Fast Forward:3 months
Ziane POV.
Lumipas ang tatlong buwan at ganon pa rin ang pangyayari sa buhay ko, sinasaktan pa rin ako ni red, mas lalong tumindi yung galit niya sa akin nung nalaman niya na may bagong nanlilligaw kay ate.
Nagresign si ate makalipas ng isang buwan, nung una ayaw niya itong paalisin, ngunit si ate na mismo ang hindi pumapasok.
Dahil doon kaya mas tumindi ang galit niya sa akin kaya lagi niya Kong na pagbubuhatan ng kamay, lagi siyang umuuwi ng gabi at lasing pa, lagi din may nangyayari sa akin dahil wala akong nagawa, natatakot na nga ako dahil baka kung ano ng nangyari sa baby ko.
Ngayong araw nakaschedule ako sa O.B para ipacheck ang baby ko, sinabihan Kasi ako ni manang na ipatingin ko na ang baby ko kaya papunta ako ngayon sa hospital.
Nang makarating ako sa O.B ko ay inasikaso na agad ako, chineck niya ako at kung ano-ano ang ginawa sa akin na hindi ko alam, nang matapos siya ay ibinigay niya sa akin ang ultrasound sound ng baby ko. binigyan niya din ako ng reseta ng gamit para sa vitamins ko
Buti nalang healthy ang baby ko thank you Lord Kasi ok siya kahit na lagi-lagi akong nakakatanggap ng pananakit sa asawa ko...
Bumili muna ako ng mga gamot ko, bago ako umuwi sa bahay namin, nang makauwi na ako ay naabutan ko si red.
"San ka galing?" Itinago ko naman agad ang mga vitamins na binili ko kanina pati ang ultra sound ko tinago ko din.
"Jan lang sa labas, nag lakad-lakad lang,"
"Nag lakad-lakad?? o lumandi ka na naman." Pagkasabi niya non ay agad niya akong kinaladkad pa akyat ng kwarto namin, nadaanan pa namin si manang ruby, pipigilan niya sana si red kaya sinenyasan ko agad siya na wag at pa simple na inabot ang mga pinamili ko na nakatago sa likod ko.
Nang makarating kami sa kwarto namin ay hinanda ko na ang sarili ko, alam ko kasing sasaktan na naman niya ako, at hindi nga ako nag kamali, pilit Kong sinasalag ang mga pananakit niya para hindi tumama sa tiyan ko, nang matapos siyang bugbugin ako ay agad ko siyang nilapitan.
"Red nag dudugo ang kamay mo," Sinuntok niya Kasi ang salamin kaya ito nag dugo, agad akong tumayo para kunin ang med,kit, kahit nahihirapan na akong lumakad, idagdag pa ang sakit ng katawan ko.
Nang makuha ko na ang med.kit ay agad akong lumapit sa kanya, kinuha ko ang kamay nito at agad ko itong ginamot, nilagyan ko ito ng benda para hindi ma impeksyon.
"Masakit pa ba? gusto mo dalhin kita sa hospital??" malumanay na tanong ko sa kanya, tinitigan naman niya ako ng masama at hinawi niya ko para umalis at lumabas.
Napagbuntong-hininga na lang ako sa nangyari ngayon.
Nagpunta ako ng veranda ng paika-ika at iniinda ang sakit ng mga sugat at pasa ko, umupo ako sa upuan at hinawakan ko ang tiyan ko, medyo may baby bumps na siya ng unti, pero hindi naman ito
halata."Hello baby..kamusta kana Jan? nasaktan ka ba kanina? sorry ha hindi ata nailagan ni mama kaya nasaktan ka, promise baby gagawin ko ang lahat para hindi ka masaktan ng papa mo, poprotektahan kita kahit anong mangyari baby pangako, kaya tatagan mo lang Jan ha kapit ka lang maigi jan ha, Kasi si mama dito kahit nahihirapan na kahit masakit titiisin ni mama para sayo baby, tayo na lang dalawa ang magkasama eh, hindi na natin maasahan ang papa mo anak. Mahal ka ni mama baby." Pinunasan ko naman agad ang mga luhang pumatak sa pisngi ko.
Bumalik na ako sa kwarto at bumaba na para magluto ng dinner, marunong na akong magluto, tinuruan ako ni manang para daw hindi ako nasasaktan sa tuwing palpak ang niluluto ko kay Red, buti nga kahit paano kinakain naman níya ang niluluto ko eh.
Pagdating ko sa kusina ay inihanda ko agad ang mga kakailanganin ko. nang ok na ang lahat ay agad ko nang sinimulan ang lulutuin ko, magluluto kasi ako ng kare kare.
Nang matapos ako sa pagluluto ko ay inihain ko na ito sa lamesa para makakain na si red. Nagpunta ako sa likod ng Bahay para tawagin si red.
"Red!! Kumain kana hinanda ko na sa mesa yung pagkain mo," pagkasabi ko nun ay agad siyang naglakad pa pasok sa kusina, tahimik akong nakasunod sa kanya, nang makarating na kami sa kusina ay umupo siya sa kanyang upuan at sinimulan ng kumain.
"Iwan mo na lang Jan yung pinagkainan mo pagtapos mo Kumain." pagkasabi ko nun ay umalis na ko sa harap niya, umupo muna ako sa sala habang inaantay si red matapos kumain, ayaw niya kasing kumain ng sabay kami, basta ayaw niya akong makita.
Ok lang naman na sa akin yun nakasanayan ko na din naman, ganto kami lagi sa loob ng tatlong buwan.
Nakita kung umakyat na si red sa taas at pumasok sa kwarto namin, pinuntahan ko muna si manang para sabay na kaming kumain.
"Manang, tara po sabay na tayo kumain,"
"Tapos na ba si red kumain ija?"
"Opo," Naglakad si manang pa punta sa akin at sabay kaming pumunta sa dinning, iniligpit ko muna ang mga kinainan ni red at inilagay sa lababo, nag sandok si manang ng kanin namin pati ng ulam at inilagay sa lamesa, tahimik lang kaming kumakain ng biglang magsalita si manang.
"Ziane, kamusta ang check-up mo?" Napangiti naman ako ng maalala ko na ok ang baby ko.
"Ok naman po manang, healthy daw po ang baby ko, binigyan po ako ng reseta para sa mga vitamins ko,"
""Mabuti naman kung ganon, nakabili ka naba ng mga vitamins mo?"
"Opo manang binili ko na kanina lahat ayon yung plastic na inabot ko sa inyo kanina,"
"Ah ayon ba yun?. May pera ka ba ija?" ngumiti naman ako kay manang.
"Meron po, may ipon naman ako kahit papano," tumango na lang si manang at nagpatuloy kami sa pagkain.
"Sige na Ziane, ako na bahala dito, bumaba ka na lang mamaya sa kwarto ko para uminom ng gatas, yung mga gamot mo ibaba mo nadin sa kwarto ko, baka makita pa ni red yan," Sabi sa akin ni manang, may iba pa kasi akong gamot na nakalagay sa taas.
"Salamat po manang," umakyat ako sa kwarto namin para maligo, naiinitan Kasi ako , habang naliligo ako nagulat na lang ako ng may biglang yumakap sakin mula sa likod ko. pinaharap niya ako at hinalikan,
"Red ano ba? basa ka na oh!" hinila ko siya para makaalis sa shower pero hinila niya lang ako pabalik, tinanggal niya ang mga damit niya at itinapon ito lasing na naman siya.
Dahan-dahan niya akong hinahaplos pa akyat sa mukha ko, ikinulong niya ang mukha ko ng mga palad niya at tinitigan ako, ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya, kaya napayuko ako, inangat niya ang ulo ko at sabay halik sa akin. dahan-dahan na para bang iniingatan niya ako, nagulat ako sa kinikilos niya bakit siya ganito?.
"Jess .. i missed you .. please bumalik kana." bigla naman akong nakaramdam ng sakit sa dibdib ko, kaya pala ganyan siya, akala na naman niya ako si ate.
Wala akong nagawa kundi ang pabayan si Red sa kung anong gusto niyang gawin sa akin, kahit pagod na pagod na ko sa ginawa niya sa akin, nang magsawa si Red ay inalalayan ko na siya sa kwarto namin, pinuasan ko muna siya at pinalitan ng damit bago ko ito pinahiga sa kama niya.
Dahan-dahan kong kinuha ang aking higaan para hindi siya magising, inilatag ko ang higaan ko at pabagsak akong humiga dito at tuluyan ng nakatulog.
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Red COMPLETED
Literatura FemininaHi I'm Cziane Danniela "Ziane" Ocampo, 20yrs old, Fresh Graduate and currently working at Hemingson Company. Alam nyo ba crush na crush ko ang boss ko. Si Red Nighelle Hemingson. Kaya lang taken na sya eh, may fiance na sya, and worst??? sa kapatid...