CHAPTER 18

4.5K 70 14
                                    

CHAPTER 18


Lakad takbo ang ginagawa ko. Nandito ako ngayon sa school at tatlong araw na ang nakakalipas. Base sa mga naririnig ko at sa mga bali-balita dito ay wala na daw bagyo.

Nagpalinga-linga ako at pasimpleng sumisilip sa mga room bawat department. Kasalukuyan ko kasing hinahanap si Ackdan ngayon. Lunch na at gusto ko ay sabay ulit kaming kumain kagaya ng dati.

Nang mamataan ko siyang naglalakad kasama si Hannah at nasa likod nila ang ibang Teacher ay kaagad akong nagtago. Nag-uusap ang dalawa, paminsan-minsan ay ngingiti si Hannah, si Ackdan naman ay seryoso lang na tila may pinapaliwanag.


Nang makalapit na sila sa gawi ko ay kumuha ako ng tiyempo. Mabuti na lang ay tapos na silang mag-usap ng babae at nakatuon na ang atensyon nito sa kaniyang cell phone.


Hindi napansin ni Ackdan ang presensiya ko kaya mabilis ko siyang hinila. Bahagya pa siyang nagulat ngunit nang makita niya ako ay napangiti siya. Humawak siya sa aking pisngi. Hinila ko pa siya sa mas tagong lugar. Niyakap niya naman ako at hinalikan sa noo.


"Anong ginagawa mo dito, Batchoy?" Tanong niya nang humiwalay sa pagkakayakap. "Tanghalian na kaya, nakalimutan mo na ang oras, nakalimutan mo na din ako," ngumuso ako at ipinagkrus ang aking kamay, kunwaring nagtatampo. Mahina naman siyang natawa sabay pisil ng aking pisngi.

"Sorry na, halika na kain na tayo, gutom na ba ang girlfriend ko?" Malambing niyang saad. Napaiwas naman ako ng tingin. "Paano kung hanapin ka ni Hannah?"


"Edi sasabihin ko may nakita akong pusang makulit," biro niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Bakit? Makulit ba ako?!" Anas ko at pilit na inaabot ang kaniyang mukha. Dahil sa tangkad niya ay hindi ko siya magawang pantayan!


"Sakto?" Mahina siyang natawa. Napairap naman ako.

Humawak siya sa bewang ko ay inalalayan akong lumabas sa masikip na espasyong na aming pinagtataguan. "'Yung kamay mo!" Pabulong kong wika. "Bakit, Batchoy? Nakahawak lang naman ako sa bewang mo, eh," mahina niyang sagot.


"Makita pa tayo ng mga tao diyan, eh, baka mamatay pa sila sa selos kapag nakita nila na ang nag-iisang Ackdan, anak ng Gobernador ng buong Batanes, ay nakahawak sa bewang ng isang hamak lang na babae," pabiro kong saad.


"Edi hayaan mo silang magselos, dapat lang sila magselos sa'yo, 'no! Tsaka anong sinabi mo na isang hamak na babae ka lang, Batchoy?!" Nagtaas siya ng kaniyang kilay kaya napailing nalang ako sabay halakhak.


Wala na siyang nagawa kundi ang alisin ang kaniyang kamay na nakahawak sa aking bewang. Sabay kaming naglakad papunta sa Canteen habang bitbit niya ang aking bag.


Ang iba ay pinagtitinginan kami. Ang iba naman ay tila nasanay ng magkasama kami dahil nga ang alam lang nila ay magkaibigan kami ni Ackdan, ngunit siyempre ay hindi pa rin nawawala doon ang panghuhusga sa mga mata nila.


"Ang kapal ng mukha! Pinabuhat pa talaga kay Ackdan ang sira-sira niyang bag," rinig kong bulong ng isa.

Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Nang makarating kami sa Canteen ay kaagad kong kinuha ang aking baon. "Batchoy, palit muna tayo ng pagkain, gusto ko 'yang daing at tuyo mong ulam, bilhan na lang kita ng pagkain dito sa Centeen?" Wika niya.



"Para kang sira, Ackdan, mas masasarap pa nga ang pagkain dito sa Canteen kesa dito sa baon ko, eh, 'wag ka nga diyan!" Mahina kong hinampas ang kaniyang braso.

"Hindi ko naman hihilingin na magpalit tayo kung hindi masarap ang baon mo, Batchoy, eh!" Ngumuso siyang muli. Humawak siya sa aking braso kaya mariin akong napalunok at pasimpleng napatingin sa mga estudyanteng narito. Nagbubulungan na sila!


Fearless (LUZVIMINDA SERIES 1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now