Chapter 1: Two Identities
"Tarlac po." Sabayng nagbitaw ng magagalang na salita sina Prince at Queue sa konduktor na nasa labas ng bus.
"Saan sa Tarlac?" Tanong ng konduktor.
"Paniqui po ako," wika ni Queue.
"Moncada." Sagot naman ni Prince.
"Uy! Anak pala 'to ng Velario e!" Hirit ng konduktor nang mapagtanto nitong anak ng Velario si Prince.
Kumunot naman ang noo ni Prince nagtataka kung paano nito nalamang anak siya ng mga Velario.
"Tickets ninyo." Ani pa ng konduktor habang naiwang nakakunot ang noo ni Prince sa sinabi nito.
"Kapag odd, bandang bintana. Kapag even ang numero, sa aisle." Dagdag ng konduktor.
Dahil magkasabay ang dalawa, unang naticket-tan si Queue, kasunod naman si Prince. Panglimang upuan si Queue at sa ika-anim naman si Prince.
"P'wedeng makipagpalit?" Saad ni Prince matapos niyang makaupo.
"Maari bang malaman kung bakit?" Tanong ni Queue.
"Nasusuka ako kapag nasa aisle ako," aniya.
"Hmm sige, tayo ka muna, para makalabas ako." Mabait na tugon ni Queue.
Sa isip ni Prince, nagustuhan niya ang ipinakita ng binatilyo. Kaya agaran siyang nagpasalamat dito.
"Name your price." Sambit ni Prince kay Queue, kaya napatingin si Queue sa kaniya.
"Ha?" Nakangangang tugon niya.
"I said, name your price." Pag-uulit pa ni Prince.
"Para saan?" Nagtatakang-tanong ni Queue.
"Mister?" Madaldalng tugon ni Prince.
"Queue." Sagot ni Queue.
"As in letter 'q'?" Pagtanong pa niya.
"Like a line or a list or a sequence, pero p'wede na rin para hindi ka na mahirapan." Sagot nito.
"You are?" Dagdag niya.
"Prince. Prince Keith Velario." Pagpapakilala nito.
"Hmm okay. Nice meeting you prinsipe, pero I don't ask for alms." Sagot ni Queue kaya tila nalaglag ang panga ni Prince sa sinabi niya.
"Ayaw mo bang bayaran kita for allowing me to sit on your seat?" Confident niyang tanong.
"Why would I? Doesn't mean you're able, I'll take advantage."
Pasimpleng tumawa si Queue sa asta ni Prince.
"Take it as a stranger gift." Dagdag ni Queue.
"T-Thank you." Nauutal na sagot ni Prince.
Nag smile lang si Queue kay Prince.
Nang mapuno na ang bus, pumasok na ang konduktor at isa-isang kinukuha ang bayad ng mga pasahero.
"Sa Walter Mart lang po ako, kuya." Saad ni Queue kasabay ang pag-abot ng ID Card nito.
Napatingin si Prince sa ginawa ni Queue.
"UBian ka?" Aniya.
Tumango si Queue, saka muling ibinalik ang tingin sa konduktor.
Pinunch ang ticket ni Queue para maihanda nito ang kaniyang bayad. Sa kabilang banda, sadyang kinaligtaan ng konduktor si Prince dahil pagmamay-ari nila ang naturang bus.
"Kuya, hindi niyo po ba siya titicket-tan?" Nagtakang-tanong ni Queue.
Tumingin lang ang konduktor kay Queue na animo'y hindi niya kailangang magpaliwanag bakit hindi nito siningil si Prince.
YOU ARE READING
Between Two Hearts
Teen FictionKaniya-kaniyang pamantayan sa pag-ibig. Parehong pinag-aaralan ang sikolohiya ng dalawang mag-aaral na sina Prince Keith Velario, isa sa tatlong anak ng mga Velario, ang pinakamayamang pamilya sa buong lungsod at Queue Liked (pronunciation: Q Li-ked...