NAKASAKAY ako sa merry-go-round, habang may kinakain na popcorn. Nakipaglaro din ako sa mga bata kanina, nang manawa ako ay pumunta naman ako sa loob nang sinehan para manood nang movies. Matapos manood ay naupo ako sa marble bench, at pinagmamasdan ang mga batang naglalaro, ang iba naman ay nakikipaglaro sa mga buhay na teddy bear.
" Hi, can I sit here.." nagpakurapkurap ako ng marinig ang boses nang isang lalaki. Nang lingunin ko ang nagsalita ay bigla akong napatayo...paano nangyare yun! hindi ko naman siya ginawa pero bat siya nandito!?
" S-Sino ka p-paanong...nandito ka!? " taka kong tanong sa lalaking nakatayo sa harapan ko. Ang luntian nyang mga mata ay prenteng nakatitig sa akin, napaatras ako ng ilahad nya ang palad nya sa akin.
" I'm Asher. Asher Jester Lopez. " nakangiti nyang sagot at saka isinubo ang hawak na banana pie. " Ang ganda ng panaginip mo, paano ka nagkakaroon ng ganitong kasaya at ka-peaceful na panaginip. Sa akin kasi palaging nakakatakot.." nakangiti nyang kwento sa akin. Naupo ako sa tabihan nya, habang pinagmamasdan namin ang magandang tanawin.
" Ako nga pala si Emily Rose Santos. " pakilala ko naman sa kanya. " Ano bang napapanaginip mo at napunta ka dito? "
" Nakakatakot. Sobrang nakakatakot, palagi kong napapanaginipan yung babaeng may dalawang ulo. Ewan ko ba kung bakit lagi nalang iyon ang nasa panaginip ko, araw araw naman akong nagdarasal.." mahina akong natawa dahil sa sinabi nya.
" Iba-iba naman ang panaginip ng isang tao, miansan narin ako nanaginip nang nakakatakot, kahit araw araw akong nagdarasal..pero isang ara..." nagbago iyon nung magawa kong i-manipulate at icontrol ang sarili kong panaginip, sabi ko sa sarili ko.
" Nagaaral kana ba? " napalingon ako sa kanya nang tanungin niya ako sa pagaaral ko.
" Oo naga----"
" EMILY ROSE!!! " nagkatinginan kaming dalawa ni Asher nung marinig kong may tumawag sa pangalan ko.
" It's time to wake up, Emily." nakangiting turan ni Asher. Iminulat ko ang mga mata, bumungad sakin ang nakapameywang n si mama. Napabuntong hininga ako, tiningnan ko ang cellphone ko at napamulagat ako na 7am na nang umaga.
" Mama ba't ngayon nyo lang ako ginising, tanghali na ako..." nagkandarapa na ako sa panliligo hanggang sa makapagbihis. Sumakay na ako sa Bus at saka tumigil sa tapat ng aking eskwelahan.
Masyadong lutang ang isip ko ngayon kaya wala ako masyadong maintindihan sa mga idini-discuss ni sir Lyndon. Nang magrecess ay magisa akong kumain sa canteen, may kanya-kanyang grupo ang mga kaklase ko, maging ang ibang gradesschool.
" Hi can I sit here? " napatingala ako ng may narinig akong nagsalita. Nakita ko ang isang babae na nakauniform at ' Stella ' ang nakalagay sa kanyang name tag. Tumango naman ako sa kanya.
" I'm Stella Elaine Hermosa, third year students.."" Emily Rose Santos, fourth year." naupo sa bakanteng upuan, macaroni salad, apple pie, at pepsi ang order nya, samantalang sakin ay student meals lang na halagang 45 pesos.
" Do you want some? " alok nya sa akin pero agad naman akong umiling. Biglang pumasok sa isipan ko si Asher, ano kayang ginagawa nya ngayon? nasa panaginip ko parin kaya siya?
Nang maguwian ay excited akong umuwe sa bahay namin, nadatnan kong nagluluto ng hapunan si mama. Dali-dali akong pumasok sa kwarto ko, ni hindi pa ako nakakapagbihis ng pambahay dahil basta na ako nahiga.
" Nasaan na kaya yun? " tanong ko sa sarili ko habang lumilinga-linga sa paligid. Andito ako ngayon sa Flower Farm..ito ang unang kong naisip bago ako natulog kaya naman heto ako ngayon.
" Hinahanap mo ba ako.." napatili ako nung narinig ko ang boses nya sa likuran ko. Katulad kahapon nakasuot parin siya nang white tshirt at denim pants, saka ang sneakers niyang sapatos.
" Hindi ka parin umaalis," mataray kong tanong sa kanya pero nginitian lang niya ako. Naupo siyang sa kabilang bench kaya naman isang metro ang layo naming dalawa.
" Ayaw ko pang umalis, masaya kasi ang panaginip mo kaya dito muna ako tatambay. Kamusta naman ang araw mo? " sa unang beses siya palang ang nagtanong kung kamusta ang araw ko. Hindi ko pa iyon naririnig kay mama na itanong sakin dahil busy siya sa trabaho nya sa parlor.
" Okay lang naman, at saka alam mo ba meron akong bagong nakilala si Stella." masaya kong kwento sa kanya, tumango-tango naman siya sa akin. Maganda si Stella, mukha din siyang lumaki sa mayamang pamilya..kagaya ni Asher.
" Bakit ganyan ka makatingin, huwag mong sabihin na inlove kana sakin. " pangaasar niya sa akin at kinindatan pa ako.
" Ang kapal mo naman, kung magkakaroon man ako nang crush gusto ko sa totoong buhay at hindi sa panaginip. " sagot ko naman sa kanya dahilan kaya siya natahimik. Masyado bang harsh ang sinabi ko?
Pareho kaming natahimik ni Asher, walang may gustong magsalita sa amin. Itinuon ko ang paningin ko sa naggagandahang mga bulaklak sa paligid. Nang tumingin ako kay Asher napansin ko na nakapikit siya habang nakasandal sa bench. Napatitig ako sa matangos niyang ilong, ang mapupula niyang labi at ang perpektong niyang mukha. Panaginip kalang ba talaga?
©ANNE_BERANIA
YOU ARE READING
Dreaming Of You
Romance"When the lines between dreams and reality fade, Asher and Emily must confront their deepest desires. Their love story is one of fate, chance encounters, and the unrelenting power of the human heart. Will they find their happily-ever-after or get lo...