Mateo

201 22 8
                                    

Mahilig akong makipag diskusyon, lalo pa't alam kong nasa tama ako. Ito ang turo ng pastor namin, kung ikaw ang nasa tama wag kang matatakot sabihin ito. Oo, makakasakit ka ng damdamin, pero ang katotohanan ay masakit talaga sa tainga ng naliligaw na kaluluwa.

Ewan ko ba sa mga kabarkada ko. Parang hindi nakikinig. Ilang beses ko na silang pinangaralan sa ikalawang pagdating ni Jesus. Sige parin sila sa baluktot na tradisyon nila. Depensya nila "Ayaw ko lang ng away. May kanya-kanya tayong paniniwala". 'Di baga nila nalalaman na mas maiging makagalitan mo ang sanlibutan dahil sa pagpapalaganap ng salita ng Diyos, kaysa sa maaayos nga ang buhay mo pero nabubuhay ka sa mali.

Pinagtripan na ata ako ng mga kabarkada ko. Bigla nalang umalis. Tinaguan siguro ako ng mga mokong na ito. Ganun talaga pag nasa totoo hehe. Tignan mo tong mga walang modo na ito. Iiwan pa ang bibliya nila dito. Ni hindi man lang maisara.

"Huh? bakit kailangan pa nilang ihighlight ang Mateo 24:36 - 41?" binulong ko sa sarili sa pagtataka .

Makauwi na nga lang, mga ulupong talaga ang mga yon. Parang ex ko, bigla ka nalang iiwan ng walang paalam.

"Brader, nakita mo ba si Mila? Kanina ko pa hinahanap eh", bati sa akin ni Lorenzo

"Hindi eh. Pati nga mga kabarkada ko biglang nawala kanina eh" sagot ko sakanya

Naulit pa ang ganitong mga tanong habang papalabas ako ng gate, mga kakilala kong naghahanap sa mga kaibigan nila.

Tumuloy ako sa paguwi, kataka-takang bihira nalang ang tao sa oras na ito na dapat punong puno pa. Baka naman may event na hindi ko alam?

Nakauwi ako sa bahay at wala pa sila Nanay, baka mamaya pa ang mga yon. Nakatulog na ako't lahat lahat ay wala parin sila. Sinubukan kong hanapin sa kapitbahay, katrabaho at kakilala pero wala daw sila.

Sana nama'y walang nangyaring masama sakanila. Sobrang bait pa naman nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MateoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon