Survived

141 9 0
                                    

"That day will come, where you have no other thing to do but to cry."

***

It's flabbergasting, how she coalesced her life and magic the past two years, how she managed to live and survive despite everything. And she knew that no one will believe. No one has ever thought she would survive and so no one would ever believe if she says she made it without her presence as proof-- well, her mother is an exception. Despite how her mom treats her, Celestial Beryl is sure that her mom supports her secretly. She's sure that out there in the wilds, her mom's the only person who's believing in her.

"Naniniwala ako sa'yo."

But her master changed that tho. Her master's words actually changes everything. He managed to help her change for good, and there she is now, stronger and better than ever.

Standing at the last border, she bowed, "Maraming salamat po, hinding-hindi ko kayo makakalimutan."

"Huwag na huwag mo talaga akong kakalimutan. Ikaw lang ang pumasa sa akin, ikaw ang kauna-unahang nakapasa sa pagsusulit kong imposible." Ngumiti ang kaniyang guro, nagbuntong hininga at pagkatapos ay hinawakan siya sa balikat. "Pasensya na at naranasan mo ang mga bagay na iyon kay Runcho, ngunit masaya akong nakakapagpatuloy ka."

Nanatili siyang nakayuko, labis labis ang respeto niya sa matanda.

"Sa loob ng dalawang taon, hindi ka pa tuluyang naghilom. At naiintindihan ko iyon, sa murang edad ay naranasan mo ang mga bagay na wala sa edad mo ang makakaligtas kung maranasan man nila. Naranasan mo ang mga bagay na hindi mo dapat naranasan. Ikaw lamang ang kaisa-isang nakita kong lumabas ng buhay sa silong na iyon, at nang makita kitang lumabas ng buhay, sinabi ko na sa sarili kong may kakaiba sa'yo." Humigpit ang pagkakahawak nito sa kaniyang balikat, "At hindi nga ako nagkamali."

"Guro..." Naramdaman niya ang pamumuo ng kaniyang mga luha.

No, she doesn't cry anymore. It's one of hundreds she learned from him. But she's still human, her heart and mind still responds to the words she's been longing to hear. No, she hasn't recovered yet. For a kid who was tortured and lucky to survive, nightmares were still haunting her. But she knows how to manage herself now, how to calm down when she's triggered. All thanks to the old man.

"Huwag mo akong bibiguin, nagtitiwala ako sa'yo. Naniniwala akong malayo ang mararating mo. Nais mo lamang makapagtapos upang maging opisyal na manggagamot, ngunit hindi mo alam ang bagay na naghihintay sa'yo sa hinaharap. Sigurado akong malaking bagay iyon, malayo ang mararating mo, at maitatala ka, ang iyong pangalan sa aklat ng kasaysayan."

"Guro..." Tuluyan nang tumulo ang butil ng kaniyang luha, nanatili siyang nakayuko upang huwag iyong makita ng matanda. Ngunit sigurado siyang alam ng matanda na lumuluha siya.

"Ang kailangan mo lang ay maniwala sa iyong sarili, huwag mong pigilan kung ano ka. Sa halip, palakasin mo pa kung ano'ng nararamdaman mong lumalabas sa'yo." Saad pa nito. "Hindi ka... ordinaryong tao, nararamdaman ko iyon. Ibang klase ang dugong nananalaytay sa'yo, hindi pangkaraniwan. Mag-iingat ka na lamang sa iyong paglalakbay, mula ngayon, hindi na basta-basta ang mga lakad mo."

"Opo."

"Mararanasan mo na kung paano tumungo sa isang lugar ng may pakay--delikadong pakay. At kapag dumating ka na sa punto ng buhay at kamatayan, huwag kang matakot. Tandaan mo, iyon ang mga bagay na pinaghandaan mo sa lugar na ito. Wala ka ng dahilan upang matakot, umatras at sumuko. Kinilala na kita bilang aking mag-aaral, at wala sa mga estudyante ko ang sumusuko."

"Opo!" Malakas niyang tugon. His words were giving her motivation, it's more than enough for her to go through beyond now.

"Anuman ang alon na dumating sa buhay mo, huwag kang susuko. Matuto kang maghintay ng tamang tyempo kung paano sasakay sa alon na iyon gamit ang iyong bangka, huwag mong salubungin ng walang plano, ng wala sa tamang pag-iisip, mahuhulog ka lang at baka mahirapan ka pang umahon." Anito, hindi talaga nagkukulang ang matanda sa pagpapangaral sa kaniya. "Iba na ang buhay sa labas ng gubat na ito, ngunit ang batang pumasok dito noon ay walang pinagkaiba sa dalagang lalabas ngayon. Ikaw parin ang batang iyon, mas malakas nga lamang, puro, mas matapang, at mas nahasa."

Tuluyan na siyang tumitig sa kaniyang guro atsaka ngumiti, "Maraming salamat po..."

"Wala ka ng dapat ikatakot..." Saad nito ng nakangiti rin sa kaniya, "Nalampasan mo na ako..."

Hindi niya alam kung paano tutugon sa mga salitang iyon. She's so happy he recognized her, but it was too much, her master saying she had surpassed him was too much. She can't believe it, no, she don't want to believe it. She still have more to go. But then, it was indeed a breakthrough motivation for her.

"Sige na, humayo ka't gumawa ng malaking pagbabago sa mundong ito." Saad nito at pinihit siya paharap sa ibaba ng bundok, "Kahit na ano'ng mangyari, gawin mo kung ano ang ikabubuti ng lahat. Maaaring dumaan ka sa makitid na paraan at matinding pagsubok, ngunit kung iyon ang daan upang mapabuti ang lahat--wala kang dapat ikatakot, wala kang dahilan upang hindi magpatuloy." Marahan siya nitong itinulak, "Dahil sa huli, ikaw lang ang nakapasa sa mga pagsusulit ko."

Hindi na siya lumingon, malakas na lamang siyang sumagot. "Opo! Maraming salamat po sa lahat!"

Humalakhak ang kaniyang guro, ginulo muna nito ang kaniyang mahabang buhok bago siya nito tuluyang binitawan, "Sige na... masaya akong nakilala kita. Wala na akong pagsisisi sa buhay ko ngayon, nakilala ko na ang estudyanteng noon ko pa gustong makaharap." Madamdamin nitong wika na mas lalong nagpaluha sa kaniya, "Mag-iingat ka saiyong paglalakbay, kung nahihirapan ka na, tumingin ka lang sa itaas."

"Opo,"

Nagsimula na siyang humakbang palayo, pababa sa bundok, paalis sa lugar ng mga ala-alang hindi niya malilimutan, palayo sa kaniyang guro.

"Ikaw... ang pinakamatapang na batang nakilala ko sa buong buhay ko. Ikaw rin ang pinakamagaling, lubos ang humahanga." Pagpapatuloy nito, "Ikaw rin ang pinakamaganda, anak." Humalakhak pa ito.

Malamang, siya lang ang naging estudyante nitong babae. Ngumiti na lamang si Celestial, pagkatapos ay nagbuntong hininga bago tinitigan ang gubat na noon ay halos mamatay-matay niyang tahakin. Sa huling pagkakataon ay lumingon siya sa kaniyang guro, umiiyak na ito. Napangiti na lamang siya pagkatapos ay kumaway;

"Paalam." Matamis ang ngiti ng kaniyang guro, halatang masaya sa kaniyang pag-alis. Dahil aalis siyang nakapasa.

"Paalam, guro. Maraming salamat po sa lahat lahat."

And it was everything. Their last words were everything. The old man turned his back on her and she did the same. With clenching heart, she stepped out of the border and began running through the woodland.

She did it, she made it, she passed, she survived.

LEGENDS: The Fall (Season, #3) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon