ONESHOT

3 2 0
                                    


Disclaimer: The names of people, places, and events in this story are purely fictional and bear no relation to real-life individuals, locations, or occurrences. Any resemblance to actual persons, living or deceased, or real events is purely coincidental. This story's sole purpose is to provide entertainment to readers.



Huling semester na ng college, at ang excitement ay mararamdaman mo sa hangin, kaliwat-kanan na ang cramming ng mga studyante, may mga nagsesecure na ng future jobs at marami pang iba. Josh Ramos, a twenty-four-year-old tourism student at St. Therese University, isang masipag na studyante dahil pinagsasabay nya ang kanyang studies at part-time job malapit sa kanyang campus. Jeffrey San Jose a 23-year-old student, Spencer Clyde, at Klint Johnson same age as Josh, at si Justin Diaz na kapareho ng edad kay Jeff.

Josh: "Pare, ready ka na ba para sa tour natin? Kinakabahan ako pero excited din, bro!"

Jeff: laughs "Alam mo naman ako, lagi lang chill! Pero medyo kinakabahan din, lalo na 'yung idea na papasok tayo sa gubat na 'di pa natin napupuntahan. Anong dala mo?"

Josh: "Well, syempre 'yung essentials. May pagkain, tubig, at power bank para sa cellphone. Ikaw naman? Baka naman cellphone lang yan!"

Jeff: "Ano ka ba! May dalang flashlight at extra battery naman ako. Ayoko ring magka aberya habang nasa loob tayo ng gubat! By the way, kumusta mga kasama natin? Mukhang excited rin sina Justin, Klint at Spencer ah."

Josh: "Oo, silang tatlo pa! Kanina pa nga nagpaplano ng mga kung anu-anong shots para sa documentary. Parang sila 'yung tour guide kaysa tayo."

Jeff: smirks "Tayo pa ba? Kung ano mang mangyari, kami pa rin ang bida ng trip na 'to. Alam mo naman ang teamwork natin, bro!"

Josh: nods "Oo nga, team tayo. Pero sana walang horror-horror na ganap ha! Wala tayong gagawin kung 'di tumakbo kung sakali. Kaya ayusin mo yang flashlight mo ha!"

Jeff: grins "Naks naman! Natatakot ka na agad? Wag ka mag-alala, bro. Basta ikaw, bahala tayo sa isa't isa. Kung may mangyari, hatak tayo palabas agad!"

Josh: smiling "Deal! Team tayo hanggang dulo! Let's make this tour memorable... in a good way, sana."

Sina Josh, Klint, Jeff, Spencer, at Justin ang naatasang maging magkakagrupo para sa kanilang final project, at ramdam na ramdam ang excitement sa kanilang mga mukha. Alam nilang malapit na silang maghiwa-hiwalay ng landas matapos ang graduation, kaya't sinasamantala nila ang bawat sandali na magkakasama pa sila.

"Mr. Josh Ramos come to my office and I will give you the guidelines for your final project" -sabi ng kanilang Professor.

Ang huling proyektong nakatalaga sa kanila ay isang documentary film tungkol sa isang kagubatang iilan pa lamang ang nakakatuklas. Ayon sa alamat, may misteryosong pangyayari sa loob ng kagubatan na kanilang tutuklasin. Ngunit sa gitna ng kanilang masayang usapan at pagplano, wala silang ideya sa dilim na naghihintay sa kanila sa pusod ng kagubatan.

Josh: "Grabe, mga pare, parang kahapon lang, di ba? Ngayon, eto na tayo sa huling project natin."

Klint: "Oo nga eh! Kaya gawin na nating memorable 'to! Kung tutuusin, ito na ang chance natin na talagang mag-enjoy bago tayo magkanya-kanyang buhay."

Jeff: nakangiti "Saka matagal na rin natin pinapangarap na magkaroon ng project na ganito ka-exciting, 'di ba? Iba rin 'tong adventure natin, lalo na't tayo-tayo pa ang magkakasama."

Spencer: nagpabiro "Huwag na lang sana tayo maligaw sa gubat, baka 'di na tayo makalabas!"

Justin: natawa "Alam mo, feeling ko may magka-horror na vibes 'tong trip na 'to eh. Pero basta magkasama tayo, walang iwanan!"

At sa halakhakan at pangako sa isa't isa, tumulak na sila sa kanilang final project, punong-puno ng excitement at pangarap.

Nakarating na sila sa isla gamit ang banka dahil malayo-layo rin ito sa karatig na lugar at mga nayon. Paghakbang palang ay may nararamdaman nang kaunting kaba, pero mas malaki ang kanilang pananabik. Nagsimula na sila sa kanilang gagawin at matapos ang ilang oras ng paglalakad at pagkuha ng video, nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan. Lumikha ito ng maputik at madulas na daan, dahilan upang hindi sila makababalik pa sa kanilang mga tent. Agad nilang napagtanto na malayo nga sila sa kanilang mga tent at wala silang ibang pagpipilian kundi maghanap ng silungan na tanging cellphone at camera lang ang dala sapagkat nasa loob ng tent ang kanilang mga gamit.

"Guys, doon tayo! May kuweba!" sigaw ni Justin, tinuturo ang isang maliit na kuweba sa gilid ng isang bangin. Tumakbo silang lima papasok, umaasang saglit lang ang ulan.

Habang papasok sa kuweba, ang dilim at lamig ay tila dumidiin sa kanilang balat. Wala silang kamalay-malay na ang kanilang silungan ay ang tirahan ng isang hindi matahimik na kaluluwa—si Maria.

Pagdating sa loob, naramdaman agad ni Josh ang kakaibang lamig sa paligid.
"Bro, kakaiba 'to. Parang... may nanonood sa atin," bulong niya kay Klint habang inaayos ang basang jacket.

"Relax ka lang, Josh. Baka nag-overthink ka lang," sagot ni Klint, pilit na pinapakalma ang sarili.

Ngunit nagbago ang kanilang pananaw nang marinig nila ang mahihinang tunog ng sapatos na tila may naglalakad sa kalaliman ng lagusan. Nagkatinginan silang lima, pero hindi nila kayang lisanin ang kuweba habang bumubuhos ang ulan.

"Ano 'to, may ibang tao ba dito?" tanong ni Spencer, habang pilit na sumisilip sa dilim gamit ang flashlight ng cellphone niya, napansin nilang may iba't ibang daan sa loob ng kuweba—malalalim na daanan na tila hinihikayat silang pumasok. Ang mga matang malikot at ang pagiging mausisa ang nagdala sa kanilang limang magkakaibigan na lumalim pa sa kuweba.

Habang naglalakad, naramdaman nila ang bigat ng katahimikan, para bang may nakabantay sa kanila.

"May nararamdaman ba kayong kakaiba?" bulong ni Jeff, hawak ang kanyang cellphone bilang tanging ilaw.

"Tuloy na lang natin... baka imahinasyon lang natin 'to," sagot ni Josh, pilit pinapalakas ang loob ng mga kasama.

Pero habang tumatagal, parang sumisikip ang kanilang hininga sa takot.

Sa patuloy nilang pag-explore sa kuweba, nagsimulang makakita ng mga kakaibang marka si Justin sa mga pader: mga ukit ng kamay, mga simbolo, at mga pangalan—kasama ang "Maria." Habang sinasalat niya ang mga ukit, naramdaman niya ang malamig na hangin na tila dumampi sa kanyang leeg.

"Justin, ano yan?" tanong ni Jeff, na napansin ang pamumutla ni Justin.

"Parang... mga pangalan 'to ng mga nawala rito dati," sagot ni Justin, nanginginig.

Hindi nila namalayan na palalim sila nang palalim sa kuweba, na tila tinatawag sila ng isang hindi nakikitang lakas. Bigla na lang silang nagulat nang may narinig silang tunog ng isang batang umiiyak, mabagal at malungkot na nag-e-echo sa madilim na kuweba.

"P-pero bata ba 'yon?" tanong ni Spencer, kita ang takot sa kanyang mga mata.

Biglang may narinig silang mabagal na yabag. Sa paglingon nila, isang aninong babae ang nakatayo sa di-kalayuan, mabagal na lumalapit. Hindi nagtagal, namukhaan nila ang misteryosong anyo—si Maria, ang babaeng itinakwil at isinumpa noon pa man. Ayon sa alamat, siya ay isang babaeng ipinagkanulo at iniwan sa kuweba ng mga taong bayan upang maging alay at bigyan sila ng masaganang ani. Hanggang sa kanyang huling hininga, nag-aalab ang kanyang galit at sinumpa ang kahit sino mang papasok sa kanyang teritoryo.

"Ayoko na, alis na tayo dito!" sigaw ni Justin, sabay takbo palabas, pero natagpuan nilang wala na silang daan pabalik. Sa takot, nagkahiwa-hiwalay silang lima, nagtatakbuhan sa dilim, bawat isa ay may tanging ilaw mula sa kanilang cellphone.

"Josh! Nasaan kayo?" sigaw ni Klint at Spencer mula sa kabilang daan. Ngunit walang sumagot. Habang nagkakagulo sa loob ng kuweba, nagdesisyon sina Klint at Spencer na magpatuloy sa paghanap ng daan palabas. Ngunit sa gitna ng kanilang paglalakad, bigla silang napunta sa isang lagusan na tila paikot-ikot lang. Ang bawat hakbang ay nauulit at tila wala silang nararating.

"Pare, parang kanina pa tayo paikot dito," reklamo ni Klint habang sinusubukang kumalma.

"Walang kwenta 'to. Dapat kasi bumalik na lang tayo," sagot ni Spencer, habang pakiramdam niya'y palapit nang palapit ang madilim na mga anino sa paligid.

Biglang nagdilim ang paligid, at ang tanging liwanag na naiwan ay ang kanilang cellphone flashlight. Tila may gumalaw sa kanilang likuran, at nang lingunin nila, isang puting anino ang nakatayo sa dilim, nakatingin sa kanila ng may galit.

Samantala, si Jeff naman ay walang takot na tinawag ang pangalan ni Maria, iniisip na baka isang alamat lang ang kwento tungkol sa sumpa ng kuweba.

"Ano ka ngayon, Maria? Totoo ka ba?" ang sigaw ni Jeff, habang nag-e-echo ang kanyang boses sa loob ng kuweba.

Mali ang kanyang ginawa. Ang pagbanggit ng pangalan ni Maria ay nagpalakas ng presensya ng sumpa sa loob ng kuweba. Biglang naramdaman niya ang malamig na hangin sa kanyang likuran. Hindi siya makakilos, na parang may hindi nakikitang pwersa na pumipigil sa kanya. Sa takot, nagmamadali siyang tumakbo, ngunit ang mga tunog ng naglalakad na yapak ay tila sumusunod sa bawat hakbang niya.

Si Justin, sa takot, ay nakarinig ng mabagal na paghinga sa kanyang likuran. Nang lumingon siya, wala siyang nakita, ngunit naramdaman niyang tila may mainit na hangin na sumasampal sa kanyang pisngi. Sa isang iglap, isang malamig na kamay ang biglang yumakap sa kanya mula sa likod.

"Hindi kita... iiwan..." ang bulong sa kanyang tainga, na may pamilyar na malungkot na boses.

Nagsimula siyang mag-panic at pilit na nagpumiglas, ngunit ang yakap ng di-nakikitang presensya ay lalong humigpit hanggang sa hindi na siya makahinga. Hindi na siya makagalaw, at nang muling dumilat ang kanyang mga mata, nakita niyang siya'y nag-iisa sa isang madilim na sulok ng kuweba.

Si Josh sa kabilang banda matapos ang ilang oras ng pagtakbo at paglalakad sa dilim, natagpuan ni Josh ang kanyang sarili sa isang malaking silid sa kalaliman ng kuweba. Sa harap niya, nakita niya ang isang lumang altar na puno ng mga kandila at mga bungo. Sa gitna ng altar ay ang imahe ni Maria, nakatayo na parang naghihintay sa kanyang pagdating.

"P-please, huwag po..." ang nanginginig niyang boses, habang siya'y lumuhod sa takot.

Ngunit sa isang saglit, ang imahe ni Maria ay biglang gumalaw, ang kanyang mga mata ay nagliwanag sa galit at poot. Lumapit siya kay Josh, at sa bawat hakbang, naramdaman ni Josh na tila lumulubog siya sa malamig at mabahong lupa.

Makalipas an ilang araw dumating ang mga rescuer kasama ang kanilang mga pamilya. Natagpuan nila si Josh sa isang sulok ng kuweba, nanginginig at walang imik, ang kanyang mga mata'y walang kislap at tila nakatitig lamang sa kawalan. Sa kanyang mga braso, may mga marka ng kuko at kamay, patunay sa bangungot na dinanas niya.

Nang tinanong siya kung nasaan ang kanyang mga kaibigan, hindi siya sumagot. Sa halip, patuloy lang siyang nakatitig sa loob ng kuweba, na tila natatakot sa maaaring muling paglabas ni Maria. Ang kuweba'y muling nanahimik, pero ang kwento ng sumpa ay nagpatuloy, naghihintay sa susunod na magtatangkang pumasok at magambala ang diwang matagal nang nananahan doon.

Tanging si Josh lamang ang nakita ng mga rescuer at hindi na nila mahanap pa ang kanyang mga kaibigan na tila ba'y habang buhay nang nakakulong sa pagkarami-raming daanan sa loob ng kuweba. May mga naririnig silang maliliit na sigaw na pawala-wala sa kalaliman nito ngunit hindi na ito kaya pang suungin ng mga rescuer sapagkat napakalalim ng butas na hindi nila alam kung bakit may ganoon doon. Sa paglabas ni Josh nakita nya ang mga sulat sa ding-ding na minsan na ring nakita ni Justin bago sila pumasok roon at ngayo'y kasama na ang pangalan ng kanyang mga kaibigan.

Ang kani-kanilang pamilya ay nagpupumiglas na sila ang papasok sa loob ngunit hindi ito pinayagan ng mga awtoridad sapagkat baka mapahamak ang kanilang mga buhay at tanging hagugol at sigawan ang maririnig sa labas ng kuweba sapagkat hindi na nila pang muli makikita ang kanilang mga anak at kapatid.

Mula noon, walang sinuman ang nangahas na muling pumasok sa kuweba at linagyan na ito ng harang upang wala ng magtangkang pumasok dito. Ngunit sa tuwing may malamig na hangin na nagmumula mula sa loob nito, tila naririnig ang mahihinang bulong at sigaw ng mga nawalang kaluluwa, kasama ang sumpang dala ni Maria.

-end

🎉 Tapos mo nang basahin ang THE UNTOLD STORY OF MARIA AND THE CURSED CAVE 🎉
THE UNTOLD STORY OF MARIA AND THE CURSED CAVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon