SERISE
Nasa mall kami ngayon ni Celestine pagkatapos ng klase. Bored daw kasi siya.
Ganito talaga ma-bored ang mga mayayaman, halos ubusin lahat ng paninda sa mall.
Nalalaglag na lang ang panga ko habang pinapanood ang babae sa ginagawa nito.
"I want that one"
"Oh that one too, for my Alia"
"Pick one, this one or this one?"
Napalunok ako.
"Rise?? Hello? Are you still alive?"
"H-ha?" napakamot ako ng ulo.
"You okay?" I just nodded.
"Ano ba yun?" tanong ko.
"Choose one, this one or this one?" ipinakita niya sakin ang dalawang magandang dress.
The first dress is a purple backless dress na may thin strap while the other one is a purple dress, it's a body-hugging dress na kapag sinuot mo ay makikita ang cleavage mo, di-tali lang din ang nasa likuran nito na kapag tinanggal mo ang tali ay mahuhubad na ito.
Napangiwi ako.
Grabehan ang dress!
"I can't choose, Celes. They're both pretty"
"Right. Why choose if I can buy both" she chuckled.
Napasapo na lang ako. "May gusto ka pa ba?" she asked me.
Mabilis akong napatingin sa mga binili niya.
"Sana binili mo na lang ang buong mall" usal ko.
She chuckled. "Okay, I'll buy this mall for you"
Nakangusong tinapunan ko siya ng tingin. "Wag kang magbiro ng ganiyan, Celes"
"Who says that i'm joking?"
"Ewan ko sayo!"
Inismiran ako nito.
May saltik talaga siya!
Huhu mama, papa, help!
"Gusto kong pumunta ng Italy" tumingin siya sakin.
"Kidnappin muna kita sa mommy and daddy mo for a month" ngumisi siya.
Mabilis akong lumayo sa kaniya. "Nakakatakot ka talaga!"
She burst out laughing.
"Ayaw mo bang kasama ang maganda mong kaibigan?"
"Sino?"
"Duh! Ak–"
"May pake?"
Yes! Nakabawi na rin ako.