kung saan nagmumula ang tunog.

I know to myself hinding-hindi ako magkakamali. Tunog ng isang puppy 'yon.

Sabay naming tinahak ni Alexys ang daan patungo sa tunog na naririnig namin. Ginamit ko pa ang cellphone ko para buksan ang flashlight.

"Oh my..." Mahinang saad ko nang makita ko ang isang puppy na mukhang nilalamig habang umiiyak.

Crawling Back To YouWhere stories live. Discover now