But the villagers were already spread across Peakbrook, along their escape they met several people with torches blocking their path. The villagers were quick to see them but Celestial was faster to pull her mom towards her as they leap through the woods. And they began running again, they did not lost the villagers but atleast they're distant.
Huminto ang kaniyang Ina upang maghabol ng hininga. Pagkatapos ay itinulak siya palayo.
"Hanggang dito nalang ako, haharapin ko sila. Tumakbo ka na at huwag ka nang babalik pa. Hangga't maaari ay huwag kang lilingon, dumiretso ka lang at umalis ka na sa Abyss." Hinihingal at lumuluha nitong saad. "Kalimutan mo na ako, kalimutan mo na ang buhay mo rito. Dahil simula pa lamang ay hindi mo dapat pinagdadaanan ang mga bagay na 'to."
"Mama, ayoko po kayong iwan." Matigas na wika ni Celestial, pagkatapos ay lumapit sa kaniyang Ina upang kargahin ito.
"Kahit na ano'ng mangyari, wala kang gagawin sa mga taong 'yan. Mangako ka, Celestial. Kahit na gaano ka pa kalakas at makapangyarihan, hinding-hindi mo itataas ang iyong espada para kitilin ang mga buhay nila, naiintindihan mo?"
Umiiling-iling si Celestial. "Ma..."
Ngunit malakas na sampal lamang ang kaniyang natanggap, pagkatapos ay sinigawan siya ng kanyang Ina; "Ano ba! Layas!"
Muling umalingawngaw ang tinig ng mga Villagers, ngayon ay doble na ang bilang ng mga ito kumpara kanina. Mukhang natunugan ng mga ito kung nasaan sila. "PATAYIN! HAYUN, HAYUN, HABULIN ANG MGA PESTENG YAN!"
Nagsunod-sunod ang sigawan. "Huwag niyong hahayaan pang mabuhay!"
Mga pamilyar na tinig. "Sunugin ang katawan, iaalay sa kalangitan!"
"Huwag po!" Sigaw ni Celestial at itinago ang kaniyang Ina sa kaniyang likod. "Itigil niyo yan, patawarin niyo ang Mama ko! Intindihin niyo naman siya, ginamot ko naman kayo!"
Nangangati na siyang ilabas ang kaniyang sandata ngunit para sa kaniyang Ina ay hindi siya kikitil ng buhay sa gabing ito. Ngunit tila bingi na ang lahat, animo'y nilamon na ng galit sa ginawang panloloko ng kaniyang Ina.
Puno ng poot ang sigaw ng mga ito. "Hulihin ang bata! Mahal yan kapag ibinenta natin, hulihin ng buhay ang diwata. Sunugin si Almira!"
"'Wag po!" Muli niyang sigaw.
Ganoon na lamang siya kabilis na hinila ng kaniyang Ina palayo. "Halika na, Celestial!"
"Mama! Hayaan niyo po akong—"
"Sumunod ka na lang sa akin!"
Halos maiwan ang kaniyang kaluluwa sa pagkabigla. Nang makarating sa tuktok ng talon ay huminto sila at pinagmasdan ang madilim na ibaba.
Hinarap siya ng kaniyang Ina, bakas ang pagod, lungkot, hirap at pagsisi sa hitsura niyo. "Hindi ko na kaya, hanggang dito nalang talaga ako, anak. Umalis ka na, kalimutan mo na ako." Malumanay na saad nito at hinaplos ang kaniyang mukha. "Tandaan mo lamang ang pangalan mo, hindi ka mawawala kailanman."
Kinagat ni Celestial ang kaniyang labi upang pigilan ang pag-iyak. "Mama,"
"Isa pa, hindi ako ang nagbigay ng iyong pangalan. Nakaukit na sa mga tala ang iyong pangalan, nakaukit na sa iyong likuran. Anumang gawin kong pagpapalit, ginamitan ko na ng pinakamatalas na mahika ay hindi gumana. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nito, kung ano ang koneksyon mo sa mga Maharlika ng Eufrata, ngunit alam kong may dahilan ang lahat." Iyak nito at hinagkan siya sa mukha na mas lalong nagpadurog ng kaniyang puso. "Sa ngayon, dalawang Maharlikang pamilya ang maaari mong imbestigahan. Umalis ka na..."
BINABASA MO ANG
LEGENDS: The Fall (Season, #3) ✔️
FantasyCelestial Beryl's trauma didn't end with her brutal training; surviving it was only the beginning. As darkness tightens its grip, she faces her greatest fall-a breaking point that shatters her last remnants of innocence. Fully transformed, she becom...