Kabanata twenty-eight

724 4 0
                                    

Kabanata twenty-eight

Please

Lumipas ang isang araw at napapadalas na rin ako sa Casitas.

Dahan-dahan akong pumasok sa aming kitchen. Nang makita kong walang tao, agad akong pumunta sa pantry. Kailangan kong makuha ang mga sangkap para sa aking lulutuin, hindi ko gaanong kabisado pero nag-research ako kagabi. Sa ilalim ng lababo, nandoon ang mga spices. Kumuha ako ng asin, paminta, at cayenne pepper.

Pagkatapos, nagpunta ako sa refrigerator. Bukod sa chicken, nandoon ang mga lime at cilantro na kailangan ko. Kumuha ako ng ilang piraso ng lime at bagong pitas ng cilantro.

Nang makuha ko na ang lahat ng kailangan ko, tiningnan ko ulit ang paligid. Sa bawat hakbang ko palabas, parang may kasama akong kaba sa dibdib. Kailangan kong maging maingat.

Dala-dala ang basket, lumabas ako ng mansyon patungo sa Casitas. Ang init ng araw ay sumasalubong sa akin, at nang akala ko ay tahimik akong makakaalis ay siyang pagtawag sa akin ni Malik.

"Ma'am!" sigaw niya sa malayo, habang kumakaway. "Saan po kayo pupunta? Bakit parang mag-pipicnic po kayo?" tanong niya habang palapit sa akin.

Inirapan ko siya at pinatahimik, "Come here, tulungan mo akong dalhin ito sa bahay ni Apollo." Lumapit siya sa akin, mukhang naguguluhan.

"Anong meron, ma'am?" tanong niya ulit.

"Don't ask too many questions, Mal! Just bring this," ani ko, sabay abot sa kanya ng basket. Napansin kong medyo mabigat ito, kaya't nag-iwan ito ng pulang marka sa aking kamay.

Nang makarating kami sa Casitas, mabilis kong binuksan ang bahay ni Apollo at pinapasok si Malik. Ibinaba niya ang basket sa lamesa at kumuha ng isang basong tubig.

"Salamat, Malik," ani ko habang sinusuri ang mga ingredients na kinuha.

"Magluluto po kayo, ma'am?"

"U-uh, oo," sagot ko, abala pa rin sa pag-check ng mga sangkap.

"Tulungan ko na po kayo," alok niya, pero bigla kong naalala ang bilin ni Apollo na huwag basta magtitiwala sa kahit sino. "Ah, okay lang, Malik. Kaya ko na 'to," ani ko, at nakita ko siyang papalapit na sa pinto.

"Okay, ma'am. Tawagin niyo na lang po ako sa labas kung kailangan niyo ng tulong," aniya bago marahang isinara ang pinto.

Pagkaalis ni Malik, ay huminga ako nang malalim. Pinulot ko ang kutsilyo at sinimulan kong hiwain ang mga lime. Hindi ko maiwasang magtanong sa sarili ko kung tama ba ang ginagawa ko. Pero, base sa napanood ko kagabi, mukhang tama naman ang ginagawa ko.

Kinuha ko ang cilantro at inamoy ito, iniisip kung gaano kadami ang dapat ilagay. "Siguro, hindi naman masosobrahan," bulong ko. Kaya tinadtad ko ito ng buo. "Okay," ani ko sa sarili ko, bahagyang nakangiti.

Nang napansin kong walang stockpot, napagpasyahan kong lumabas at hanapin si Malik.

There he is, nagwawalis sa 'di kalayuan.

"Mal!" tawag ko, sinusubukang makuha ang atensyon niya. Lumingon siya, itinigil ang ginagawa.

"Anong kailangan mo, ma'am?" sigaw niya pabalik.

"Stockpot!" sigaw ko rin, mas malakas.

"Ha?" tanong niya, mukhang hindi narinig nang maayos.

"Stockpot, Mal!" ulit ko, pero tila hindi niya ulit iyon nakuha.

Sa wakas, ipinatong niya ang walis sa upuang bato at lumapit sa akin.

"Ano ulit, ma'am?"

"Stockpot," ulit ko, mas mahina pero tiyak.

Tides of Betrayal (Casa del Pueblo Series #1)Where stories live. Discover now