Snippet for You

157 5 0
                                    

Hi, it's been a while po. Thank you po sa mga readers na sumunod doon sa Dreame if meron man. I truly appreciate your effort. Please don't forget to vote and comment ~ (moon ticket if kaya po hehe❤️🤧)

Anyway, for everyone here, here are some snippets for Hikari's journey. Here are some flashbacks for some chapters pero cut-off lang. If you want to read the full chapters, andun po sa Dreame at daily update din po yun. Please support me!

Chapter 71: [Flashback]: Separation

"Tita... how's she?" nag-aalinlangan nitong tanong. Sayin pause and slowly shook her head. Umalis sila sa harapan ng kwarto nito at pumunta sa kusina.

"Why is her lunch like this? Hindi niya ginalaw? Hindi siya kumain, Tita?" tanong nito nang napansin ang dala niya. Nilagay ni Sayin ang tray sa sink at bumuntong hininga bago tinignan si Emiko nang may halong pag-aalala at pag-aalinlangan.

"Emi, tell me..." A lone tear fell from her eye. "M-Mali bang pinaglayo ko sila?" Sa katanungan ay tuluyan ring nabiyak ang boses nito.

"M-Mali bang gusto kong ayusin ang lahat? I just want the best for the both of them... y-yet, seeing them— Hikari like this... t-tama n-nga bang pinaglayo ko sila?" gumaralgal ang boses niya habang nagsasalita nang may halong labis na sakit.

"Tita..." Hindi rin malaman ni Emiko kung ano ang isasagot rito.

"Seeing Hikari with them suffering like this, I know I have to save this girl. Sino ba namang hindi maaawa sa sitwasyon niya? She was left alone for too long and waited for such promise that sounds so impossible. Pamilya lang naman ang hangad ng batang 'yon pero hindi pinagkakait sa kaniya. Instead of letting her continue to suffer from that, hindi ba't mas mabuting ilayo ko na lamang siya at tapusin ang paghihirap niya?" sunod-sunod naman na ang pagdaloy ng mga luha ni Sayin.

"Pero bakit ganun? B-Bakit masakit? Bakit pakiramdam ko ako ang pumutol ng kaligayahan niya? Instead of making her happy, why does it seems like Hikari don't want this?"

-- to be continued.

Chapter 72: [Flashback]: Emptiness

Hindi na niya alam kung saan nga ba ilulugar ang sarili. Bakit ba lahat na lang ng taong gusto niyang mahalin ay sinasaktan siya ng ganito? Bakit nila ito ginagawa sa kaniya?

Is what they're saying is right? Talaga bang salot siya sa buhay? Talaga bang mas mabuting hindi na lamang siya ipinanganak sa mundong ito para walang mananakit sa kaniya? Talaga bang wala siyang karapatan na maging masaya, maging malaya o ang mahalin ng mga taong pinangungulian niya?

Hikari felt as if her heart was stabbed countless times, leaving her heart bleeding so much because the wound is still getting deeper.

Basang basa na ang unan niya dahil sa iyak pero hindi niya parin mapigilan ang damdamin.

She's very tired.

Pagod na pagod na siya pero parang wala siyang karapatan na magpahinga sa kahit na anong paraan. Kahit saan ay sinusundan parin siya ng mga salitang binitawan nila. The chains around her body tighten even more and she felt that she couldn't escape in this pain for all her life.

Hinding hindi siya tatantanan ng sakit dahil sabi nga nila isa siyang salot. Na kasalanan niya ang lahat kung bakit nagkaganito ang buhay nila. Na siya ang dahilan kung bakit pinagdadaanan niya ang lahat ng ito.

To this day, the sun is still shining outside. The sunrise has completely shown its beauty to the world again, welcoming a new day of beginning.

For others, this may be a sign of a new life, but for someone who's under the thick blanket feels that it's another day for her to feel despair again.

-- to be continued.

Chapter 73: [Flashback]: Denial

"Hikari, tama na!" marahas na sigaw ni Emiko sa kaibigan. "Puro ka na lang Kuya! Hindi mo siya kapatid at lalong lalo nang wala siyang karapatan pagkatapos ng ginawa niya sa'yo!" sigaw niya ma may halong galit.

"Can't you see?! He was manipulating you to stay by his side! Sinasabi niya lang na siya ang bahala sa'yo pero gumagawa siya ng paraan para makulong ka sa isang buhay na hindi kayang mabuhay nang wala siya! He's taking advantage to your love! Hikari, gumising ka! He's not doing this for your god-damned sake but just for his sake! It's all by for himself and not for you!"

"Hindi totoo 'yan!" sigaw din ni Hikari at takot na napaatras, but Emiko won't let her drown to her hallucinations this time.

"Why it isn't?! Hindi ba't hindi ka niya pinapayagang lumabas ng bahay? Kahit nga makipag-usap sa akin o kay Ren ayaw niya din! Akala ko ba gusto ka niyang bigyan ng kalayaan pero bakit sa simpleng bagay hindi niya magawa?! He's deceiving you! He's controlling you!"

"Hindi!" balik na sigaw ng dalaga pero halata mong apektado sa mga sinasabi niya dahil mas lalong lumakas ang pag-iyak nito. Wasn't just because is the truth that she's been denying?! Hindi nito matanggap?! Edi pwe-pwersahin niyang matauhan ito!

So Emiko decided to be more ruthless.

"If he truly loves you, bakit siya magpapakasal sa iba?!"

-- to be continued.

Abangan sa Dreame ang mga susunod na kabanata. I'll also post more teasers for future chapters here. Thank you, everyone!❤️

Title: His Darkest Obsession
Author: passerbyeatingmelon

🕊️: His Darkest ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon