Her Instant Fairytale

292 16 19
                                    

Natapos na naman ang isang buong araw para kay Cheska na isang editor sa isang publishing company na kilala at sikat sa bansa. Haggard, pagod at stressed na naman siya kaya naisipan niyang bago umuwi gumimick muna kasama ng co-workers niya.

"Baks, lika, labas muna tayo," sabi niya kay PJ na isang graphic artist.

"Sorry ha? Wiz makakasama ang lola mo, may lakad kami ng boyfie ko, atsaka teh, haggard much? Itulog mo na lang 'yan okie?" sagot nito. Bukod sa pagiging graphic artist, instant gown designer din ang baklita kaya may nabingwit kaagad na boylet.

"Sige," Napailing na lang si Cheska at napabuntung-hininga. Sinubukan niya na ring ayain ang iba pang kasamahan pero sa kabutihang-palad lahat nagsi-tanggi.

Napaupo na lang siya sa upuan niya ulit at yumuko, mag-isa lang siya sa condo na tinitirhan at malayo sa pamilya kaya kailangan niya ng taong dadamay at makakausap lalo pa't nagkakaroon na siya ng depression dala ng pagiging mag-isa at kawalan ng tinatawag na pag-ibig. Habang nage-emote nakatulog siya dala na rin lang ng pagod sa trabaho.

"Uh, Ma'am, hindi pa po ba kayo uuwi?" Mayroong gumigising sa kaniyang lalaki at bandang alas-diyes na ng gabi.

"Huh? Ano?" Napabangon siya sa pagkakayuko at nag-inat.

"Ma'am, gabi na ho, di pa po ba kayo uuwi?" tanong ulit ng lalaki, nadilat ng maayos ang mata ni Cheska at tumambad sa harapan niya ang lalaking may hawak na mop, ang janitor ng building na si Jeremy.

"Naku! Pag minamalas ka nga naman oh! Haay! Gabi na pala!" inis na sabi ni Cheska at napatampal ang palad sa noo niya.

"Oo nga po, gabi na, nahiya naman po akong gisingin kayo ng mas maaga kasi kita ko pagod na pagod kayo," sabi ni Jeremy.

"Ganun ba? Naku ha, pasensiya na at nandito pa 'ko, nakakahiya,"

"Naku, ayos lang po," sagot ni Jeremy at ngumiti, atsaka na tumuloy sa paglilinis ng opisina, si Cheska naman nag-ayos na ng sarili niya at mga gamit para umuwi, pero habang nag-aayos di niya maalis ang titig sa janitor.

"Guwapo naman nito, ngayon ko lang napansin mala-koreanovelan actor si Kuya ha? Pernes maganda ang kutis, maputi, matangkad at chinito, anak ng janitor," bulong niya atsaka siya nangisi. At pagkatapos tumayo na siya para umuwi.

"Ingat po sa pag-uwi!" Masayang sabi ni Jeremy at ngumiti na lang sa kaniya si Cheska.

Pag-uwi kaagad naman na nag-linis ng sarili si Cheska.

"Losyang ka na girl," sabi niya sa sarili habang nakatingin sa salamin, matapos nun nahiga na siya kaagad at nag-search ng kung anu-ano sa internet, pakiramdam niya napaka-pathetic niya nang tao at nagiging bitter kapag nakakakita ng picture ng masayang couple.

Ayaw naman niyang magkaroon ng boyfriend dahil ayaw niya na ng commitments at lalung-lalong ayaw niya na ring masaktan pa, pero ang problema, gusto niyang masubukan ang lahat ng pupuwedeng gawin ng magkasintahan sa paraang wala siyang magiging boyfriend. Kung di ba naman luka-loka? Ang labo ng isip, halatang napaka-pathetic niya na nga.

She always ended up watching love advice shows on the net 'til midnight, kaya naman lalo siyang nagkakaroon ng motivation na kailangan niya ngang magawa ang lahat hangga't bata pa siya. Natural lang na kadikit ng salitang pag-ibig ang sex, kaya naman si Cheska na walang karanasan lalong nagkakaroon ng craving para dito, at tutal naman at single and alone, nawiwili na siya sa pagbabasa ng mga erotic novels, and she wanted to go further and put her fantasies into reality.

"So, pupuwede kayang magkaron na lang ako ng sex partner? Gaya sa pelikulang napanood ko? Eh sino?... Si Kuyang Janitor?" Bulong niya sa sarili habang nakahiga at katatapos lang manood ng love advice show.

Her Instant FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon