Nasa living room kami ngayon at hindi ko man lang magawang titigan sa mata tong nasa harapan ko ngayon which is si Adriana na nakikipag usap sa parents ko. Katabi ko naman ngayon si Eizen na nakikipag usap saakin at inasikaso ako ngayon.
"Here, eat this para lumakas ka agad," sabay lagay niya sa mga gulay sa plato ko pero agad naman siyang natigilan nang magsalita si Adriana.
"She doesn't like to eat vegies, she hates it." malamig na sabi nito kaya tinitigan ko naman siya at pati yung mga kaibigan ko clueless na tinitignan kaming tatlo.
She still remembers that I don't like to eat vigies pa pala... no! no! nagtatampo pala ako.
"You better eat this," sabay lagay niya sa bowl na may chicken soup sa harapan ko at siya na mismo ang kumuha ng plato na may lamang mga gulay na nilagyan ni Eizen.
"Sorry, i didn't know you don't like vegies pala," Eizen apologized.
"N-no, it's okay, Zen. It's not your fault naman in the first place kasi hindi mo naman alam."
"Sanaol understanding ang peg," singit ni Sheena kaya sinamaan ko ito ng tingin.
"Anak, you should eat vegetables para lumakas ka. Vegetables are healthy, hindi naman pwedeng puro meat at chickens lang ang kinakain mo palagi. You should eat vegies too, right Adriana?" sabi ni Mom at tinignan si Adriana kaya napatango nalang ito.
"Yeah, tita's right but don't force yourself to eat all of that vegies, if you can't eat it anymore just give it to me, i'll finish it." tumango naman ako pero hindi ko pa rin siya tinignan bahala siya diyan.
Pagkatapos non ay nag usap na sila mom at dad kasama si Adriana at yung mga kaibigan ko naman inaasar asar ko na sa pamamagitan ng titig nila mga siraulo talaga.
"Sanaol dalawa yung nag aagawan sakaniya," bulong ni Deon sa tabi ko kaya hinampas ko nang malakas yung likod niya.
"Pot—" dahil sa malakas na pagkakahampas ko ay muntik na siyang makamura pero bago pa niya magawa ay nakalingon na sakaniya ang lahat pati sila Sheena at Jamaica ay nagpipigil ng tawa.
"Ay may lamok," sabi ko habang tinitignan pa yung palad ko.
"Potato! hahaha oo! ang sarap ng sweet potato, tita." sinamaan naman ko ng tingin ni Deon at nagpipigil lang ako kakatawa. Tangina! hahahhaha! pati sila sheena at Jamaica ay nagpipigil din ng tawa
Matapos naming kumain ng almusal ay hindi ko alam kung bakit nagsiuwian yung apat kasi sabi Deon ay may emergency daw sila sa bahay, si Sheena naman nakalimutan niya raw i-off oven nila, si Jamaica naman tinawagan ng mommy niya tas pati si Eizen hinila nila kaya takang taka ako. Tatanungin ko pa sana sila pero agad silang nag paalam sa'kin habang hila-hila si Eizen.
Habang sila Dad naman ay biglang umalis kasi may important meeting daw kasama yung mga investors habang si mom naman ay may importanteng gagawin sa hospital.
Bruh what's happening?!
Nakakapagtaka, bakit naman halos lahat sila umalis? Kami nalang ni Adriana rito tas pati yung mga maids nawala rin! Jusko lord what am I gonna do?!
Napaka awkward sa totoo lang.
Nasa living room kami ngayon tas may six meter distancing na nagaganap rito beh mala social distancing no'ng may covid lang. Walang nagsalita saaming dalawa at katahimikan lang ang nababalot saaming dalawa.
"So-"
"Uh..." sabay na sabi naming dalawa. "Y-you first."
"So how are you feeling right now?"
"Not good," tipid na sabi ko at pilit na iniiwasan yung titig niya.
"About last night..."
"Don't mention about it," pagpuputol ko sakaniya, "It's over, i'm fine, you're fine, we're both fine. Don't mention it anymore."
YOU ARE READING
The Gap Between Us (On Going)
AcakKhyssa Solane Karssev - a famous, gorgeous, the future heir of the Karssev's and a first year college from Vurtizé University; who just want to meet her childhood friend again but she didn't know that wanting to reunite with her childhood friend wil...