YURI's POV
nandito kami ni Ced sa isang birthday party iniwan na muna namin ang mga bata kay mommy.
"Oh what a lovely couple"
Si Nicholas, wala namang problema kay Ced makipag usap ako rito kasi bakla naman to.
"Long time no see, Nicholas" sabay halik ko sa cheeks nito at nag beso-beso naman sila ni Ced.
"Girl, Nicka! Hmm Nicka! diyos ko naman babae ka naka-asawa ka na nga lang ng gwapo nakalimutan mo na pangalan ko"
"Okay, Nicka! at pag may makarinig sa atin na tinatawag kitang Nicka eh lagot ka. Pag nalaman ng lahat na jukla ka besh"
"Hoy! hinaan mo nga yang boses mo" sabay tingin niya sa paligid.
"Ahh Bro! kumusta?" at do'n biglang naging brusko yung boses niya.
"HAHAHAHAHAHHAHA ano ba naman yan Nick, masyadong halata na bakla ka"
"Shit! Cedric. Pareho talaga kayo ng asawa mo eh noh?"
At do'n sabay kaming natawa ni Cedric.
"Sige na see you when I see you, Girl"
"YURI!"
at do'n natawa kami ni Cedric ng biglang naging lalaki ang boses niya.
Ikinawit ko sa braso ni Cedric ang kamay ko saka kami nakangiting bumaba ng hagdan. Hindi tuloy namin maiwasan ang hindi makuha ang attention ng lahat.
"Walang kupas talaga napaka ganda parin ni Yuri"
Tinignan ko si Ced na taas Noo na naglalakad habang nakangiti na animo'y proud na proud dahil ako ang naging asawa niya.
Pagkababa namin ng hagdan ay bigla nalang gumilid ang mga taong nasa gitna at do'n unti-unting nawala ang ngiti ko ng makita si Hendrix na naka-upo sa couch na nasa gitna.
Nakayuko ito ngunit dahan-dahan itong nag-angat ng tingin gamit ang walang emosyon niyang mga Mata. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad ni Ced. Sumandal si Hendrix sa couch habang nakatitig parin sa akin, hanggang sa unti-unting sumilay ang nakakamatay niyang ngiti.
"Ced, do'n ta-tayo" turo ko sa kabilang direction at agad naman akong dinala ni Ced do'n. Nilingon ko si Hendrix at nakita ko na may babaeng lumapit sa kanya at umupo sa tabi nito dala ang wine glass. May binulong ang babae at sabay silang natawa. Ngunit, bumaling sa akin ang tingin niya sabay isang lagok do'n sa wine na hawak nito habang nasa akin parin ang kanyang attention.
Ngunit, hindi ko inasahan na kagatin niya ang labi nito habang nakatitig sa akin. Dahilan upang maibaling ko sa ibang direction ang paningin ko.
Gagong lalaki to, kahit anong pang-aakit mo sa akin hindi mo ako madadala. Peru, ang hot niya ahh haist! Argh! a-anong hot? No! He's not hot
"Hon? are you listening?"
"Ha? ahh Oo na-naman"
"Parang hindi naman, bakit? Sino ba tinignan mo?" Nilingon ni Ced ang tinignan ko at buti nalang at may lumapit pang isang babae kay Hendrix dahilan upang maharangan nito si Hendrix.
"Yuri, Ced" tawag sa amin ni Ysa.
"Ysa" humalik ako sa cheeks nito at nag beso lang sila ni Ced. "Ito nga pala gift ko sa'yo"
"Oh thank you so much" Chanel bag yung regalo ko galing pa Paris yon. Mahilig kasi siya sa Chanel.
"Happy Birthday, Ysa ah do'n na muna kami ni Yuri"

BINABASA MO ANG
Sexret Affair
RomanceWarning: not suitable for young readers or sensetive minds. Contains a graphic sences, adult language and situation intended for mature readers only ℹ️ Matured Content