Ara's POV
Natapos ang araw na to na medyo nastress ako, kung madali lang ang exam sa biology at English sa ibang subjects naman ay napakahirap! yung iba pa ay hindi ko matandaan kung naaral ba namin yon.
Pag-uwi ko, agad akong napahiga sa kama, parang pagod na pagod ang utak ko. Hindi ko maialis sa isip ko yung mga tanong sa exam na parang hindi ko talaga kabisado. Ang hirap kaya! At alam ko, hindi lang ako ang na-stress kanina.
"Grabe, nakakabaliw na exams," bulong ko sa sarili ko habang iniisip ko yung ibang subjects na halos sumakit na ang ulo ko kakaisip ng sagot. Pero kahit papaano, medyo gumaan ang pakiramdam ko nung naalala ko yung mga simpleng moments namin ni Enzo kanina.
Napangiti ako. Kahit sa gitna ng stress, andiyan siya para magbigay ng kaunting lakas at inspirasyon. Ngayon, kailangan ko na lang bumawi sa susunod na exams at tiyakin na mas ready ako.
Maliligo na sana ako ng tumunog ang cellphone ko, may tumatawag kaagad ko yon tinignan kung sino.
It was Enzo.
Napakunot ang noo ko at agad na sinagot ang tawag.
"Hello?" bati ko, medyo nagtataka.
"Hey, nakauwi ka na?" tanong niya, at ramdam ko agad yung pag-aalala sa boses niya.
"Oo, kakauwi lang," sagot ko habang inaayos yung towel na hawak ko. "Bakit?"
"Just checking on you. Alam kong mahirap yung ibang subjects kaya naisipan kong tawagan ka. Napagod ka ba?"
Napangiti ako, hindi ko tuloy mapigilan ang kilig kahit pagod na ako. "Medyo. Pero nakakagaan ng pakiramdam yung call mo, salamat."
"Good. Basta, pahinga ka na ng maayos ha. Kung may kailangan ka, nandito lang ako," sagot niya bago nagpaalam.
Bumuntong-hininga ako pagkatapos ng tawag. Kahit simpleng check-in lang, ramdam ko yung genuine na concern niya.
Habang naglalakad ako papasok sa banyo, naramdaman ko ang pag-igting ng sakit sa ulo ko. Agad akong bumuhos ng malamig na tubig sa mukha ko, umaasang makakatulong ito sa sakit.
"Shit, nakakainis," bulong ko sa sarili habang nagmamakaawa ang mga mata ko na huwag tumulo ang mga luha. Sinubukan kong kalmahin ang sarili ko at isipin ang magagandang bagay.
Matapos ang mabilis na paliligo, nagdesisyon akong dumiretso sa kwarto at magpahinga. Hahanap ako ng paraan para gumanda ang pakiramdam ko bago matulog.
Napatigil ako sa pagpapatuyo ng buhok ko nang maalala ang sinabi ni Lola tungkol sa acquaintance party. Seryoso itong mahalaga, pero naguguluhan ako sa ideya kung ano ang isusuot. "Bukas na yon, kaya anong susuotin ko?" tanong ko sa sarili ko, nag-iisip ng mga posibilidad.
Umupo ako sa harap ng salamin at sinimulang suriin ang aking wardrobe. Kailangan kong maging presentable at stylish.
"Maybe a nice dress? O kaya, something casual pero classy?"Isinantabi ko ang mga simpleng damit ko at naghanap ng mas magara. Siguradong gusto kong magmukhang maganda, pero hindi over-the-top.
"Maybe I can borrow something from Kristell," isip ko habang nag-iisip kung anong kulay ang babagay sa akin. Isang simpleng black dress o kaya’y isang chic blouse na may skirt? Naisip ko ring kung dapat bang mag-makeup o natural lang ako.
Pero kahit anong isip ko sa outfit, hindi ko magawang ma-excite. Putcha, ang sakit-sakit ng ulo ko. Para bang kahit anong saya at ganda ng mga plano, nandoon pa rin ang panginginig ng katawan at pagbigat ng isip.
YOU ARE READING
Stay With Me (COMPLETED)
General FictionSa isang engrandeng party, chill ka lang dapat, enjoying the vibe and everything. Pero bigla na lang may guy at diretsahan na sinabi sayo na... "I want you to be my fake girlfriend." Papayag ka ba? Or Tatanggi na lang?