DISCLAIMER
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
...
You don't start out writing good stuff. You start out writing crap and thinking it's good stuff, and then gradually you get better at it.
That's why I say one of the most valuable traits is persistence.
― Octavia E. Butler
"If the book is true, it will find an audience that is meant to read it."
- Wally Lamb
ENJOY READING!
°°°
Nakatayo ako sa harapan ng registrar ng school na papasukan ko. Nakatingin ako sa mga estudyanteng alam na kung anong kursong gusto nila simula pa lang. Marami kang gagawin bago maka-enroll, kaya pinagiisipan ko talaga kung anong course ang kukunin ko.
Gusto ko maging writer dahil noong high school ako, adik na adik talaga ako sa Wattpad. Pumupunta pa ako sa mga book signing events o kaya naman sa mga GMU para makasama ang mga paborito kong manunulat at mga kapwa ko reader. Dahil sa pandemya at sa mga nangyari sa akin nitong nakaraang taon, nagbago ang gusto ko.
O kaya naman, baka hindi ko talaga gustong maging manunulat; baka nai-inspire lang ako ng mga paborito kong writer, at gusto ko lang maging famous writer tulad nila. Pero siguro phase lang yun kaya nandito ako ngayon sa tapat ng registrar, may hawak na enrollment form, at nag-iisip kung anong course ang kukunin ko.
Nursing. Nursing ang kinuha kong course dahil sa halos isang taon ko sa Maynila, halos sa ospital ako nakatambay kaya nursing ang napili ko. Hindi ko alam kung magugustuhan ko ang nursing, pero wala na akong magagawa. Nasa harapan ko na ang Dean ng Nursing Department.
"Sigurado ka na ba?" tanong niya sa akin habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko. Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil hindi ako sigurado. "Mahal ang tuition ng nursing, at hindi basta-basta ang nursing."
Hindi ako sumagot sa kanya, nginitian ko lang siya nang alanganin, at pinirmahan na niya ang enrollment form ko. Nagpasalamat naman ako sa kanya at nagpatuloy na sa pagpapa-enroll. May isang buwan pa bago ang pasukan, kaya kung maiisipan ko na hindi para sa akin ang nursing, makakapag-drop pa ako.
Pagkatapos kong magpa-enroll, nagpasya akong bumalik sa ospital. Pagdating ko sa ospital, tinanong agad ako ng lola ko kung nakapag-enroll na ba ako at kung ano ang course na kinuha ko.
"Nakapag-enroll ka na? Anong kurso ang kinuha mo?" tanong niya sa akin kahit hinang-hina na siya.
"Oo, nursing ang kinuha ko." Inilabas ko mula sa tote bag ko ang ID na pinagawa kanina at ipinakita ko na rin ang enrollment form ko. May kasama pa itong mga maliliit na papel na hindi ko alam kung para saan.
"Mahal ang nursing, pero sana makapagtapos ka ng nursing," ngumiti siya sa akin at hinawakan ang aking kamay.
"Sana nga, para may alam ako kung paano ka aalagaan pag nakalabas na tayo dito."
"May magiging personal nurse ka na pag nakagraduate itong si Ning Ning," komento ng isa ko pang lola, na kapatid ni Nanay.
"Syempre naman, aalagaan ko 'yan pag naging nurse na ako."