Chapter 1: Due Date

50 1 0
                                    

Kabuwanan ko na ngayon. I'm expecting my due date on 2nd week of December.
Maaga akong nagising ngayon. Hinimas himas ko muna ang tiyan ko at napangiti ako ng sumipa ang baby ko. I wonder what would his or her face look like. Pero kahit kanino pa siya magmana o maging kamukha man niya ang kanyang ama isa lang sisiguraduhin ko na mamahalin ko siya ng lubos-lubos o sobra-sobra. Ganyan naman ang mga ina di ba? Lahat gagawin para sa anak.

Nang patayo na ako ay naramdaman ko ang sobrang sakit sa tiyan. Hindi ko maipaliwanag ang sakit para akong matatae na hindi.

Nakadalawang hakbang pa lang ako ng maramdaman kong parang may pumutok na tubig. Nang tumingin ako sa may paa ko ay basa ito. Mukhang alam ko na ang nangyayari. Kailangan kong kumalma huminga muna ako ng dalawang beses at pumunta ako sa box na ginawa kong lalagyan ng damit at kinuha ko ang bag na naglalaman ng damit ng baby ko.

Paglabas ko ng bahay ay nakita ko si Aling Nena na nagwawalis at ang kanyang asawa na si Mang Ben nahawak-hawak ang kanyang tandang manok. Humingi agad ako ng tulong sa kanila.

"Magandang umaga p-po sa inyo A-Aling N-Nena at M-Mang B-Ben." Nauutal kong bati ko sa kanilang dalawa at ng makatawag pansin na din.

"Magandang uma-." Hindi na naituloy ang pagbati ni Aling Nena sa akin.

"Nako.!!!" Sigaw ni Aling Nena at mukhang nataranta na. "Ben ihanda mo ang tricycle!!! Bilis!!! Manganganak na to si Marie!!!" Sigaw ulit niya kay Mang Ben.

Mabilis pumunta si Mang Ben sa garahe kung saan naka park ang tricycle niya.

"Nako kang bata ka. Wala ka man lang pasabi na manganganak ka na." Saad ni Aling Nena sakin na ngayon ay nasa tabi ko sa loob ng tricycle. "Ben, ano ba!! Bilisan mo naman ang pag drive. Kita mo naman na manganganak nato si Marie." Talak ulit ni Aling Nena sa kanyang asawa.

"Tumahimik ka nga Nena, pati ako nataranta na ng dahil sayo. Mas grabe ka pa kung mataranta kaysa kay Marie e hindi naman ikaw ang manganganak." Sigaw naman ni Mang Ben.

"Nako po wag po kayong mag-away." Awat ko sa kanila ng naka ngiti. Hindi ko alam kung bakit nagawa ko pang ngumiti kahit sobrang sakit na ng akin tiyan. Siguro dahil may mga tao pa ding nagpapahalaga sakin sa kabila ng mga nangyayari. Hindi man nila ako ka ano-ano pero pinakita pa din nila na mahalaga ako sa kanila.

Nang makarating kami sa Health Center ay agad pinark ni Mang Ben ang tricycle at mabilis tumakbo sa loob para magtawag ng tulong habang si Aling Nena ay kasama at pinapakalma ako.

"Iha, huminga ka ng malalim. Inhale, exhale." Pampalubag kaba niya sakin pero sinunod ko naman siya.

"Asan na ba yong si Ben. Ba't ang tagal naman niya. Alam naman niya na malapit na yang lumabas ang baby mo." Saad niya ng pabalik-balik ang tingin sa pintuan ng Health Center.

Ngayon ko lang na realize na kahit hindi nila ako kadugo ay nag-alala pa din sila sakin na para bang tunay ko silang magulang. The way they treat me makes me very happy. Bagong salta pa lang ako sa lugar nila pero hindi nila ako minaltrato kundi kabaligtaran ang nangyari. They care, treated me well and love me. Mga bagay na mahirap makita o maipadama ng sarili kung mga magulang.

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko na siyang dahilan kung bakit mas nataranta lalo si Aling Nena.

"Hala!!! Bakit ka umiiyak iha? May masakit ba sayo? San banda? Bakit ba ang tagal ng lalaking yun." Sabi niya ng mapansin niyang umiiyak ako pero umiiling lang ako bilang sagot sa tanong niya.

"Salamat po." Yun lang tugon ko sa kanya at halata sa mukha niya ang pagkalito kung bakit ako nagpapasalamat sa kanya.

"H-ha?" Utal niyang tanong at ngumiti lang ako sa kanya.

In a split seconds ay saktong dumating si Mang Ben na may kasamang lalaking nurse at may dalang stretcher. Mabilis nila akong inilipat stretcher at pinasok agad sa Health Center papuntang Delivery Room.

"Misis-" Hindi natapos ng midwife ang sasabihin niya coz I cut her off.

"Miss pa po Maam." Pagtatama ko sa kanya.

"Okay Miss Rocco mukhang pumutok na yong water bag at handa ng lumabas si baby. Gusto kong umire ka pag sinabi kong ire." The midwife said and instructed me on what to do. Tumango na lang ako bilang sagot.

"I can see already the head of the baby. Kunting ire na lang at lalabas na siya. In a count of 3 you should push." Tango lang ako ng tango.

"Okay. 1,2,3. Push." Utos ng midwife.

"Hmmmmmm." Ire ko pagkatapos niyang magbigay ng signal

"Another one Miss Rocco. 1, 2, 3. Push." Utos niya ulit sakin.

"Hmmmmmm." Ire ko ulit. Para na akong mawawalan ng hininga sa pangalawang pag-ire ko.

"Good job. It's a boy." Sabi ng midwife. Pero ang pinagtataka ko lang kung bakit wala akong narinig na iyak ng bata.

"Maam bakit po hindi ko narinig na umiiyak ang baby ko." Nag-alalang tanong ko sa kanya. Pero hindi niya ako sinagot at tumalikod siya sa akin habang hawak-hawak niya ang baby ko ng naka baligtad at pinipekpek sa may bandang pwet ang anak ko. Pumunta siya sa kabilang side kung saan naka lagay ang mga gamit niya.

Habang tinitignan ko ang midwife ay lihim naman akong nagdasal.

"Lord, alam ko pong madami akong nagawang kasalanan at pagkakamali. Pero sana naman po bigyan niyo naman po ako ng chance na matama ko po yon. Wag niyo muna pong kunin agad-agad ang anak ko. He's all I've got right now. He's my everything since the day I've known that I was pregnant. He's all everything I've left. You know I'd never question you about the bad happenings in my life because I've trusted you with all my life. But please wag ang anak ko. Nagmamakaawa ako sa inyo."

Pagkatapos kung magdasal ay siya naman ang pagka rinig ko sa iyak ng anak ko ay napanatag na ang aking kalooban. Sa lahat ng mga nangyayari sa mundo isa-isa at isa-isa pa din ang tinatawag natin.

That is also the cue na nakatulog ako ng mapayapa.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hi CuteLittleWarFreak. Thank you for reading and voting my story ASML and i really appreciate it. Hope hindi ka magsawa sa pag-iintay ng update ko. Thanks again.

~~♥♥~~ms.aishie16~~♥♥~~

A Single Mom's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon