PROLOGUE

4 0 0
                                    

“Maria Ashley Suzette!!” bulyaw ni Mama sa akin. Hudyat iyon na kailangan ko nang magmadali.

“Opo, ito na.” sigaw ko pabalik. Agad akong kumilos nang mabilis. Kinuha ko ang bag ko at tiningnan ang sarili sa salamin.

Perfect.

Ang ganda mo girl.

Nakasuot ako ng maroon skirt na above the knee, white blouse at sa ibabaw nito, suot ko ang isang maroon vest. Ito ang uniform namin dahil maroon ang theme ng school.

First day of school ko ngayon bilang senior high, grade 11. Goal ko na maagang pumasok every first day of school, syempre para hindi halata na lagi akong late pumasok.

Inihatid ako ni Mama sa gate ng school gamit ang sasakyan niya. Kumaway pa siya at itinaas ang kamao na nagsasabi ‘fighting’.

Nang makalampas ako ng gate, na nakita ako ng mga taong nag-uusap, may nagtatawanan at kulitan pa. Halatang namiss nila ang isa't isa. Marami ring grupo grupo, magkakaibigan sila.

Ito pala ang feeling ng isang senior high. Para bang nirerespeto ka ng junior high. Ganon kasi kami dati sa mga senior high. Kadalasan pa nga sila ang ginagawa namin modelo sa buhay.

Nakita ko kung paano lumingon ang ibang estudyante nang dumaan ako. May ibang namangha. May iba din na napanganga.

“Ang ganda niya talaga.”

“Ang kinis niya naman.”

“Bakit ang unfair ng mundo, kaya naman palang gumawa ng maganda, hindi pa nilahat.”

“Tingnan mo pre, ang ganda.”

“Nakakainggit yung ganda niya.”

“Pre, nasa langit na ba ako nakakita ata ako ng anghel.”

“Pati lakad ang ganda, wala ata siyang kapintasan”

Marami pa akong narinig na papuri sa akin ngunit hindi ko nalang ito pinansin. Nginitian ko nalang sila para hindi naman ako magmukhang masungit.

Sanay na ako na nakarinig ng mga ganoong salita. Well, maganda naman kasi talaga ako at alam ko yon. Matangos ang ilong ko, sabi ni Mama namana ko daw yon kay Papa. Itim na itim naman ang straight kong hair na lampas balikat. Brown ang mata ko. Makapal ang kilay ko, na bumagay lang sa mukha ko. Medyo chubby ang cheeks ko at namumula ito kapag napapagod ako. Siguro dahil maputi ako, na namana ko naman kay Mama.

Maraming agency ang lumapit sa akin para kunin akong model at artista pero hindi ko iyon tinanggap dahil gusto kong mag-focus sa pag-aaral. Isa pa, ayaw ko na mapunta sa spotlight.

“Ashley!!” sigaw ng mga kaibigan ko nang makita nila ako. Sabay-sabay silang tumakbo sakin at tumakbo din ako para salubungin sila.

Nagyakapan kaming apat na para bang matagal kaming hindi nagkita kahit na nagkita naman kami ng bakasyon.

“Tara na, bago pa tayo ma-late sa klase.” sabi ni Aya.

Tumingin si Lory sa relo niya. “Oa mo, may 20 minutes pa naman bago magsimula ang klase.” sabi niya.

“Alam mo naman si Madam Aya, ayaw niya nang late.” sabi naman ni Claire.

“Oo nga. O sige Madam, let's go.”

Madam ang tawag namin kay Aya dahil ganon ang aura niya. Siya kasi ang mother of the group. Ayaw naman namin syang tawaging Mama kaya Madam nalang.

Naghiwalay-hiwalay kami nang makarating kami sa tapat ng court. Magkakasama silang tatlo sa iisang building, samantalang ako ay sa kabilang building pa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 21 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lost In Your SmileWhere stories live. Discover now