"Gigi, iwan mo muna kami." Mahinahon kong sabi kay Gigi.
Hindi naman nag-alangan na iwan kami ni Gigi. Hindi na ako nag-abala pang tumayo kasi siya na yung kusang naglakad para harapin ako. Tumingala ako sa kanya kasi nasa harap ko na siya.
"Ba't mo ako sinundan hanggang dito?" Yun ang una kong tanong sa kanya.
"You know why I came here after you."
"Dahil ba sa baby? Hindi ko naman siya itatago sayo ah. Pumunta lang ako dito dahil—"
"Dahil gusto mong lumayo sa'kin?" Matigas niyang putol sa sasabihin ko.
Napahinga ako ng malalim at nag-iwas ako sa kanya ng tingin. I was supposed to get annoyed at him but I badly missed him. I couldn't hold my anger at him for too long.
"Gusto kong manganak dito kaya nandito ako. Sumama ako kina Farren. Hindi ko lang sinabi sayo dahil alam ko naman na aalma ka."
He scoffed in disbelief. He shook his head and combed in hair in frustration. Doon niya binuhos yung inis niya sa buhok niya.
"You can fool your sisters but you can't fool me, Santina. I know why you came. Someone saw you at the Viscount's entrance. I checked the CCTV footage yesterday to confirm you really went there the day after I visited you and the day I last talked to you. And yes you were there, with Skan. May nakita ka doon kaya nagalit ka sa akin at lumayo?"
Kumunot ang kilay ko dahil totoo nga ang sinabi niya at mukhang wala akong takas dito. Kahit anong pagsapin ko sa mukha ko para lang walang reaksyon na mailabas ay hindi ko nagawa kasi natamaan ako sa sagot niya.
At hindi ako pwedeng magsinungaling dito.
Lumuhod siya sa harap ko. Hindi ako makakilos dahil kinulong niya agad ang dalawang binti ko sa dalawang hita niya. At dinantay pa ang isang kamay niya sa tagiliran ko kaya wala akong takas sa kanya. Pwera nalang kung sipain ko siya para makaalis ako pero hindi parin ako makakatakas agad dahil mahuhuli niya agad ako. Kaya nanatili lang akong kalmado sa harap niya.
"Tell me honestly, Santina. Kaya ka ba umalis dahil nakita mo kami ni Allana? Fuck Santina." he cussed pero mahina lang ang boses niya. "We just talked that day. Maayos pa tayo diba? We just talked that day. And I even bought you something to eat. But why—why are you doing this to me?" he continued.
Base sa nakikita ko ay parang lugmok siya ngayon. Nakayuko siya at nagpipigil lang. Yung mga mata niya kanina ay hindi galit sa'kin kundi may halong lungkot, takot, pananabik, at syempre may tuwa dahil nakita ako. He also had a weak look at me. Parang wala siyang maayos na tulog.
Malakas ang pintig ng puso ko. Mas lumakas pa nang isinandal niya ang kanyang ulo sa harap ng dibdib ko at hinawakan ang tiyan ko gamit ang isa pa niyang kamay na hindi nasa tagiliran ko.
And by his touch, the baby rejoiced inside of me because he had felt his father again.
"I came here not only for our baby, Santina. I also came after you. You broke my heart into pieces when no one told me where you at. Sina Oxford at Billie ang nagsabi sa akin na nakita ka daw nila na pumasok sa loob ng apartment ng kaibigan niyo. Hindi ako naniwala agad kasi galing ka palang sa kanila but Oxford told me kung anong oras ka na nila nakita. And that's when I thought na baka magkasama kayo. At nalaman ko sa isang kapitbahay nila kung saan sila—kayo nagpunta. So I hired a private investigator to dig more of your whereabouts. So now I'm here."
Ineexpect ko na gagamit talaga si Leighton ng kanyang yaman para mahanap niya ako. Pero hindi ko akalain na mahahanap niya ako agad.
May parte sa akin na natuwa dahil hinabol niya ako pero may gusto akong marinig sa kanya na kaya kong ipaubaya ang sarili ko sa kanya. Yung buong-buo na ako basta marinig ko lang yun sa kanya.
BINABASA MO ANG
Leighton
عاطفيةBilang panganay sa limang magkakapatid, ang unang pumasok sa isip ni Santi ay pumasok agad sa trabaho. Nang wala na silang mga magulang na magsusuporta sa kanila ay si Santi na ang tumayong breadwinner para sa pamilya niya na hindi niya dapat pabaya...