COLEN'S POV
Nagising ako sa amoy na nagpakulo sa sikmura ko. Agad kong kinuha ang phone ko para tignan kung anong oras na, alas-sais pa lang ng umaga. Ang aga naman ata nagising ngayon ni Ermats? Wala naman kaming pasok.
Nahihilo man ay agad akong bumangon sa higaan ko at ginawa ang morning routine ko. Napuyat din ako kagabi, hindi man natuloy ang celebration namin sa studio dahil sa tagal bumalik ni Celestine ay gabing-gabi na rin kasi nang natapos ang program.
Nang matapos ko nang gawin ang mga dapat kong gawin ay agad na akong bumaba sa kwarto ko, at handa na sana akong batiin at salubungin si Ermats nang makita kong si Celestine ang nagluluto.
"Himala, hindi amoy sunog ang niluluto mo ah?" pang-aasar ko rito at agad naman akong sinamaan ng tingin nito. "Biro lang, anong meron at nagluto ka ng breakfast? Hindi ka ba puyat? Anong oras na tayo nakauwi kagabi ah?"
Inilagay nito ang nilulutong buro sa isang maliit na mangkok. "Hindi naman ako napuyat, saka ano ka ba sanay na sanay na akong pumasok sa Benison nang walang tulog."
Napailing na lang ako sa isinagot niya. "Eh, ano ngang meron at nagluto ka ngayon?"
Ngumiti ito at saka nagsimulang maghain ng pinggan at baso. Nagsimula na rin siyang magtimpla ng kape para sa amin ni Ermat, matcha ang kanya dahil acidic siya.
"Sasagutin ko 'yan, basta tawagin mo muna si Mommy at kakain na tayo!" nakangiting sabi nito.
Wala na akong nagawa kundi gawin ang ipinagagawa niya, kinatok ko sa kwarto si Ermat at saka ako pumasok.
Agad ko naman siyang nakitang bumangon at nag-iinat pa. "Aga mong mang-istorbo, Colen. Ano 'yon?" ani nito.
Natawa ako. "Bilisan mo bumangon dyan, Ermat. Nagluto si Tina."
Napatingin ito sa akin nang nakakunot ang noo. "Anong meron?!"
Nagkibit-balikat ako. "Bangon na, naghihintay 'yon doon. Nagluto pa naman ng buro!"
Natawa ito. "Oo na, sige na. Sunod ako. Maghihilamos lang ako."
Bumaba na ako at nakita ang kapatid ko na nakatingin sa picture nila ni Alexis sa phone niya saka ito naglabas ng isang buntong-hininga.
Pasimple ko itong tinap sa balikat. "Alas-sais pa lang ng umaga, napakaaga mo namang mag-relapse."
Sinamaan ako nito ng tingin. "Wag ka nang kakain ah?"
"Sama ng ugali mo!" natatawang sabi ko. "Ayan na si Ermats oh!"
Napalingon ito kay Mommy. "Ey, woke up like this 'yan siya."
"Buang. Anong meron at nagluto ka? Nais mo na bang mag-asawa?" biro ni Mommy at naupo na rin.
Napakunot ang noo ni Tina. "May anak na sa iba 'yong asawa ko, 'ma."
Dark ng humor ampota. Napailing ako't sumandok ng niluto niyang sinangag. "So, what's with the breakfast? May kasalanan ka ba?"
"Ibalik mo na 'yang sinangag Colen Addison Gray, hindi ka mag-aalmusal talaga!" bwisit na sabi nito sa akin at tinawanan ko lang ito.
Maya-maya lang ay sumeryoso na ito at tumingin sa amin ni Mommy. "Nag-usap na kami kagabi, that's why super tagal kong bumalik kagabi. Hindi talaga ako nag-pee."
Alam ko naman. Alam kong kay Alexis ang punta niya, pero hindi ko alam na nag-usap sila.
"At kumusta naman ang pag-uusap niyo?" tanong ni Mommy. "Kaya naman pala panay ang hikbi mo kagabi."
My sister smiled bitterly. "I've finally let him go."
Napatigil ako sa pagkain at napatingin sa kanya. "Pumayag siya?"
BINABASA MO ANG
THE DEATH WISH OF AKIME
Misterio / SuspensoMasaya. Mapayapa. That's the world of Athalia. But all of this changed when her sister, Akime Corpuz, passed away. Athalia Ysabella Corpuz, a journalist in the Academy of Benison, na ang tanging hiling ay ang kapayapaan sa mundong kaniyang ginagalaw...