Nung nakita ko yung balita about sa Imbestigasyon ng Senado sa war on drugs na isasagawa ng Blue Ribbon Committee ang nasabi ko lang ay...Ang "War on Drugs" sa Pilipinas ay isang Malaking failure sa bansa at sa mga mamayanan sa Pilipinas lalo na sa mga mahihirap na sector.
Grabe, nakakapangilabot sobra! Ang "War on Drugs" sa Pilipinas ay hindi lang isang campaign, kundi isang krimen. Sa halip na matulungan ang mga nagstrustruggle sa pinagbabawal na gamot ang nadulot tuloy nito ay karahasan, paglabag sa karapatang pantao, at pagkamatay ng libu-libong tao.
Sobrang taas ng tingin ko sa mga pulis since nung bata ako, ngunit after kong napanood ito napagisipan ko na ang ibang mga pulis, imbes na magbigay ng justice sa mga taong nangangailangan, ang nangyayari ay sila pa ang pumapatay sa mga inosenteng tao at nagbibigay ng takot sa mga taong hindi kayang ipaglaban ang hustisya na kanilang hinihiling.
Nasabi din sa balita na every person na mapapatay nila sa war on drugs mayroon itong katumbas na reward. Kaya siguro kahit sino-sino nalang ang kanilang papatayin kahit na inosente man ito upang makuha ang reward na yan.