26

65 5 0
                                    

Mabilis kong iniligpit lahat ng gamit ko sa itim na maleta, hindi ko mapigilang mapaiyak habang kinukuha isa-isa sa mga drawer niya ang mga damit kong nakahanger. Hindi na ako nag abalang ayusin ang mga ito, ang mahalaga ay makaalis na kaagad ako sa pamamahay na ito bago pa magkagulo. Kahit na hindi ko alam at hindi ko naiintindihan ang nangyayari ay aalis at aalis ako. I rushed incase maabutan niya ako dito sa kwarto ni Eric.

She was his wife, so what am I then?

His paramour?

The moment I grabbed the handle ng maleta ko ay bigla akong napatigil at nagulat nang marinig ko ang boses ng babae sa labas ng pinto. Mabilis kong pinunasan ang mga mata ko at nag-isip kaagad ng alibi. I walked towards the door and opened it when I saw her..smiling at me.

"Is everything okay? I saw the door closed and wondered.." tumingin siya sa hawak kong maleta "why are you here?" she looked around the room

Napalunok ako. Umiwas ako kaagad ng tingin "Ahh.." hindi ko alam kung anong sasabihin ko "Naiwan ko kasi yung maleta ko dito sa isang kwarto kaya k-kinuha ko"

"Why? are you going somewhere?" nagtatakang tanong niya ulit

"Aalis na po ako, matagal ko na rin po kasing balak umalis ngayon lang ako nakahanap ng t-tamang panahon.." oo nga pala, ang sinabi ko ay isa akong kasambahay dito..kasambahay..

"Did Eric gave you your salary? do you have any extra cash with you? I could give you incase he haven't gave you your monthly pay yet since your job is to serve him right."

Natahimik ako, parang may sumakit sa lalamunan ko dahil sa kanyang sinabi. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ako naapektohan sakanyang mga binitawang salita.

Tama siya, trabaho ko lang naman ang pagsilbihan siya, maging sunod-sunuran sakanya, at maging parausan niya ng ilang buwan. Sawang-sawa na ako, i guess God gave me a chance to break free, and this is it, finally.

Ngumiti ako ng tipid at umiling "Its okay, ma'am."

It was so uncomfortable, really uncomfortable to call her that way.

Naglakad na ako pababa ng hagdan kahit na medyo nahihirapan akong bitbitin yung maleta. Napatingin ako sa kusina, sa sala, at maging sa pintuan nang palabas na ako. Hindi ko aakalaing darating ang araw na ito na makakaalis na ako mula sa impyernong ito.

Pero hindi ko maintindihan kung bakit parang may mabigat sa loob kong umalis at iwan ang pamamahay na ito na naging tahanan ko ng halos ilang buwan. I couldn't understand why was I hesitant to hold the door handle.

Pumikit ako "Catleya...magiging malaya ka na."

I finally had the courage to open the door and step outside. Tumama ang sinag ng araw saaking mukha kaya napatakip ako gamit ang palad ko, pakiramdam ko ay nakikita ko na ang tunay na liwanag. Huminga ako ng malalim at inayos ang gamit ko bago humakbang patungo sa gate.

Pero para akong naging estatwa nang may magbukas ng gate at iniluwa nito ang isang taong akala ko ay hindi ko na makikita. Napahawak ako sa dalawang kamay ko at umatras ng ilang hakbang. Anong ginagawa niya dito?

Pawis na pawis siya at magulo ang kanyang buhok, mukhang kakagising lang niya at tumakbo ito kaagad pauwi. Ang kanyang mga mata ay halatang may iniinda paring sakit dahil medyo namumula ito at parang pagod na pagod.

"Saan ka pupunta?" seryoso ang tono ng boses niya

Aktong hahablutin na sana niya ang hawakan ng maleta ko pero mabilis ko itong iniwas mula sakanya at lumayo.

"Aalis na ako. Itigil na natin ang paglolokohan pwede ba?" galit ko siyang kinompronta ngunit pinilit kong hininaan ang boses ko dahil baka marinig ng kanyang asawa na nasa loob pa ng bahay

"Anong pinagsasabi mo ha Catleya? ang sabihin mo, naghahanap ka lang ng tiyempo para iwanan ako hindi ba?!"

"Manahimik ka na Eric!" galit ko siyang sinagot at naglakad pero bago ko pa siya malagpasan ay marahas niyang hinatak ang gamit ko

"Aalis ka? makakaalis ka na kung kailan patay na ako!" kitang-kita ko ang galit sakanyang mukha

"What's happening here?" gulat kaming napatinging dalawa sa babaeng nagsalita sa harapan na mukhang kakalabas lang mula sa pinto

N-narinig niya ba ang usapan n-namin?..

Katahimikan ang bumalot sa kapaligiran nang magtama ang paningin nila sa isa't-isa, walang sinuman ang nagbalak na magsalita. Pakiramdam ko ay isa lamang akong dekorasyon sa kanilang dalawa, isang bagay na panggulo at materyal na kukunin lamang sa tuwing kakailanganin.

"Vivian." hindi ko mapinta ang kanyang tono

"How are you..Eric? its been a long time" nagsimulang tumulo ang kanyang mga luha habang nakatakip ang isang kamay sakanyang bibig

Umiling si Eric at umiwas ng tingin na para bang naguguluhan at nalilito sa kung anong gagawin niya. Pumikit ito at bumuntong hininga.

"I...I dont know what to say"

"Its okay babe, what's important is that im back, i came back to you. A-aren't you h-happy?"

Naglakad siya papunta kay Eric na hindi man lang gumalaw mula sa kinatatayuan niya at niyakap ito habang umiiyak sa balikat nito. Umiwas ako ng tingin at hindi malaman kung ano ang gagawin, ano nga ba ang dapat kong gawin? dapat ba akong magtapat sa asawa niya? dapat ko bang tanungin kung sino ang legal saaming dalawa? nalilito ako, s-sino ang kabit saming dalawa? natatakot ako sa kung anong maging sagot niya.

Kumalas si Eric mula sa pagkakayakap niya at tinignan ako sa mga mata, hindi ko alam kung bakit hindi ako umiwas, marahil ay dahil naghihintay ako ng sagot.

"Vivian, I want you to meet Catleya."

Kumunot ang aking noo at patanong ko siyang tinignan, ano bang binabalak mo? are you going to confess about the truth?

"I met her awhile ago, saying that she was your maid" mahina at inosente niyang sambit bago tumingin din saakin

"She'll stay with us."

"Baliw ka na ba?" mahinang sambit ko kay Eric dahil sa sinabi niya

"She'll stay with us our maid, I didn't permit her to leave because she still owes me something valuable. She was planning to escape but it was a good thing that I caught her earlier."

Napatawa ako, sobrang sakit sa pakiramdam. Naaawa ako sa sarili ko, hindi ko alam kung ano bang nagdala sakin sa sitwasyon na ito. Tunay nga, nakuha ko na ang sagot sa katanungan ko...

Ako ang kabit, at siya ang legal. Ang sakit.

A Politician's ParamourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon