chapter three

14 6 0
                                    

Tahimik na nakatayo si River sa tabi ng kama ng kaniyang ama sa ospital. Nakahiga ito, maputla at walang malay sa pagitan ng mga puting kumot, pinalilibutan ng mga makinang patuloy na nagbubuga ng tunog, tila pinipilit siyang manatili sa mundo. She watched him, unmoving, as if her gaze alone could will him awake. Pero tanging katahimikan ang bumabalot sa paligid, mas malalim pa kaysa sa kayang abutin ng kahit anong salita.

Sa ilang oras, dadalhin na siya sa detention center; ang hatol ay pabor sa kaniya, magaan lang ang parusa. Pabor nga ba talaga? She'd done what her mother begged: apologized to her accusers, swallowed her pride, all for the sake of her parents.

Sinubukan niyang kalimutan ang mga alaala ng araw na iyon, pero patuloy itong bumabalik sa isipan niya. Ang araw na isinugod ang kaniyang ama sa emergency room, ang ina niyang umiiyak, nag-aalala, at ang ama niya na walang malay at nakahandusay. Parang nagigising ulit ang panghihinayang sa dibdib niya, ang pakiramdam na wala siyang magawa - parang pasan niya ang lahat ng bigat. She clenched her fists at her sides, feeling the bitterness return. It wasn't fair, none of it.

Out of the corner of her eye, River noticed a TV mounted on the wall in the hospital room. Naka-flash sa screen ang balita tungkol sa pagtaas ng mga kaso ng food poisoning na may kaugnayan sa isang kilalang brand ng sausage. Nag-a-update ang headline, at ang reporter ay nagkukuwento kung paano dose-dosenang tao ang nagkasakit, may iba pang na sa kritikal na kalagayan, matapos kumain ng produkto mula sa kumpanyang iyon.

As if on cue, the nurse who was assigned to her father entered the room, glancing up at the TV with a slight frown. May inayos ito sa counter bago nilingon si River, may ngiti sa labi ngunit halatang pagod. "Mukhang padami nang padami ang mga kaso," sabi nito, sabay tango sa TV. "Dapat talagang mag-ingat ang mga tao sa mga kinakain nila ngayon. Nakakalungkot lang."

River didn't respond, her eyes shifting from the nurse back to her father's still form.

The nurse seemed to sense her discomfort and softened her tone. "Ang hirap siguro para sa 'yo," bulong nito, looking at River sympathetically. "Ang dami nang pinagdaanan ng pamilya niyo. Pero huwag kang mag-alala, magiging maayos din ang lahat. Kailangan mo lang maniwala."

River remained silent, the nurse's words lingering in the air as if they'd settled into the corners of the room. Gusto niyang maniwala - gusto niyang kumapit sa pag-asang kahit papaano, magbabago ang lahat. Pero hindi niya maalis ang tanong na bumabagabag sa isip niya, isang tanong na walang kasiguraduhan: Talaga bang magiging maayos din ang lahat?



River sat in a chair by her father's bed, glancing up when she heard familiar footsteps. Pumasok ang kaniyang ina, mukhang pagod at mas lumalim ang mga guhit sa mukha nito, pero may bahagyang ginhawang nakita si River sa mga mata ng ina. They shared a brief, fragile smile before her mother crossed the room, pulling her into a tight embrace. Ramdam ni River ang panginginig ng katawan ng ina, habang mahina itong humihikbi.

"Pasensya ka na, anak," bulong ng kaniyang ina, halos hindi na makapagsalita sa bigat ng bawat hikbi. "Pasensya na at hindi kita naprotektahan."

Pumikit si River, mahigpit na niyayakap ang kaniyang ina, damang-dama ang magkahalong damdamin - pagmamahal at sama ng loob, masakit na naghahalo sa puso niya. Gusto sana niyang magalit, kumawala, ipakita sa ina ang hinanakit at pagkadismaya niya. Pero ramdam din niya ang bigat ng lahat ng ito sa kanilang dalawa, kaya hinayaan niyang mahulog ang sarili sa kalungkutan ng ina kahit sandali.

"Kailangan mong magpakatatag, River," sabi ng kaniyang ina, bahagyang lumayo at tumingin sa mga mata niya, pinapahid ang sariling luha. "Pakiusap. Gawin mo ang lahat ng makakaya mo roon, anak. Alam kong kaya mo 'yan. Alam kong malakas ka."

Tumango si River, pilit nilulunok ang mga salitang gustong-gusto niyang bitawan. May bahagi sa sarili niya ang gustong sumigaw, tanungin ang ina kung bakit nito hinayaang umabot sa ganito, kung bakit siya ang kailangang magpakumbaba sa harap ng mga taong sumira sa kanila, pero nanatiling nakakulong ang mga salita sa kaniyang dibdib. Hindi niya magawang dagdagan pa ang sakit ng ina - lalo na't kita niyang hirap na rin itong magpakatatag.

"Hmm," mahina niyang sagot. She tried to memorize her mother's face, knowing it will be months before they see each other again.

Sumulpot ang mga guwardiya sa pintuan, handa na para sunduin siya. Her mother hugged her one last time, clinging to her as if she might somehow change everything just by holding on. "Mag-ingat ka, 'nak, lagi mong tatandaan 'yan."

Isang maliit na ngiti ang sumulpot sa labi ni River.

Lumapit ang mga guwardiya, maingat siyang sinamahan palabas. As they led her down the hallway, River glanced back, catching one last glimpse of her mother standing there, hands covering her mouth, fighting to hold herself together.

With every step, River felt her heart pull back toward her family, a painful ache that wouldn't fade. Pero habang papalayo siya, pilit niyang pinapatatag ang sarili, kumukuha ng lakas. She'd have to face whatever came next alone - but for them, she'd survive.



Nakaupo si River sa sulok ng holding area, nakayuko, nakatitig sa biyak-biyak na linoleum sa ilalim ng kaniyang sapatos. Around her, other teenagers filled the space, each marked by a story as visible as the scars or hardened stares they wore. Ang iba ay parang sanay na, nakasandal at walang pakialam, habang ang ilan ay sobrang bata pa, nanginginig ang mga kamay sa kaba, pilit na itinatago ang takot sa kanilang mga mata.

She kept to herself, instinctively curling inward, wrapping her arms tightly around her chest. A mixture of anger and shame welled up within her, simmering as she scanned the room. Ito na ang bagong reyalidad niya ngayon.

Sandaling pumikit si River, sinusubukang tanggalin ang ingay sa paligid - ang mga boses, ang mga hikbi, ang tunog ng mga posas ng ibang bata. Pero sa katahimikan, lalo niyang naririnig ang sarili niyang mga iniisip, ang bumabalik-balik na galit at panghihinayang. Just hang in there, River, ilang buwan lang... Ilang buwan lang at babalik din sa dati ang lahat, 'yan ang paulit-ulit niyang inusal sa sarili.

Maya-maya, narinig niyang tinawag ng guard ang pangalan niya. Tumayo siya, sumunod sa iba pang mga kabataang nakatakdang isakay sa transport bus. A cold breeze bit at her as she stepped onto the bus, and she instantly felt the chill in the air inside. Naghanap ng kani-kaniyang pwesto ang bawat isa.

Umupo si River sa likurang bahagi ng bus, feeling the cold metal under her as she took a deep breath. Tumayo ang guwardiya sa labas, saka isinara ang pinto nang malakas. Sa ilalim ng malabong liwanag, ang loob ng bus ay tila isang madilim na yungib, ang katahimikan ay unti-unting bumigat, parang may sariling buhay, parang humihinga ang dilim.

And as the bus lurched forward, River felt the strange, unsettling sensation that they were heading somewhere far darker than any destination she could imagine.

Through the Eyes of the AbyssWhere stories live. Discover now