It has been two days since she last saw Wynn. Alam niyang umuuwi ang lalaki sa bahay nila dahil na rin nakikita niya ito sa CCTV pero umuuwi ito ng gabing-gabi na kung saan tulog na siya at aalis naman din ito ng sobrang aga bago pa siya magising.
She actually feels sad that Wynn was like towards her. Para bang lahat ng ipinakita nito sa kaniya bago pa sila ikasal ay isang pagpapanggap lamang.
As much as she wanted to hate him, she couldn't. Naniniwala siyang may dahilan ang lalaki kung bakit gano'n ang inaasta nito sa kaniya, kung bakit gano'n ang naging pakikitungo nito sa kaniya.
He despised the agreement so much, and he was left with no choice but to do it anyway.
She sighed heavily as she watched Wynn sit on the couch and leaned to rest. Sa CCTV na lang niya nakikita ang asawa niya at kahit pa gusto niyang paghandaan ito ng pagkain, hindi naman din ito kumakain doon.
Tanging siya lang din ang kumakain ng mga niluluto niya.
That night, she waited for Wynn. Hindi siya umakyat agad sa kwarto niya para matulog, sa halip ay nanatili na lamang siya sa may sala at hinintay ang lalaki. Panay rin ang tingin niya sa orasan habang naghihintay.
Kadalasan ay umuuwi ang lalaki ng ala una ng madaling araw, at aalis ito bago pa man mag-alas sais. Panay na ang hikab niya dahil hindi naman talaga siya sanay ng napupuyat. Nakasandal lang siya sa sofa habang nanunuod ng kung ano sa TV na basta na lang din niyang pinili para lang may naririnig siya at may liwanag siyang nakikita habang naghihintay.
Habang papalapit ang ala una ay panay na rin ang tingin niya sa pinto kahit na tiyak niya namang maririnig niya ang pagdating ng sasakyan ni Wynn.
Ilang sandali pa ay narinig niya na ang pagdating ng sasakyan nito. Gustuhin man niyang tumayo at salubungin ito, nanatili na lamang siya sa kinauupuan niya at hinintay na makapasok ang lalaki.
She knows that he's tired from work... and she doesn't have any plans on arguing with him, either. Gusto lamang niyang kumustahin ang lalaki, at makita rin ito.
It was funny how she misses him even though he bluntly stated that he's thinking of having an annulment.
Naisip din ni Kate ang bagay na iyon, at isa lang ang naging desisyon niya. Hindi siya papayag sa gusto nito... hindi siya papayag na basta na lamang silang maghiwalay...
They're married, they swore to be together... wala siyang planong sirain ang pangako nilang iyon...
And... she trusts her dad...
Alam niya na may dahilan ang daddy niya nang sinabi nito na mabuting tao si Wynn. Hindi pa kailanman nagkamali ang daddy niya ng judgement sa isang tao.
Naniniwala siyang may dahilan kung bakit gano'n ang nangyayari sa kanilang dalawa ni Wynn at ayaw niyang basta na lang sukuan ang lalaki. Naiisip niya rin na baka kaya nasabi ni Wynn ang bagay na iyon, kaya nasa isip nito ang bagay na iyon ay dahil hindi pa siya nito kilala...
Kung makikilala siya nito, maaring magbago ang lahat sa kanilang dalawa... maybe there's a chance for him to like her, too... or love her...
Napako na ang mga mata niya sa pinto nang bumukas iyon at pumasok si Wynn na awtomatikong kumunot ang noo nang makita na may liwanag na nagmumula sa malaking TV na naroon sa sala bago nagtama ang mga mata nilang dalawa.
"You're still awake," he said as he put his car keys on the table.
She nodded her head and got up. Binuksan niya rin ang ilaw at kumalat na ang liwanag sa buong kabahayan nila. "I was waiting for you..." sabi niya sa lalaki bago kinuha ang hawak nitong bag na siyang gamit nito sa pagpasok sa opisina.
BINABASA MO ANG
BOF 1: WYNN RAVEN
RomanceWynn is the second son of Arturo Montes de Oca and Marisol Samaniego-Montes de Oca. After his brother left their home two years ago, he has been the person their parents are trusting to manage the business and fulfill an agreement that was long agre...