Maraming katanungan ang nasa isipan ko na kailangan ng sagot. Naguguluhan na ako, pati na rin itong damdamin ko. Mahal niya ba talaga ako? or nilalaro niya lang ang damdamin ko.
Noong isang araw, nakita ko siyang may kasamang babae sa parking lot. Lalapit sana ako sakanila ngunit nagulat ako sa aking nakita, nakita ko silang naghahalikan, na parang bang walang bukas.
Hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Niloloko niya lang ako na akala ko’y ako ang nasa puso’t-isipan niya at mamahalin niya ako araw-araw, pero bakit ko iyon nasaksihan.
-
Nandito ako ngayon sa parking lot kung saan nakaparada ang kanyang saksakyan. Hinintay ko siya dito para makausap because these past few days, he's ignoring my calls and texts. Hindi ko siya ma-contact.
Mga ilang minutong nakalipas, nakita ko siyang lumabas sa campus at patungo na sa kanyang sasakyan.
Kumuha ako ng lakas at lumapit na ako sakanya.
"David, hindi kita ma-contact. Ilang araw na kitang gustong kausapin pero hindi ka nagreply. Pwede ba tayo mag-usap?"
Tumigil ito sa paglalakad at tinignan niya ako nang masama. Nakakatakot ang pagtingin niya sa akin. Hindi ako nagpa-apekto at naging malakas padin ako.
"Ano Kenji? Ano ang ating pag-uusapan." Naiirita niyang tugon.
"Wag mo nga akong gawing tanga, David. Nakita kitang may babaeng kalahikan noong isang araw." Tugon ko.
Nakita kong nagbago ang expresyon. Mukhang nagulat siya sa aking sinabi.
"And what about it? May problema ba?" Seryoso niyang sabi.
Bakit ganito na ang pakikitungo niya sa akin. Na parang bang wala siyang pakialam sa aking sinabi. Kahit nakita ko na siyang may kahalikang iba.
"Oo! Meron! Bakit parang proud ka pa sa ginawa mo, David. Bakit parang okay lang sayo na gawin ito na alam mo naman sa sarili mo na boyfriend mo ako. Boyfriend mo ako, David. Kaya may problema ako."
Totoo iyon. Boyfriend niya ako pero bakit nararamdam ko na isa lang akong hangin sa mata niya.
Bigla itong tumawa.
"To make things clear, Kenji. Akala mo lahat ng ito, totoo? Akala mo mahal kita? Never. You disgust me, all of your kinds. Kaya I will never love a gay like you."
Halo-halo ang aking naramdam sa sinabi niya. Hindi ko maiwasan na maluha. Akala ko handa na ako sa sitwasyon na ito, pero hindi, ang sakit-sakit.
"Hindi kita maintindihan, David. Okay lang tayo nakaraan, nagtatawanan pa nga tayo that day. May ginawa pa ba akong mali sayo? Sabihin mo sakin para ayusin natin. Ayoko na ganito tayo, David."
Hindi ako makahinga nang maayos. Sumisikip ang dibdib ko sa nangyayari ngayon. Hindi ko rin alam kung anong gagawin ko. Parang sasabog ako.
"Lahat ng motibong binigay mo sakin, ano iyon? Lahat ng ginawa mo sa akin, wala lang ba iyon sa’yo? Diba sabi mo sakin mahal mo ako? Diba sabi mo sakin na ako lang ang mamahalin mo? Diba?"
Nagiging desperado na ako. Pero hindi ko iyon pinapansin. Ang gusto ko lang na mangyare na magkaayusan kami ni David. Mahal na mahal ko siya.
"It's funny kung ano yung sinasabi mo ngayon. You're desperate on loving someone na clearly, he doesn't love you back. Kahit lumuhod ka pa sakin, hinding-hindi kita mamahalin. I said what I said earlier that I don't love kinds like you."
"Kung gusto mo akong makitang lumuhod, gagawin ko yan para sa’yo. Ang sa akin lang is gusto ko na maging maayos na tayo, tulad ng dati. Please David, love me like I love you."
Tumawa ito nang malakas at mayroon itong sinabi na hindi ko inaasahan.
"Let me get this straight, Kenji. I don't love you. Since the very start. Hindi mo ako masisisi on how you're dumb to realize na I've been messing you this whole time. You thought this was love? How disgusting."
"I want to end this with a bang. We made a bet with my friends. And they set me up on dating you and iwan ka sa ere—
— this was all a game, Kenji."
YOU ARE READING
Please, Love me like I love you
RomanceKenji thought his love with David was real, only to discover it was a cruel game. After seeing David with another person, Kenji confronts him, hoping for an explanation. Instead, David coldly reveals that their relationship was just a bet, leaving K...