Kabanata twenty-seven
Mine
Nasa loob ako ng mansyon, at naamoy ko na agad ang sariwang lutong pagkain na nagmumula sa dining room. Naroon nga si Zeke, nakasuot ng simpleng t-shirt at shorts, maayos ang pagkakaayos ng buhok niya. He is tall and fair-skinned.
"Zeke, naparito ka? Mukhang ang dami mong niluto ngayong araw, ah," I said, glancing at the impressive spread laid out on the long dining table, which the house staff were now transferring into elegant glass serving dishes.
"Sakto lang para sa dinner, Elle. Gusto ko rin sanang... manligaw" nahihiyang aniya.
Nanatili akong nakangiti, pero hindi ko maiwasang makaramdam ng bahagyang pagkailang sa sinabi niya.
"Aakyat ng ligaw?" tanong ko, bahagyang nagtaas ng kilay habang tinutulungan ang mga kasambahay na mag-ayos ng mga pinggan sa mesa.
Ngumiti si Zeke, "Bakit? Bawal na ba, Elle?" tanong niya.
Pinilit kong tumawa ng mahina, "Hindi naman..." sagot ko, sabay lingon sa mga pagkain.
Akala ko ba hindi na pwedeng magpapasok ng mga bisita sa mansyon? Anong ginagawa ng lalaking ito ngayon dito?
"I heard you dropped out of school?" tanong niya.
And... he knows that too?
"Nagiging madaldal na ba ako?" he chuckled.
Bago pa ako makasagot ay narinig ko ang boses ni Mommy, papasok ng aming malaking dining room.
"Mr. Marquez!" napahinto siya, halatang nagulat nang makita si Zeke sa aming bahay."Pasensya na po, Tita," ani Zeke, medyo nahihiya pero may tono ng pag-aalala sa kanyang boses. "Nag-aalala lang po ako para kay Elle. Napanood ko po kasi yung sa balita."
Tumango si Daddy na nasa gilid ni Mommy at nagpaliwanag, "Medyo mahirap na ngayon, iho. Kaya ikaw, kailangan mo ring mag-ingat."
Tumango si Zeke tila naiintindihan ang sinabi ng ama ko. "I also brought food for everyone,"
Napatingin ako sa likuran ni Mommy at napansin ko si Apollo. Agad din itong napansin ni Mommy.
"Nakita ko kasi siyang paalis ng mansyon, darling. Kaya inaya ko na din para mag-dinner dito, sakto nagdala pala ng pagkain si Mr. Marquez." nahihiyang ipinaliwanag niya.
Ngumiti ako at tumango. Naupo na kaming lahat sa harap ng lamesa, at nagsimula nang kumain.
"How's the situation from yesterday, tito?" ani Zeke, seryoso ang boses. "About the threats... and the bombs?"
Sinagot siya ng ama ko habang iniangat ang kanyang tinidor, "The investigation is underway. We have a few leads, but nothing is concrete yet."
Apollo and I exchanged glances, and I could see the same worry reflected in his eyes. Habang nag-uusap sina Zeke at Daddy tungkol sa seguridad at mga plano, tahimik akong nakinig, tinitimbang ang bawat salitang binibitawan nila.
"Elle, eto oh," ani Zeke habang inaabot sa akin ang mga oysters. Tinanggap ko ang mga 'yon kahit hindi ako mahilig sa mga oysters at nang lingunin ko si Apollo, he smiled without any humor.
"Thank you, Zeke," ani ko, bahagyang nagtagal ang ngiti ko sa kanya.
Naramdaman kong nag-vibrate ang telepono ko kaya sinilip ko 'yon sa ilalim ng aming mesa.
Unknown number: "Seems like he knows exactly what you like."
Alam ko agad kung sino iyon at binalingan ko siya sa aking harapan. Quickly, I typed in my response.
YOU ARE READING
Tides of Betrayal (Casa del Pueblo Series #1)
RomanceKendall Gavrielle Steele, isang pangalang simbolo ng kayamanan at kagandahan. Isinilang siya sa isang mundo ng pribilehiyo, kung saan bawat hiling ay natutupad, at bawat kapritso ay nabibigay. Ngunit sa ilalim ng kanyang perpektong buhay, isang bagy...