Nakaupo nang matuwid si River sa kaniyang upuan, nakaposas ang mga kamay sa harapan. Ramdam niya ang pagyanig ng makina ng bus.
Tahimik niyang sinipat ang bawat linya ng upuan. May mga nakatitig sa sahig, sa labas, sa kawalan, may nagbubulungan, may iba namang nanghahamon ang tingin.
Sa kabilang aisle, nakaupo ang isang binatilyo, moreno at singkit, may tamad na kampanteng postura. He had that silent intensity, the kind that had probably gotten him into trouble more than once, though he didn't seem too fazed by it.
Ang lalaking na sa harapan niya, sa kabilang banda, ay kalmado at seryoso. Nakatanaw ito sa bintana, tila may kakaibang talas - parang may pinag-iisipan, parang sinusukat ang bawat milya na kanilang tinatahak. Tahimik lang siyang nakaupo, hindi mabasa ang ekspresyon sa mukha.
Sa tabi ng chinito, may batang lalaki na nakasalamin, hindi mapakali. Panay ang tapik nito ng isang paa sa sahig ng bus, para bang handa na siyang tumakbo anumang oras na mabigyan ng pagkakataon. River thought he looked skittish, like he might break under pressure or maybe just explode when pushed too far.
Then there was this girl next to her. Everything about her seemed meticulously put together, from her styled hair to the small smirk that kept tugging at her mouth. Kahit pa nakaposas, ramdam ni River ang confidence nito. Kilalang-kilala niya ang ganitong klase: mayabang at nakakairita, which reminds her of someone in her school.
The bus rumbled over an uneven stretch of road, jostling everyone in their seats. Napatingala si River at napansin ang batang nakaupo pahilis sa unahan. Panay ang kamot nito sa braso na nag-iiwan ng mapupulang marka. His eyes were dull and glassy, unfocused, like he wasn't seeing the bus or any of them at all. Mahina itong bumubulong, parang wala sa sarili. Napakunot ang noo ng babaeng katabi nito, inis na inis na kinakamot ang sariling ulo.
Habang naglalakad ang isang guard sa pasilyo, natigilan ito nang mapansin ang lalaking chinito na tamad na nakasandal sa upuan. Bahagyang ngumiti ang guwardiya, tila nakikilala ang binata. "Biruin mo nga naman, feeling cool ka pa rin, ano?"
Hindi nagpadaig ang ngiti ng binata, hindi alintana ang panunukso. "Swerte ka nga't tinanggap ka pa ring guard. Mukhang kahit sino na lang palang puwedeng magsuot ng badge ngayon."
Nag-init ang mukha ng guard, agad siyang humakbang palapit at malakas na binatukan ang ulo ng binata, dahilan para bahagya itong mapayuko. The guard sneered, stepping back as if he'd just won a small victory. Ang binata, bagaman masakit, nagtitimping tumitig sa sahig, pinipigil ang sarili.
Narinig ni River ang malamig na bulong mula sa kaniyang katabi, puno ng pang-iinsulto. "Losers."
Napalingon si River, tinignan ang babae sa tabi niya. Napasinghal ang babae nang mapansin ang tingin ni River, saka nag-iwas ng tingin at nagpatuloy sa pagtanaw sa bintana, parang walang halaga ang mga tao sa paligid niya.
Muling umalog ang bus, at napabalik ang tingin ni River sa bata na nakaupo nang pahilis mula sa kanya. Kinakamot pa rin nito ang mga braso na mas pulang-pula na ngayon. Malamlam pa rin ang mga mata nito, hindi tumitingin sa paligid, habang bumubulong ng mga salitang hindi maintindihan. Kumunot ang noo ni River. When she glanced around, she could see the other passengers noticing, too. Some shifted uncomfortably, casting him wary glances, others whispering in annoyance.
Tumingkayad ang babaeng katabi nito, pilit kinukuha ang atensyon ng guard. "Hey, I think something's wrong with this kid. Can't you see he's—"
"Tumahimik ka," matalim na sabi ng guard. Lumapit siya, mabigat ang mga hakbang, halatang naiinis. "Hoy, bata," anito, nakatayo na sa tabi ng batang tila wala sa sarili. "Umupo ka nang maayos at tigilan mo 'yang kalokohan mo."
Hindi sumagot ang bata. Patuloy lang siya sa pagkakamot at pag-usal ng kung anu-anong salita. Matalim na napabuntong-hininga ang guard, at inilapit ang kaniyang mukha.
Sa gilid, napansin ni River ang isang lalaki, nakatitig sa susi na nakasabit sa sinturon ng guard.
But the kid's murmur turned into a low growl, his eyes rolling wildly under half-shut lids. Ngunit hindi umatras ang guard; sa halip, lalo pang inilapit nito ang kaniyang mukha, puno ng iritasyon. "Narinig mo ba ako, totoy? Sabi ko—"
In an instant, the kid lunged, teeth sinking into the guard's neck. Tumalsik ang dugo, nagkulay pula ang pader ng bus, at sumigaw ang guwardiya. Pilit na kumakawala ang guwardiya, nangingisay ang katawan, ngunit mahigpit ang kapit ng bata, parang asong nagngangalit na ayaw bumitiw.
Natigilan si River, nanlalamig ang katawan habang nagkakagulo ang buong bus. And in that instant, she understood: something terribly, terribly worse is going to happen.
YOU ARE READING
Through the Eyes of the Abyss
Science FictionIn a world turned upside down by a viral apocalypse, River Ellis - a rebellious teen with a troubled past - must team up with a quirky group of misfits. As they battle against mind-controlling flatworms and their own demons, will River find a glimme...