Queen Leigh Hernandez POV
***"Bumalik kana..".
Nagugulat kong pinag masdan si Kuya Kylix na seryosong nakatuon sa akin ang paningin. Ramdam ko ang pagiging kuya niya sa mga oras na ito at alam ko na hindi na siya nag bibiro.
"A-Anong sinabi mo?". Bahagyang nangunot ang noo ko.
"Bumalik kana sa bahay..". Malumanay na aniya.
"K-Kuya Kylix..".
"Bumalik kana sa amin na pamilya mo!". Doon na bahagyang dumiin ang kaniyang boses. Tuloy ay bahagya akong natahimik sa mga sandaling ito habang deretyang nakatitig kay kuya Kylix. "Bumalik kana bilang si Cyrine Fox Lovereigh..". Tila nakikiusap.
"Alam mong hindi pa pwede kuya..". Nag baba ako ng tingin.
"Fúck!". Asik niya bago mariing sinuntok ang pader na siyang kinasasandalan ko. Bahagya akong napapikit. Ramdam na ramdam ko ang galit ni Kuya Kylix. "You're being so selfish, Cyrine!!".
"I-I'm Sorry..". Nag baba ako ng tingin.
"Ano bang dahilan mo? Fúck! I don't fúcking understand!". Bahagya siyang dumistansya sa gawi ko na animo'y naguguluhan, nagiisip at naiinis. "Kung gusto mong gumanti sa mga taong nanakit sa'iyo noon.. pwede mo namang gawin iyun bilang si Cyrine Fox Lovereigh. Hindi mo na kailangang mag tago o mag panggap bilang ibang tao, Cy. We can also help you.. kami na pamilya mo".
"Ayoko na madamay kayo sa mga problema ko". Mahinang tugon ko bago nag lihis ng tingin. "Ayoko na makita kayong masaktan.. Hindi ko kakayanin iyun".
Bahagyang natigilan si Kuya Kylix bago impit na napamura.
"Tàngina pano naman kami? How about me, huh? Akala mo ba madali para sa akin na panoorin kang sinasaktan sa harapan ko?!". Asik niya bago mapait na ngumite. "Do you know how hard it is for me to lie to our parents? Hindi mo ba alam kung gaano kahirap para sa akin na magpanggap bilang kuya sa manloloko at sinungaling na babaeng nag-aakto bilang ikaw!? Fúck she almost killed you!".
"A-Alam ko iyun..". Mariin kong nakagat ang aking labi. "Pero sana bigyan mo pa ako ng time, kuya Kylix".
Huminga siya ng malalim bago ako binigyan ng isang malamig na tingin.
"I will give you the time you wanted, but after that, you have to come back as soon as possible, or else..."
"O-or else what?".
"Ako na mismo ang mag sasabi kila mom and Dad ng buong katotohanan". Seryosong aniya bago marahang tumalikod.
"You know you can't do that!". May bahid nang pangambang asik ko kasabay ng mariing pag pigil ko sa kaniyang braso nang asta siyang lalakad papalayo. "Nangako ka sakin kuya Kylix!".
"Nangako nga ako sa'iyo, Cyrine..". Marahan niyang tinanggal ang aking kamay sa kaniyang braso. "But I also made a promise to myself—a promise to protect you at all costs and never let anyone hurt you again." Malamig na aniya bago tuluyang Lumakad papalayo sa gawi kung saan naiwan akong nakatingin lamang sa kaniya. Bahagya kong pinunasan ang luhang kusa na lamang tumulo sa aking mga mata.
'k-kuya Kylix..'.
"A-Anong napag Usapan niyo?". Agad na tanong ni Rykie ng makabalik ako sa Klase. Huminga lang ako ng malalim at hindi siya sinagot. Masiyado akong nabigla sa mga ikinikilos ni Kuya Kylix subalit sa isang banda ay hindi ko naman siya masisisi. Ganun na marahil ang tindi ng kaniyang pag-aalala para sa akin.
Pinanood kong pumasok sa silid namin ni Dr Kalix Fox Lovereigh na siyang aming professor sa mga Oras na ito. Kaagad na tumayo ang lahat at nag bigay ng pag bati sa kaniya habang ako naman ay nakatitig lamang at tahimik siyang pinag mamasdan. Nag simula ang lecture namin sa Usaping medical subalit ang buong atensyon ko ay nakapako lamang sa bawat galaw at pag ngite ni Dr Kalix Fox Lovereigh.
BINABASA MO ANG
Loving my Ex-Boyfriend's brother (THE SEQUEL)
Jugendliteratur"Life is Like a Gambling. It's up to you if you're gonna play with it or you're gonna let yourself lose the game and so does love". - Queen Leigh Hernandez/Cyrine Fox Lovereigh "Lying is part of our life. the more you lie the less you feel the pain...