Nathan's POVNasa airport kami para sunduin si mama't papa.
"Tita c-cr lang po ako."
"Sige Nathan pero bilisan mo parating na sila mommy mo"
Saktong pagkaalis ko dumating naman sila mommy, pero di na nila ako naabutan. Habang nasa CR ako tumawag sakin si Tita Aki.
"Hello? Bakit po Tita?"
"Pumunta kana dito Nathan, bilisan mo nagaaway na mama't papa mo."
"Sige po, papunta na po ako."
Nagmadali ako palabas ng CR at sa pagmamadali ko nakabangga ako ng babae.
"Miss ok ka lang ba? Sorry nagmamadali kasi ako."
Tinulungan ko makatayo yung babae.
"Ok lang ako."
Nagmadaling umalis yung babae at nakita ko yung passport niya sa sahig, kaya agad kong pinulot ito at tinawag siya.
"Miss yung passport mo!"
Di ako narinig ng babae kaya kinuha ko nalang yung passport niya.
--------------------------------------------------------------
Nathan's POVNagising ako ng sinigaw ni papa ang pangalan ko, kaya agad-agad akong lumabas ng kwarto ko at pagkalabas ko may nakita akong babae. Hindi ko maitatanggi na maganda siya at hindi lang mukhang mayaman, literal na mayaman. Lumapit ako kay papa at tinanong siya.
"Pa sino po siya?"
Dahil sa sigaw ni papa, pati si mama ay napalabas sa kwarto at napatanong kung sino si ateng petite.
"Ano meron at sino siya?"
"Nathan, I want you to meet your future wife, Athena."
Nagulat ako sa sinabi ni papa, kaya pautal akong sumagot.
"F-future wife?"
"Teka nga, ano ba yang sinasabi mo, David?"
"Gusto ko mapangasawa ni Nathan si Athena."
Pakaba akong sumagot, dahil alam kong hindi magugustuhan ni papa yung sagot ko.
"A-ayoko po. Hindi ko po siya gusto."
Galit naman na sumagot si papa sa sinabi ko.
"I don't care if you don't like her, papakasalan mo siya sa ayaw't sa gusto mo."
Dahil sa sinabi ni papa, muntik ko na hindi mapigilan ang galit ko kaya dali-dali nalang ako bumalik sa kwarto ko.
"My apologies Athena, ako na ang humihingi ng tawad para sa anak ko. I'm sure na papayag rin siya."
Pumasok ang driver ni Athena para sunduin na siya.
"Ma'am, kailangan na po natin umalis may appointment pa po kayong kailangan puntahan."
-------------------------------------------------------------
Nathan's POVHabang nakahiga ako nakita ko sa desk ko yung passport na naiwan ng babae kanina, kaya naisipan ko na hanapin siya sa social media para makalimot sa nangyari at maisauli sakanya yung passport niya.
"Kaia Hermoso,Kaia Hermoso... Tangina! Andami namang Kaia Hermoso dito!"
Pagkalipas ng ilang oras, nahanap ko rin ang account niya sa social media at sinendan ko siya ng friend request.Pagkalipas ng ilang araw inaccept na niya ang friend request ko. Nung una nag-aalinlangan pako kung ichachat ko pa siya, kasi nahihiya ako. Pero napag-isip ko na wala namang malisya eh, isasauli ko lang yung passport niya.

YOU ARE READING
Billet Doux
RomanceNathan,who wrote a letter for his love. That tells the story of how he met different girls and how he experienced different kinds of love and rejections.