KABANATA 5: UNANG BIKTIMA

22 9 0
                                    

"SO? may naisip may naisip ka bang puntahan o baka lilibot lang tayo dito na wala man lang naiisip na destinasyon" tanong ni Theo nang makalabas na ito ng mansion. Madilim na din ang paligid kaya kinailangan nang na buksan ang flashlight ng cellphone nila para maka libot ng maayos sa paligid ng mansion.

"Wala, kahit saan lang. Kaya bumalik na kayo dun kung ayaw n'yo? lilibutin ko lang naman itong labas, tapos babalik din ako" paliwanag ni Amara ngunit hindi siya pinakinggan ng mga ito at tumuloy pa rin sa pag sunod sa kanila.

Paligid lakad lang ang apat sa labas ng mansion, habang nag lalakad ay mas na- narealize nila kung gaano kalaki at kahaba ang mansion ng mga Del Velga o ang lola ni Amara.

Kung lilibutin nila ng paikot ang mansion sa loob ng trenta minuto ay isa at kalahating beses lang nila itong malilibot sa sobrang laki.

"Infairness Mara ah. Ang yaman pala ng inang mo, pero ang tawag mo lang mo sa grandmother no ay 'inang'." saad ni Samantha habang patuloy na nag lilibot ang mga ito sa paligid ng mansion.

"Hindi ko naman alam na ganito kalaki ang bahay nila inang, isa pa anong gusto mong itawag mo sa kaniya? Senyora Catalina? kahit na lola ko mismo si inang?" tanong naman ni Amara.

"Sabagay may point ka, tsaka masyado kang humble para sa ganito" sabi naman ni Theo.

"Huy, Jared. Okay ka lang ba? kanina ka pa patingin tingin sa loob ng mansion" pag sisita ni Samantha kay Jared ng mapansin nito na tila ba hindi mapakali si Jared at bawat minuto nalang ay nasa loob ng mansion ang tingin nito.

Tinignan naman siya ni Amara para tanungin kung anong problema, pero umiling nalang ito at ngumiti.

"Kung sina Jake at Dianne lang ang inaalala, kalimutan mo na. Panigurado nag haharutan nanaman ang dalawa, ganun naman sila palagi kapag wala silang kasama e" pag papaliwanag ni Theo.

"True. Clingy na si Jake kapag nandiyan tayo, pero mas malala kapag dalawa lang sila" natatawang sabi ni Samantha habang patuloy sa pag lilibot ng mansion. Tanda ninyo nung iniwan lang natin sila saglit para bumili ng makakain, tapos pag balik natin nag hahalikan na" dagdag pa nito sabay tawa na hindi naman mapigilan mapa iling nila Jared at Samantha.

Patuloy lang sa pag kwe-kwentuhan ang mga mag kakaibigan ng makatapos na nilang libutin ang buong paligid ng mansion ngunit tila hindi pa kuntento ang mga ito sa nakita nila.

"Tara libot pa? Layuan natin ng konti this time" suggest ni Samantha at sabay puppy eyes. Bugtong hininga naman itong sinagot ni Theo.

"Tara, dun tayo. Mukhang maganda ang view dun dahil sa buwan at puno" saad naman ni Theo sabay turo ang isang puno ng Acacia na matatanaw mula sa labas ng mansion. Mabilis nnaman na tumango si Samantha at nagsimula nang maglakad papunta sa kinatatayuan ng Acacia na medyo may pagkalayuan.

"Okay lang ba to? Naiwan pa yung dalawa sa loob" pabulong na tanong ni Jared ng makatabi ito kay Amara habang sinusundan ang dalawa.

Kibit balikat naman siyang sinagot ni Amara. "Chance na nila 'to para nag bonding silang dalawa"

Patuloy lang sa paglalakad ang apat na magkakaibigan. Nasa unahan sina Theo at Samantha habang patuloy ang bardagulan ng dalawa ay nasa likod naman naka sunod sina Amara at Jared habang nag kwe-kwentuhan.

Patuloy lang sa pag lalakad ang apat papalayo ng mansion. Mga makakapal na mga puno, ingay ng mga tuyong dahon, hampas ng hangin at tanging mga boses lamang nila ang
maririnig habang papunta sa kanilang destinasyon.

Buti na nga lang ay mataas ang mansion na kahit na mapalayo sila at maligaw ang mga ito sa mga ay hindi ito problema, dahil matatanaw pa din nila ang mansion mula sa kanilang puwesto. Maliban nalang sa kulay puti nitong kulay na halos kumupas na ang kulay na medyo mahirap ng matanaw kaya kailangan pa nila itong gamitan ng flashlight para matanaw kung saan banda ang mansion.

Mga Kwentong Mula Sa Dilim Series # 4: DalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon