CHAPTER 4 : Bestfriends
CHANDRIA’S POV
Kakatapos ko lang kumain at kailangan kong basahin yung books ko. Advance reading kumbaga.Parakung mapalabas man ulit kami ni Lance, makakahabol ako sa lessons. Hihi. Di naman kasi malabong mangyari na di kami mapalabas eh. Sa yabang ba naman na yun. XD
Magsa-soundtripsanako habang nag-aaral pero nakita kong madaming missed calls si Jil. Di ko napansin na nagvibrate to ah? Nag-urong kasi ako. Hmm. Matawagan nga.
*Calling Sis Jil…
[ Hello Sis? ]
“Uy. Bakit ka tumawag sakin kanina?”
[ Ah. Yun ba. Wala naman. Kamusta? ]
“Wow. Halatain ka Sis. Ano ba itatanong mo talaga?”
[ Ehhh. Kasi. Ang OA ni Tristan eh. ]
“O ano nanaman problema ni Tantan?”
[ Lance. ]
“Hala! Anong problema dun?”
[ Tinatanong kung gusto mo daw si Lance. Haha! ]
Aba. Lokong Tristan yun ah. Kung anu ano iniisip. Ako nga kakausap mamaya dun! =___=
“Ano pa sinasabi? Abnormal talaga yon.”
[ Hmm. Nagtatampo sa’yo. Ikaw daw kasi gusto niyang ihatid kanina. ]
“Ay! Ang arte ah.”
[ Oo eh. Ibig kong sapukin kanina sis! Nakakainis. Sabi ko, kaya ko naman kako umuwi at sumabay na siya sayo. Ayaw padin. Baka daw magalit ka. Kaarteng nilalang. Hahaha! ]
“Sauce. Haha! Ge sis, aral na ko. Kausapin ko nalang yung tukmol na yun.”
[ Kyaaah! Bye! ]
Ang sarap talaga kabugin ni Tristan James Cruz! Napaka-arte. Kundi ko lang ‘to kasamang nag-migrate dito sa Pilipinas at kundi ko lang din bestfriend yun! Nako! Baka sinipa ko na yun eh! HAHA. So bad. =__=
Eto, nag-aaral na nga ako. Kakabored naman. Hmm, matext nga si Tantan.
To: Tristan Pogi
Uy tantan!
Ang tagal kong nag-iintay ng reply niya pero wala talaga. Hmm! Alam ko na! XD
To: Tristan Pogi
Tantan pogi! =)))))))))
*bzzt bzzt* Oh sabi sainyo eh. Magrereply. :P
Fr: Tristan Pogi
O bakit ba? Wag mo kong kausapin, nagtatampo ko sa’yo. Magsama kayo ni Lance! :’(
To: Tristan Pogi
Talaga? Bahala ka. Di na tayo magbestfriend. Kbye!
*bzzt bzzt*
*bzzt bzzt*
*bzzt bzzt*
Wow ha? Kelangan triple send? Natakot siguro! HAHA. :p
Fr: Tristan Pogi
Okay sorry na. =( Eh kasi naman eh. May kaibigan ka lang na bago di mo na ko pinapansin. Tsaka nagselos lang ako. Huu! Kainis ba. =___=
To: Tristan Pogi
Seriously, para kang bakla. Umayos ka. Haha!
*Tristan Pogi Calling…
“Oy hello.”
[ Ganda sorry talaga. ]
“Ayus lang. Napaka-oa mo. HAHA!”
[ So, ako ang kasabay mo bukas sa school? Hmm. ]
“Oh-oh. Nope! Sunduin daw ako ni Lance eh.”
[ Bahala na. Unahan na kami. XD ]
*tooot tooot*
Bastos talaga kausap ‘to lagi. Patayan daw ba ko. Okay. -____-
*ding dong*
Uwaa? Sino yun? Gabi na ah? Hala. Nakakatakot! Lalabasin ko kaya? Ge. God please guide me! XD
So eto, nilabas ko na. Bigla namang may nagtakip ng mata ko at bibig. “Holdap to!”Aba gago ‘to ah? Papalabasin ako tapos ho-holdapin ako? Gago to ah?! -__- Inapakan ko naman yung paa niya at binitawan niya ko peromalabo padin yung paningin ko.
“Aray! Shit ka naman Chandria eh! Joke lang naman yun eh!” Nang luminaw na yung paningin ko… Aish! Tofu! Si Yabang pala! Este si Lance. =___= Lumapit naman ako kagad sakanya.
“Uy sorry. Sorry. Ba’t ba kasi nangloloko ka? Baliw ka ba?”
“Wala. Wala kasi ako magawa sa bahay kaya naisipan kong pumunta dito. Pwede bang pumasok?”
“Ah? Ahh. Sige. Sure. Tara sa loob. Sorry talaga. Tsk.”
***
Nagla-laptop lang kaming dalawa dito ni Lance. Tinitingnan niya yung photos namin ni Tristan dalawa. Madami kasi kaming pictures. Simula nung mga bata pa kami. Ako naman, nagtitimpla ng maiinom namin dalawa.
“Close na close talaga kayo noh?” Sabi ni Lance habang papalapit ako sakanya galing kusina.
“O, inom ka muna. --- Ahh oo. Close talaga kami niyan simula bata kami. Bakit?”
“Wala naman. Di ka naman siguro namimili ng kaibigan diba?”
“Abe hindi noh.”
“Kung pwede sana, maging bestfriend mo nalang din ako.”
Nagulat naman ako kaya napalunok ako ng bonggang bongga sa juice na ‘to. Haha. Bakit kaya? O__o
“Bakit naman?”
“Gusto ko lang. Tsaka mukha kang mapagkakatiwalaan.”
“Aba. Siyempre! Pero kailangan mo ng isang bagay na mapapangako sakin bago kita maging bestfriend.”
“Hindi……… Kita……… Iiwan Chandria. =)”
“Fine. *shake hands* Hi bespren! Hihi.”
Ayus ‘to! May bago nanaman akong kaibigan.Sanamagtuloy tuloy pa to. =))
-----------------------------------------------------------
Another sabaw update. >:D Intay intay lang po! Malapit na ‘tong gumanda. XD HAHA! Vote lang po or comment. Please! ;( ;) – IncesDomo

BINABASA MO ANG
Way Back Into Love (Completed)
Romans"Lahat ng tao nagsisimula bilang strangers. At lahat ng couples, nag-uumpisa sa wala. Lahat sila may kanya kanyang storya sa buhay. Minsan nga, akala mo, siya na talaga. Pero... Naranasan mo na bang maiwan ng isang tao sa di inaasahang panahon? At s...