CHAPTER 18: A SMALL DIFFERENT WORLD

2 0 0
                                    

*pagdating ni Liam sa First Year Nursing Students na building, agad syang sinalubong nina Lance at Lily...

Lance: Bakit ang tagal mo naman? Akala ko ba cr lang?

Liam: May kinausap lang kasi ako eh saglit.

Lily: Sino? Kakilala mo? May kakilala ka dito?

Liam: Wala. Kakakilala ko lang din.

Lily: Sus first day mo palang eh may nagpakilala na sa'yo kaagad.

Lance: Mamaya na yan. Basta ang assignment okay? Places, everyone.

Lily/Liam: Opo.

*saka na nila sinimulan ang kanilang first assignment na mag-interview ng mga First Year Nursing Students para sa first publishing ng publishing company nina Liam at Lance. Una ay nagpakilala muna sila sa Head Professor ng Nursing Department. Saka naman sila sinamahan nito sa mga piling First Year Nursing Students na pwede nilang interviewhin nang panandalian. Habang ang mga nalalabing estudyante naman na hindi na kailangang interviewhin ay nagpatuloy na sa kani-kanilang mga klase. Inabot sila ng kalahating araw para sa kanilang unang interview. Nang nasa cafeteria na sila at kumakain ng tanghalian...

Lily: Grabe! Kalahating araw palang tayo dito eh nakakapagod na. Dagdag pa na ang init-init dito. Hayst burado na agad yung make-up ko.

Lance: Yan. Kasi puro pagpapaganda lang yung inaalala mo. Hindi mo alam kung ano talaga ang tunay na hardwork sa buhay.

Lily: Excuse me Kuya. Hardwork na din kaya itong paglalagay at pagpapanatili ng make-up ko araw-araw. Naku kaya hindi ako nagkakajowa hanggang ngayon eh minamalas mo ako eh.

Lance: Hoy. More than 2 decades na tayong magkasama sa bahay. Yung personalidad mo, dugtong na rin yung akin. Kaya kahit ano pa ang mangyari, kapatid mo ko. Magkadugtong pa rin tayo sa buhay.

Lily: Yan nga ang problema eh.

Lance: Hala ka. Pasalamat ka eh may kuya ka eh. Yung ibang babae nga dyan, walang kuya na nagpoprotekta sa kanila.

Lily: May kuya nga, makulit naman at palaaway.

Lance: Katulad ni Katie, nag-iisa lang syang anak. Kaya kung minsan, walang nagpoprotekta sa kanya.

Liam: Ano? Nag-iisang anak lang si Katie?

Lily: Oh paano mo naman nalaman kung sino sya?

Liam: Ah. Si Katie kasi yung nagpakilala sa akin kanina eh. Pero baka ibang Katie lang yung pinag-uusapan nyo. Balewalain nyo nalang yung sinabi ko ngayon lang.

Lily: Etong staff mo Kuya, may pagkaweird din noh?

Lance: Mas weird ka...

Lily: Che!

"What? You're here as well?"

*saka na napatingin silang tatlo kay Katie na kakapasok lang sa cafeteria...

Lily: Bessy!

Katie: Bessy!

*saka na tumayo si Lily upang puntahan si Katie at nagyakapan silang dalawa nang husto. Habang sina Liam at Lance naman...

Lance: Yan. That's the Katie that we're talking about kanina.

Liam: Edi sya nga.

Lance: Sya? Sya yung Katie na nagpakilala sa'yo kanina?

Liam: Oo sya nga.

Lance: Wow. What a small world, I think. Alam mo, bihira lang yan magpakilala si Katie sa mga tao. Introvert kasi yan eh, bihira lang makipag-usap sa tao. Hindi ka nya kakausapin unless ikaw ang unang kumausap sa kanya. You're lucky, dude. You're one lucky dude.

*saka nalang napangiti si Liam sa kay Lance bilang sagot. Habang sina Lily at Katie naman...

Katie: What are you even doing here? Wala ka man lang pasabi sa akin.

Lily: Eh...bawal ka na bang bisitahin dito ha?

Katie: Hindi naman. I'm just asking, you know?

Lily: Well, yung magaling kong kuya at ang staff nya. They needed my help for their publishing assignment here in the school. Kaya andito ako...
Lance: And you probably knew na siguro kung sino ang kasama namin na staff ko. He already told us na nagpakilala na pala kayo sa isa't-isa.

*saka na ilang na napangiti si Katie kay Liam na ngayon ay ngiting-ngiti na nakatingin kay Katie...

Lily: So what are you eating sis? Doon ka na sumali sa amin.

Katie: Uh no. Bibili lang din naman ako dito tapos babalik din ako kaagad sa office. Madami kasi akong gawain dun eh. Babalik din ako kaagad.

Lily: Bummer. Hindi mo na talaga ako love ngayon.

Katie: No I'm not. Eto nalang. Picture nalang tayo okay? Tapos send natin kay Trixie. Para naman mainggit yung isa na nagkasama tayo dito ngayon okay?

Lily: Deal.

*saka na nagpicture sina Lily at Katie para isend na nila kay Trixie ang nakunan nilang picture na magkasama sila sa school ngayon. Pagkatapos ng picture taking nila...

Katie: Oh paano na? Bisitahin nyo naman ako sa office pag nagkataon okay? Ngayong araw lang ang balik nyo dito?

Lance: Actually, one week sana kami dito. Pero pag matapos kami dito kaagad, babalik din kami kaagad sa office. Si Lily, three days lang ang stay nya dito kasi may important commitments sya na di ko alam for two days.

Katie: Ah okay. Order muna ako bess ha? Babalik din kasi kaagad ako sa office eh.

Lily: Teka saang department ka nga nagtatrabaho ulit?

Katie: Radiotech.

Lily: Ah okay. Sige bessy. Good luck sa work okay?

Katie: Ok. Kayo din.

*saka nalang kumaway sina Lance at Liam kay Katie na ngayon ay oorder na ng kanyang pagkain sa cafeteria para makabalik sya kaagad sa office nito sa Radiotech Department ng school...

AUTHOR'S NOTE:

"Hi everyone. This is Hey I'm Charlie speaking. I would like to thank all of you (the readers of this story) for having 50+ reads of my story. I believe there is still a long way to go for me but I believe that this is still a milestone for me. I will promise that I will appreciate every readers of the story and feel free to vote and share it to your friends. Feel free to have a convo with me guys. Again, thank you and God bless 😊"
     - Hey I'm Charlie 🌈

PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.

CATCH ME I'M FALLIN'Where stories live. Discover now