chapter two

17 7 0
                                    

Nakahiga si River sa masikip at madilim niyang silid, tanging liwanag lamang ng buwan ang nagsisilbing ilaw, habang ang mga mata niya ay nakatuon sa bitak ng kisame sa itaas.

Napapaligiran siya ng mga alaala ng nakaraan - mga tropeyo na natatakpan na ng alikabok, mga litrato sa eskwela kung saan wala pang masyadong inaalala, at ang mga larawan ng pamilya niya na tila pagmamay-ari na ng ibang panahon.

But the once-warm reminders of the past now felt hollow. Her mother was at the hospital, keeping watch over her father who lay comatose, and River was alone.

The silence pressed down on her, heavy and suffocating. Each memory clawed at her, dragging up flashes of better days, but instead of comfort, she only felt a gnawing ache - halo-halong galit, guilt, at pagkasuklam na hindi matanggal sa isip niya. Tumitig siya sa kisame, hindi gumagalaw, sinusubukang lunurin ang nararamdaman.

Then suddenly, a loud bang echoed from the apartment next door, followed by a series of crashes, as though someone was tearing the place apart. Napakislot si River, nakikinig habang nagpapatuloy ang ingay. Tumagal ito nang halos isang minuto bago muling lunurin ng katahimikan. The stillness was eerie, as if the noise had never happened.

Curiosity got the better of her. Lumabas siya ng kwarto upang alamin ang nangyayari. Sa pasilyo, nakita niya ang matanda nilang kapitbahay na si Aling Soriano, hawak-hawak ang kaniyang tungkod, galit na nakaturo sa pinto sa tabi ng apartment nina River.

"Hindi mo ba patatahimikin iyan?! Sawang-sawa na 'ko sa ingay na 'yan!" reklamo ni Aling Soriano, tumataas ang kaniyang boses sa pagkayamot. "Araw-araw na lang may kalabog - hindi na ako makatulog nang maayos! Dapat talaga'y pinalayas mo na iyan!"

The landlord, a tall, gaunt man in his fifties, rubbed his brow and tried to calm her down. "Aling Soriano, maawa naman po kayo. Mabait naman ho si Mang Rene, ako na lang ho ang kakausap."

"Naku naman, noong isang linggo pa 'yan! Buti sana kung soundproof itong mga kwarto ng apartment mo, hindi naman!" she fired back, pointing a bony finger at the door. "Kung hindi man 'yan sa ingay niya, e, itong mabahong amoy naman galing sa kwarto niya na kumakalat dito sa pasilyo. Kaninang umaga, halos masuka na ako. Dapat mo nang gawin ang trabaho mo, paalisin mo na yan!"

Napabuntong-hininga ang landlord, kumakalansing sa kamay niya ang mga susi habang dahan-dahang lumapit sa pinto. Kumatok siya nang ilang beses, bawat katok ay may diin habang tinatawag si Mang Rene, "Mang Rene? Ayos lang ba kayo? Pwede niyo ho ba kaming pagbuksan?"

No response.

"O, kita mo? Hindi ka pinapansin!" nagmamaktol na sabi ni Aling Soriano, nakapamewang at may himasok na galit. "Sumusubra na 'yan, buksan mo na nga!"

Sandaling nagdalawang-isip ang landlord bago ipinasok ang susi sa seradura. As he slowly pushed the door open, a heavy, putrid smell hit them like a wall, filling the hallway. River flinched and took a step back.

"Aba, Diyos ko!" napasigaw si Aling Soriano, ngayon ay puno ng pagkasuklam at pangamba ang kanyang boses. "Ano bang pinaggagagawa ng lalaking 'yan sa loob?"

Sumilip sila sa loob ng madilim na apartment at doon nakita si Mang Rene na nakatayo sa gitna ng silid, hindi gumagalaw.

Maputla ang kaniyang mukha sa ilalim ng liwanag ng buwan, tuyot ang mga labi, at ang kanyang mga mata - mga mata na hungkag at walang kabuhay-buhay - ay nakatingin nang diretso, madilim at walang kibo, na parang may malayong tinititigan na hindi nito maabot.

But what struck River most was his expression. There was nothing behind it, just a hollow stare that made her shiver.

Aling Soriano, attempting to mask her horror, forced a scolding tone. "Rene, magpaliwanag ka nga! Ano ba'ng pinaggagawa mo rito para magkalat ng ganitong amoy at ingay?"

Pero nanatiling tahimik si Mang Rene, hindi kumukurap, nakatitig pa rin sa kawalan. The emptiness in his eyes chilled River to the bone.

At habang pinagmamasdan niya ito, naramdaman niya - sobrang bilis lang, pero sigurado siya - na may kung anong dilim na kumislap sa likod ng mga mata ni Mang Rene.



Naglalakad si River sa pamilyar na pasilyo ng paaralan. May guard na nakasunod sa kaniya, binabantayan ang bawat hakbang niya. The sounds of footsteps, hushed whispers, and distant laughter echoed around her, but none of it felt the same. 

Maraming napapahinto pag nakakasalubong siya - tinitingnan siya ng ilang estudyante, pero agad ding iiwas ang mga mata, na para bang ang simpleng pagtingin sa kaniya ay sapat na para madamay sila sa pagkakalugmok niya.

As she passed by a bunch of familiar faces, they stiffened, clutching their books and staring anywhere but at her. Napahinto siya sa harap nila, sandaling tinitigan. Suminghal siya bago muling magpatuloy sa paglalakad. Friends my ass, usal niya sa sarili.

Then, she saw a group of girls. Isa sa kanila - isang babaeng may kupas na pink highlights at may benda sa noo - ang bahagyang ngumisi, kahit halata ang kaba sa kaniyang ekspresyon. May bakas ng takot sa kaniyang mga mata, at bagaman pilit niyang pinapakitang kampante siya, agad din siyang umiwas ng tingin, at awkward na nilaro ang strap ng kaniyang bag. Napatuloy sa paglalakad si River without giving her a second look.

Malamig ang tingin ni River habang hinahagilap ng mga mata niya ang mga pasilyo na dati niyang nilalakaran. Ngayon, parang banyaga na ang mga dingding na dati'y bahagi ng buhay niya. Tinaas niya ang noo at nagpatuloy sa paglalakad.

Binuksan niya ang kaniyang lumang locker, bumungad ang ilang gamit na minsang naging mahalaga sa kaniya - mga notebook na punong-puno ng lecture, mga litrato ng masasayang alaala, at ang ilang memorabilia na nagpapaalala ng pangarap niya noon na maging isang pulis. Napako ang tingin niya sa isang maliit na badge, laruan na minsan niyang pinangarap na gawing totoo.

Tumigil siya, tinititigan ang badge, damang-dama ang bigat ng bawat alaala na bumabalot sa kanya. Para bang lahat ng pinagsikapan niya noon, lahat ng mga pangarap, ay nawala na rin kasabay ng lahat ng nangyari. Sandali siyang nag-alinlangan - should she take it with her? Ngunit hindi. Hindi na ito bahagi ng bagong mundo niya ngayon.

Napansin ng guwardiya ang malalim na pag-iisip ni River at nagsalita, bahagyang nag-aalangan, "Hindi mo ba dadalhin 'yan?"

Tumingin si River sa kaniya, bakas ang lamig sa mga mata. "Hindi na," sagot niya, ang boses malamig, walang bahid ng pag-aalinlangan. Ibinagsak niya ang locker, and with her things clutched tightly against her chest, River continued down the hall, every step a reminder of what she'd lost - and a silent promise that she wasn't about to give them anything more.



Pagdating ni River sa bahay, nadatnan niya ang kaniyang ina sa madilim na kusina, nakaupo at halatang pagod, ang mga mata may mabigat na anino sa ilalim. Pagpasok pa lang ni River, agad siyang sinalubong ng ina, mahigpit na hinawakan ang kaniyang mga kamay.

"River, anak... pakiusap," nanginginig ang boses ng kanyang ina. "Para sa amin... mag-sorry ka na lang sa kanila. Kahit hindi mo kasalanan, humingi ka na ng tawad. Baka... baka sakaling mapagaan ang kaso mo. Pakiusap, River."

Nagningas ang galit sa mga mata ni River, at mabilis niyang binawi ang kaniyang mga kamay, umatras. "Gusto mong yumuko ako sa kanila? Pagkatapos ng lahat ng ginawa nila sa akin? Sa atin? Kay papa?!"

"Huwag mong isipin sila, isipin mo tayo! Ang tatay mo... kailangan niya ng kapayapaan, at itong nangyayari... nasisira tayo, River. Nakikiusap ako."

Lumalim ang tensyon sa paligid habang dahan-dahang bumabaon ang mga salita ng kaniyang ina, at naramdaman ni River ang umaalimbukay na galit sa kaniyang dibdib. "Gano'n na lang? Papayagan ko silang manalo dahil mas madali? Dahil ayaw mong lumaban?"

Nanginginig ang labi ng kaniyang ina, pero hindi siya sumagot. Sa halip, dahan-dahan siyang lumuhod, mahigpit na hinawakan ang mga braso ni River habang ang mga luha ay bumabagsak sa kanyang mga pisngi, puno ng sakit ang boses. "River... pakiusap... hindi ko na kaya."

River stood there, silent, as her mother's sobs filled the small room, each cry piercing her. She felt the tears well up in her own eyes, but she fought them back, her chest tightening.

After a few moments, she couldn't hold it anymore; tears began to slip down her face, silently. Tinitigan niya ang kaniyang ina, nakaluhod sa kaniyang paanan. She realized the weight of everything her parents were bearing for her. A painful clarity washed over her.

Through the Eyes of the AbyssWhere stories live. Discover now