Kabanata twenty-nine

677 6 0
                                    

Kabanata twenty-nine

A lost piece of a puzzle

"Dead on arrival," ang mga salitang iyon ay parang bagyong nagbuhos ng ulan sa kaluluwang walang kalaban-laban. Ang lahat ng sakit at pangungulila ay sumabog sa akin, at sa gitna ng kaguluhan, ang tanging naiwan ay ang walang hanggang pighati.

Hindi ko na napigilan ang aking mga luha. Tumulo ito ng malaya sa aking mga pisngi. Everything around me felt unreal, the world tilting and spinning as the gravity of the news settled over me.

"We recovered 8 bullets from her body..." parang sumabog ang mundo ko sa mga salitang iyon. Ang bawat salita ay naging dagundong sa aking isipan. I can't breathe. I can't think.

"I'm sorry..." ang huling sinabi ng doktor, ngunit sa likod ng mga salita, wala na akong marinig. Parang nabura ang lahat sa aking paligid. "Mrs. Steele!" sigaw ni Manang, ngunit tila nasa ibang mundo ako.

Tumayo ako roon, nababalot ng sakit at takot. "No! This can't be true!" sigaw ko, my voice reaching the highest pitch of despair. Hindi ko matanggap ang katotohanan.

"Mom! Wake up! You can't leave!" tears continued to flow, fueled by the anger and regret that erupted from the depths of my heart. I could no longer hold back. Nagwawala ako, hinahampas ang mga kamay ng mga nurse na humahawak sa kanya. Like, I was desperate to scream all the pain I was feeling.

Apollo stood nearby, he watched me with a pained expression, his own heart breaking for me.

Sa isang sulok, nakita ko si Daddy, nakatayo sa likuran, ang kanyang mga mata ay nakatuon kay Mommy. Ang ekspresyon sa kanyang mukha ay puno ng takot at pagsisisi, ang kanyang katawan ay tila nahihirapang tanggapin ang nakikita. Parang nagwawalang ulap ng masakit na katotohanan ang bumabalot sa kanyang pagkatao.

Sa gitna ng aking sigaw, narinig ko ang hikbi ni Manang Dolores. "Elle, anak!" tawag niya, ngunit hindi ko na siya naririnig. Ang tanging naririnig ko ay ang mga tibok ng puso ko na naglalaro sa loob ng aking dibdib.

Biglang naramdaman ko ang mahinang hawak ni Zeke sa aking braso. "Elle, calm down," aniya, ang kanyang boses ay puno ng pag-aalala at pag-intindi. Ang mga mata niya ay puno ng sinseridad, na tila nag-aalok ng isang ligtas na espasyo sa kabila ng kaguluhan.

"Zeke, please! I need to get to her! I need to see her!"

I clung to his arm, trying to bring my racing thoughts back to reality. "Bakit? Bakit ito nangyari?" I poured out all my feelings, hoping that his presence could help, even in the smallest way.

"Elle, I'm here. We're here for her," sagot ni Zeke, habang patuloy na pinapakalma ang aking panginginig.

Ngunit sa huli, kahit anong gawin ko, ang katotohanan ay naroon pa rin, nag-aantay sa akin sa kabila ng lahat.

Nagsuot ako ng simpleng itim na t-shirt, isang simbolo ng pighati na nagbabadyang maghari sa bawat hakbang ko. Ang libing ni Mommy ay isang madilim na seremonya, na puno ng mga bisita at mga taong nagbigay galang, ngunit sa kabila ng lahat, nararamdaman kong ako ay nag-iisa sa gitna ng lahat ng iyon.

Ang sementeryo ay puno ng mga kamag-anak, kaibigan, at mga kakilala... lahat naglalaban upang magbigay ng suporta, ngunit ang presensya nila ay tila hindi sapat upang mapawi ang sakit na bumabalot sa akin.

Ang mga larawan ni Mommy na nakakalat sa paligid ay nagpapaalala sa aking kalungkutan.

Ang mga salita ng pakikiramay mula sa mga bisita ay para bang nalulunod sa dagat ng aking emosyon, hindi maabot ng aking pandinig. Wala akong lakas na magsalita, sumagot, o mag ayos man lang. Ang bawat ngiti, bawat pakikipag kamay, ay isang pagsubok na mahirap ipasa.

Tides of Betrayal (Casa del Pueblo Series #1)Where stories live. Discover now