Beneath

21 2 0
                                    

"Isipin mo na lang kung anong gusto mo!"

Those were his last words as I chose to end everything we had. The ground felt like it was swallowing me whole, leaving me paralyzed in my thoughts. I kept replaying our moments together, searching desperately for answers. Where did it all go wrong? Was I the one who overthought every little detail?

We once shared laughter and dreams, a bond that felt unbreakable. But slowly, the warmth faded, and misunderstandings crept in, suffocating us like a thick fog. Now, I find myself drowning in confusion and heartache, struggling to comprehend how we ended up in this desolate place.

Was it a mistake to let go, or was it my only path to find some semblance of peace? I can't tell anymore if I was at fault or if it was simply the inevitable unraveling of something that once felt solid. Each unanswered question weighs heavily on my heart, a constant reminder of what we lost.

"Anak! Lila!" rinig kong tawag sa akin ni Mama.

Agad akong napatayo sa buhanginan, nakatingin sa payapang takipsilim at kalmadong dagat. Dalawang taon na rin ang nakalipas mula nang magdesisyon akong mamalagi dito sa Batangas, ang bayan na puno ng alaala ng masayang sandali at mga nagdaang lungkot. Sa mga nakaraang taon, tila nagbuhat ng ulap ang mga pangyayari sa aking isipan, at sa bawat alon ng dagat, naaalala ko ang mga pag-iyak at ngiti.

Pumasok ako ng bahay at nakita si Mama na nagluluto ng paborito kong putahe.

"Sinigang," kalmado kong pagkakabanggit habang inaamoy at tinitingnan ang luto niya. Napangiti ako.

"Yes," tawa niya. "Tawagin mo na ang mga tiyahin mo para makasalo natin sila."

Agad akong tumango at hinanap sina Tita. Habang ako'y naglalakad, may pamilyar na tao akong nakita na nakikipag-usap kay Tita Mia.

Napalingon si Tita Mia, "Oh, Lila, andiyan ka pala! Ito, may dumadalaw sa'yo at ngayon ka lang nagkabisita, ha?"

Nakatitig ako sa kanya. Bakit siya nandito?

Napatitig na lang ako. Oo nga pala, hindi ko siya napakilala kay Tita. Pero wala na akong pakialam; tapos na ang lahat. Ayoko na ipahalata kay Tita Mia na may problema. Ngumiti ako at sinabing, "Opo, luto na rin po yung ulam. Pasok na tayo para sabay-sabay tayong makakain."

Hindi ko na sila hinintay at nauna na akong pumasok. I don't know what to do; nararamdaman kong nanaman ang mata kong nagpipigil ng iyak. Naalala ko nanaman! Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba nagkakaganito nanaman ako? Agad akong umakyat ng kwarto habang pasunod sina Tita Mia at Kairo. Inaalala ko palang kung paano banggitin ang pangalan niya, naiiyak na ako. What's wrong with me? Why am I being like this again? Haven't I gone through this already? Tapos na ako dito, eh. Dalawang taon na, bakit bumabalik nanaman yung sakit?

"Walangya ka! Ang kapal ng mukha mong pumunta dito at puntahan yung anak ko pagkatapos ng lahat ng ginawa mo! Umalis ka sa pamamahay ko bago pa kung anong magawa ko sayo!"

Rinig kong sigaw ni Mama. Ayaw ko nang lumabas. Alam ko na lahat ng mangyayari. Ayoko nang marinig ito, at ayoko nang ipaulit-ulit sa memorya ko.

Tama na....

"Gusto ko lang po makausap si Lila." How could those words sound so sweet even though I had the toughest time getting over what happened?

Narinig kong may kulampag na sahig namin, parang tunog ng kaldero. "Sa tingin mo kakausapin ka pa ni Lila sa lahat ng ginawa mo sa kanya? Napakakapal din naman talaga ng mukha mo, no!" rinig kong sigaw ni Mama. "Tinaboy mo siya na parang aso, at pagkatapos noon, ano? Nagawa mo pang makapambabae! Ang kapal-kapal ng mukha mo!"

Naririnig ko ang pagsigaw ni Mama na may kasamang pag-iyak.

Agad akong pumunta sa higaan ko at marahang pinunasan ang aking luha. Tinakluban ko ang mukha ko ng maliit na unan na nasa tabi ng aking higaan. Ramdam ko ang sakit sa dibdib ko habang inaalala ang lahat ng nangyari, habang nagbabalik sa akin ang mga bagay na natapos na. Sa sobrang sakit ng dibdib ko at loob ko, nawalan na ako ng ganang kumain at nakatulog na lamang kakaiyak.

Bakit ka nandito, Kairo? Nandito ka nanaman ba para saktan ako?

Kinaumagahan, ramdam kong pugtong-pugtong ang mga mata ko. Agad akong pumunta sa banyo ng aking kwarto. Hindi ko na alam ang mga nangyari kahapon. Ang mga naalala ko lang ay ang mga pagsigaw ni Mama kay Kairo.

Nandito pa kaya siya?

Habang naghihilamos ako ng namamaga at nagmumugto kong mukha, nakarinig ako ng marahang pagkatok sa aking pintuan.

"Lila...." si Mama.

Alam kong sasabihin niya sa akin ang lahat ng mga nangyari kahapon, pero ayoko na sanang marinig. Ayoko na sanang makarinig pa ng kahit ano. Kahit dalawang tao na 'yon, masakit pa rin.

Wala na akong nagawa at agad kong pinunasan ang aking mukha. "Saglit po, Mama." Lumabas na ako ng banyo at agad na binuksan ang pintuan.

Agad na bumugad sa akin ang malungkot na mata ni Mama at ang nasa likod nito, si Kairo.

He had lost weight, but the expressiveness of his eyes remained, highlighted by his thick eyelashes and eyebrows. Kairo was tall too, but not excessively so. His hair was dark and slightly curly. I didn't know what I should do, but one thought kept repeating in my mind: "I miss him," and even now, I still love him.

Lukot ang mukha ni Mama habang nakatingin sa akin, at kahit alam ni Kairo na masama ang loob ko, nagawa niya pa ring ngumiti. "Lila, kailangan ninyong mag-usap...."

Eroplanong PapelWhere stories live. Discover now