Double Standards

283 24 7
                                    

Inuman ng barkada, syempre present si tatay at si tito, kaclose naman ng barkada ko ang pamilya ko kaya ayos na ayos.

'Liban sa karaniwang paksa ng pulitika at syensya, isa sa paborito "naming" usapan ay ang mga babae. Syempre bida si tatay at si tito sa pagbibigay ng tips and tricks kung paano paligayahin ang babae. Sasabay naman "kaming" mga bata sa pagbibigay ng sariling experience.

Pagkalalake 101: Kapag may alak may balak, yan ang unang turo sa amin, kapag nakipaginuman ang babae tyak gusto nyang magpa torjak. Pag naka maiksing short ang babae at labas ang cleavage, aminin man nila o hindi gustong gusto nilang napagnanasaan sila. Mga pakipot, yan ang laging aral sa amin ng astig kong tatay. Rule of thumb daw na pag di nagpagalaw ang girlfriend mo sa unang bwan ng pagsasama nyo, iwan mo na. Papagmadrehin mo nalang, tanginang yan.

"PUTANGINA MO!" Umalingawngaw ang boses ni nanay, takbuhan kami sa pagaalala.

"Anong nangyari?!" tanong ni tatay

Humahagulgol na sumagot si nanay "Yang putanginang anak mong malande ayan may kumakalat na sex video! Lasing na lasing habang hinahalay ng mga kabarkada nya!"

Isang dumadagundong na sampal ang tumama kay ate. Isang makabasag paninindigang sampal naman ang yumanig kay tatay, walang latay pero ang hapdi ay pang habambuhay

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Double StandardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon