04

3 0 0
                                    

Dumaan na naman ang Sabado at Linggo and guess what? Lunes na naman. Nakaupo na naman ako sa classroom habang nakikinig sa mga asaran ng classmates ko.

"Huy! Nabalitaan nyo na ba yung chismis sa kabilang section?!" biglang sabi ng kaklase naming si Akira kasama ang kaibigan nyang si Jea.

Ang duo sa klase na akala mo ay CCTV sa bilis sumagap ng chismis.

"Huy, ano?!"

"Hoy, bakit daw?!"

"Sila ba yung nangodigo nung midterm?!"

Kaliwa't kanang tanong ng mga kaklase ko. Hindi ko man lang namalayan na nakapaikot na sila at sabay-sabay na naghihintay sa chismis.

"Parang ang init ng chika 'te, ang bagal mo magsalita." reklamo ko.

"Sandali! Ito na nga." sabi ni Jea at mas lalong nanahimik ang lahat habang naghihintay ng susunod na sasabihin nila.

"Yung kabilang section, hindi ba kilala sila kasi lahat sila ay achievers?" may pa-suspense na kwento ni Jea.

"Kaya pala silang lahat achievers, nangodigo! Positive! Nakuha raw sa president nila yung papel na ginamit, galing nila sa kabilang section kaya ayun, dalawang section ang involve." pagpapatuloy ni Akira sa kwento.

"Tangina, sabi ko na nga ba magdurugas talaga yang mga yan."

"I told you, guys! Ayaw nyo maniwala eh!"

"Halata naman, bro. Hindi sila marunong magtago."

Sari-saring side comments ng mga kaklase ko mula sa chikang nagaganap.

"Sa dami nyong nasasagap impossible na yan lang nasagap nyo?" tanong ni Ishy sa kanila.

"Ito na nga, may dalawa pa!" pagpapatuloy ni Jea.

"Kilala nyo ba ang infamous Captain ng Volleyball team?" tanont nya.

"Ah, oo!"

"Kilala yan ng lahat uy. Nag-uwi team nila ng gold medal noong athlete pa sya rito."

"Nag te-train pa ata sya ng athlete dito!"

"Pogi yan, masarap!"

Samut-saring komento ulit na narinig ko mula sa mga kaklase ko.

Si Ajax ba? Famous ah.

"So ito na nga ang chismis! May girl-"

"Hep, first period nyo at nagkakagulo kayo dyan." putol ng Teacher namin sa sasabihin ni Jea.

Nagmistulang mga isdang hinagisan ng pagkain ang mga kaklase ko nang sabay-sabay silang nagsibalikan sa mga upuan nila. Maging kami ng mga kaibigan ko ay biglang ayos upo.

Panira itong si Teacher, hindi ko pa naririnig yung chismis. Anong meron sa kanya?

"Settle down na po. May few announcement tayo before we start our discussion." sabi ni Teacher.

Nagbulungan ang mga kaklase ko at til hinuhulaan kung anong announcement na naman ang sasabihin ni Sir. Araw-araw naman kasi meron, hindi na naubusan.

"We'll have our School Intramurals next week." sabi ni Sir.

"Woohoo! Finally!"

"Sir, may basketball po?!"

"Sir, considered pa ba ang attendance don?"

Sabay-sabay na tanong ng mga kaklase ko. Isa-isa namang sinagot ni Sir ang bawat katanungan nila. Hindi nagtagal ay nagsimula na ring mag-discuss si Sir at syempre, nakinig ako.

From Heaven to YouWhere stories live. Discover now