12

180 6 0
                                    


Masayang palakpakan ng mga tao ang sumalubong sa kanilang dalawa ni Wynn nang pumasok sila sa bulwagan kung saan idaraos ang reception sa kasal nila. Their moms with the help of the wedding coordinator really did a good job at making that wedding wonderful.

Everyone was in awe while looking at the decorations they did. It was classy with a hint of paradise, and that made Kate smile widely. May mga magagandang bulaklak ang naroon at para bang nagawa ng mga itong magmistulang hardin ang lugar na iyon para sa reception ng kasal nila ni Wynn.

"Congratulations!" muling pagbati sa kanila ng mga taong naroon. She just kept on smiling to them even though she didn't know all of the people there. Ang iniisip na lamang niya at saksi naman ang mga ito sa isang milestone sa buhay niya.

Wynn held her hand as they walked towards their table. Karamihan talaga sa mga naroon ay hindi naman kilala ni Kate, maybe she knows them but they weren't really close. Nakilala niya lang dahil sa Daddy niya o kaya ay sa negosyo nila.

She smiled when she saw Jacob at one table. He waved his hand at her and smiled. Kumaway rin siya rito at napansin niya na tumingin sa kaniya si Wynn at bahagyang kumunot ang noo nito.

She remembered what he said earlier. He wanted her to stop talking to Jacob... but why would she do that?

Jacob is her cousin, and a friend. Iniisip niyang kausapin na lang din niya si Wynn tungkol sa lalaki dahil wala naman talagang dahilan upang iwasan niya ito. Kung iniisip ni Wynn na may kung anong relasyon siya sa lalaki, nagkakamali ito.

Walang kahit na ano na namamagitan sa kanilang dalawa ng lalaki.

The program went on as planned. They danced, they talked, some of the people there–especially their families gave them messages and blessings as well. Hindi binitiwan ni Wynn ang kamay niya habang pinapakinggan ang mga ito.

"Wynn, like what I have told my daughter, I know that you will take care of her. I know that you will protect her," sabi ng Daddy niya habang nakatingin sa kanilang dalawa. Napangiti naman siya rito. "She can be a handful sometimes, but she's the sweetest girl you'll ever meet. She's kind, caring, thoughtful, hopefully not a brat," sinundan iyon ng daddy niya ng pagtawa na siyang ikinangiti niya rin. "But I am hoping that you both will be understanding of each other, you will both respect each other, and trust each other..."

She looked at Wynn's hand on her.

Hindi naman alam ng lahat na kasunduan lamang ang kasal na iyon. Alam niya na iniisip ng mga ito na nagmamahalan silang dalawa ni Wynn. Well, that's what she wants to happen... gusto niyang dumating din ang punto na mamahalin siya ng lalaki...

Dahil aminin man niya o hindi, alam niyang tuluyan na siyang nahuhulog dito, at hindi niya alam kung may pagkakataon bang mawawala ang nararamdaman niya na iyon para sa lalaki.

"Kate, hija..." she looked at her dad again and she smiled. "I have been so fortunate to have you as my daughter. Now that you're finally married, I am wishing for nothing else but your happiness. Our home will still always be yours. Not just for you, but for your husband as well. Even though you're married now, you will always be Daddy's little girl, Kate. We love you so much," he smiled at her again and his eyes were clouded with tears.

Kahit si Kate ay naramdaman ang pamamasa ng mga mata dahil sa sinabi ng daddy niya sa kaniya. Inabutan naman siya ni Wynn ng tissue upang mapunasan niya ang mga mata.

Wynn's parents gave them messages, too, pati ang mga kapatid nito na halatang umagaw ng atensiyon mula sa kanila dahil na rin sa mga itsura nito.

They all look dashing in their suits. Karamihan sa mga babaeng bisitang naroon ay panay ang tingin sa mga ito, umaasang masusulyapan man lang sila ng isa sa tatlong lalaking naroon.

BOF 1: WYNN RAVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon