Chapter 31: Scorn

121 18 5
                                    

Scorn

────⊱🥀⊰────

Kianna's Point Of View

Kanina pa ako tahimik habang hinihila ako ni Zyko papunta sa kung saan. 

Huminto kami sa tapat ng elevator. Pinindot niya ang Ground floor na siyang ipinagtaka ko.

Anong gagawin namin do'n?

Pagkabukas ng elevator ay marahan akong iginiya ni Zyko papasok sa elevator, hindi pa rin binibitawan ang aking kanang kamay. 

Ramdam ko kanina pa ang mabilis na pagtibok ng aking puso, marahil ay dahil sa kaba. 

Hindi ko alam kung paano ako papagalitan ng presidente namin na kinakailangan pa talagang sa ground floor kami pumunta. 

Ipapahiya kaya niya ako?

Bigla akong pinagpawisan. 

Hindi naman siguro...

Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makalabas kami ng elevator. Nakaalalay pa rin siya sa'kin habang hila-hila ang stand ng dextrose. 

Nangunot ang noo ko nang huminto kami sa tapat ng... kainan?

Taka akong napatingin sa presidente namin. 

"What do you want to eat?" Iyon ang unang mga salitang lumabas sa kanyang mga bibig sa kabila ng katahimikan kanina. "Emrys?" Tawag niya sa'kin sa isang malumanay ngunit mababang tinig, sabay tingin sa mga mata ko. 

"A-ahm..." Napatikhim ako sabay iwas ng tingin sa mga mata niya. 

Hindi ko alam kung bakit bigla akong naaapektuhan sa paraan ng pagtingin niya sa'kin ngayon, lalo na sa mga ikinikilos niya. Siguro ay dahil hindi katulad ng dati na malamig siyang tumingin, at kadalasan ay lagi siyang naiinip, naiinis o kaya naman ay naiirita kapag kasama ako. 

Ewan ko kung ano ang nag-iba ngayon. 

What has changed?

Siguro hindi lang ako sanay sa malumanay niyang mga tingin ngayon. 

Siguro dahil pasyente ako sa ospital na pag-aari nila.

"Let's take a round." Sambit niya sabay hila ng marahan sa kanang kamay ko. 

Napatingin tuloy ako roon. Ang laki ng kamay niya kumpara sa kamay ko. Mainit din ang kanyang palad at hindi ko maikakailang nagiging komportable ako sa paghawak niya sa kamay ko. Pakiramdam ko, ligtas ako.

"Do you want that?" Tanong niya kaya nabalik ako sa reyalidad.

Napatingin ako sa tinuturo niya. 

May sandwich, soup, salad, baked potatoes, chicken, egg, beef, at marami pang iba.

Napakibit-balikat ako. Hindi ko alam kung anong pipiliin ko sa napakaraming mga pagpipilian.

Tinignan ko si Zyko.

"Hindi ko alam. Ang daming pagpipilian, tsaka hindi ko dala ang wallet ko ngayon, kaya wala akong pambayad." Saad ko. 

"Alright, then. I'll order everythi--"

"Sa'yo lang ha!" Mabilis kong putol sa sasabihin niya. 

Napataas ang isa niyang kilay sa pagsingit ko sa sasabihin niya.

"Oh, bakit?" Tanong ko at pinagtaasan din siya ng isang kilay.

The Only Rose Among The Thorns: Behind The Hood (On going)Where stories live. Discover now