Ara's POV
Good morning!!
Masaya akong bumangon sa aking higaan
ewan ko ba hindi na mawala ang ngiti ko sa aking labi simula nung ipakilala ko si Enzo sa family ko, sobrang saya ko. Inayos ko ang higaan ko at saka ako dumeretso sa banyo
para maligo.Nakangiti akong pumunta sa salamin at tinignan ang aking kabuuan. Pero agad din akong napangiwi, "Tsk, panget ko talaga."
Sa kabila ng ngiti ko, hindi ko maiwasang mapansin yung mukha ko ang dami nag-sasabi saakin na maganda ako siguro nga pero wala lang talaga akong confident sa sarili Minsan, naiisip ko kung paano kayang napakaganda ni Enzo sa paningin ko, samantalang ako ay may mga insecurities.
"Get a grip, Ara," sabi ko sa sarili ko, huminga ng malalim. "Mahal ni Enzo ang personality mo, hindi lang ang itsura mo."
Pupunta ako sa mall para mag-shopping. Well, malayo ang mall sa bahay namin, siguro mga ilang oras ang biyahe. Hindi ko naman talaga kadalasang ginagawa ito, pero dahil walang pasok ngayon dahil sa acquaintance party kagabi, nagdesisyon na lang akong magmall para hindi mabored dito sa bahay.
Bumaba na ako at nagpaalam sa aking pamilya. After non, sumakay na ako sa aking kotse at pinaandar na yon.
________
Napasimangot ako, ilang Oras na ako dito!
punyemas na traffic yan sinisira araw ko!"Damn it!" asik ko at saka gigil na hinawakan ang manibela "Isang oras na akong nakababad dito."
Matapos ang ilang minutong pagkaantala, umandar na rin ang traffic at tuluyan na akong nakalabas sa congested area. "Finally!" sabi ko sa sarili ko at inis na pinaandar muli ang sasakyan.
Gaya ng sinabi ko, ilang oras akong bumyahe para makapunta sa mall. Nang makapasok ako, nag-enjoy ako sa amoy ng mga paborito kong pagkain mula sa food court.
"Okay, time to shop!" sabi ko sa sarili ko habang naglalakad. Diretso akong pumunta sa mga clothing stores. Kailangan kong makahanap ng magandang outfit, lalo na para sa susunod na pagkikita namin ni Enzo.
Habang nag-iikot, naiisip ko kung ano ang bibilhin at kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nakita ako sa bagong suot.
Pero kaagad din akong natigilan at napailing. "King ina, ano bang pinag-iisip ko? Tsk!" Napabuntong-hininga ako.
Bumalik ako sa pag-iikot sa mall, nakatingin sa mga damit at sapatos. Siguro, kailangan ko lang talagang mag-enjoy sa araw na ito at huwag masyadong isipin ang tungkol kay Enzo. Hehe nagiging lutang ako e.
Pero napatingin ako sa cellphone ko ng biglang mag- vibrate yon, wala sa sariling napangiti ako, si Enzo nag message hihi.
Nag message lang naman siya if nasan ako syempre sinagot ko na nandito ako sa mall at nagshoshopping tapos sabi pa niya pupunta din siya dito para samahan ako pero hindi na ako pumayag, kailangan sarili ko muna.Mamaya ka na bebe ko!
Pinatay ko na ang cellphone ko at halos mapatalon ako sa gulat nang paglingon ko sa likod ko. Nandoon si Jezreel, ang lapit ng mukha niya kaya napalayo ako.
"Damn, Jez! You scared me!" Inis kong sabi.
Ngumisi siya. "Sorry, hindi na kita tinawag
nakangiti ka kasi habang nakatingin sa cellphone.""Okay lang, but please, don't do that again," sagot ko at nagpatuloy sa pag-aayos ng mga damit na nasa rack.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya habang nag-iikot sa paligid.
YOU ARE READING
Stay With Me (COMPLETED)
General FictionSa isang engrandeng party, chill ka lang dapat, enjoying the vibe and everything. Pero bigla na lang may guy at diretsahan na sinabi sayo na... "I want you to be my fake girlfriend." Papayag ka ba? Or Tatanggi na lang?