“NO,” i firmly said. This is the fourth time that they asked me to lend my notes to them. Can't they write their notes? I mean, they have hands for them to write.
Kong sumulat lang sana sila ng maaga ay wala na silang gagawin ngayon. Inatupag ba naman ang pag-cellphone. Ang iba parang nag-bakasyon na dahil sa pumapasok lang ng isang araw sa isang buwan, lalong-lalo na iyong mga lalaki.
Dapat nagsisipag silang mag-aral. Pagraduate na kami sa susunod na taon, wala bang pag-asa na magbago pa sila?
Wala ba silang pangarap sa buhay? Kasi sinisira nila iyong kinabukasan nila.
Alam ko namang mahirap mag-aral lalo na kapag may mga taong inaasahan ka na maging katulad ni ganito si gan'yan. Kong matitiis naman ay hayaan na lang, kasi ikaw naman ang nag-aaral hindi sila. Pero hindi ibig sabihin na pini-pressure ka ng magulang mo o kong sinong tao ay mawawalan kana ng kumpiyansa.
Tandaan natin na tayo ang gumagawa nang sarili nating mga pangarap sa buhay. Tayo ang gumagawa ng magiging hinaharap natin.
Kaya kong sasayangin lang nila ang kanilang pag-aaral ay kawawa sila sa hinaharap. Mahirap pa naman maghanap nang trabaho ngayon kapag hindi ka nakapag tapos nang pag-aaral. May mga requirements kasing dapat na sagutan at kapag hindi ka kuwalipikado ay hindi ka matatanggap sa trabahong gusto mo pasukan.
“Dali na, mamayang hapon na kasi ipapasa 'yan e. Tapos magpapa-long quiz pa si ma'am Dazel, I'll pay you naman pagkatapos.”
Tinaasan ko ng isang kilay itong babaeng nasa harapan ko, akala niya ba madadala ako sa pera niya? Porque mayaman siya ay magagawa na niyang makuha lahat-lahat. Ibahin niya kamo ako sa mga taong binabayaran niya para umangat siya at tingalain ng mga tao.
Kasama rin siya n'ong mga lalaking tinutukoy ko. Magbabakasyon ng ilang weeks tapos kapag bumalik ay isang beses lang papasok? Saan nakalagay ang utak nila?
Noon pa ako naiirita sa kanilang mga mayayaman. Ang baba ng pagtingin nila sa mga mahihirap na katulad namin. Maglalabas ng pera para utosan kaming mga mahihirap na gawin ang mga dapat nilang gawin.
Gagawin pa akong bayaran e.
Magsasalita pa sana itong babae na nasa harapan ko ng biglang tumunog ang bell, hudyat na iyon para sa recess naming mga senior high.
Nagpakawala ito ng mura bago ito umalis sa harapan ko. Ano ba ang dapat kong gawin? Alangan namang sundin ko siya na parang siya ang reyna.
Ayaw kong tinatapak-tapakan lang pagkatao ko, lalo na kong mga mayaman ang tumatapak sa'kin.
They can never make me do things that I don't like. I will always decline to what things they could offer to me. After all, earning money from doing good things is the best. You can even help people genuinely.
Hindi katulad sa pagtatrabaho sa mga mukhang pera na mga mayayaman na ang gusto lang ay kasakiman at kapangyarihan. Madadamay ka pa sa mga masasamang gawain nila kasi sumunod ka sa anumang utos nila.
Alam kong mahirap kalabanin ang mayaman kasi pera lang ang katapat ng ibang mahihirap na tao riyan. Lalo na ang mga police at abogadong binabayaran para manalo sila sa isang kaso. Nawawalan tuloy ng pag-asa at hustisya iyong mga pamilyang nangungulila sa kanilang mga anak.
I blinked, pulling myself out of my thoughts when someone screamed my name like their life depended on it.
What is it this time?
Is it another troublemaker again causing a scene? A riot? Or something that could be even worse than that?
“Si Atticus nandito! Hinahanap ka!”
I swear, a heat crawled up my cheeks when my classmate said his name.
He's looking for me? Why though? I didn't remember him owing me something, or neither did I.
Is he visiting me?
No, don't assume things!
Ilang weeks na rin ang nakalipas ng inimbita ko siya sa bahay namin. Iyon din ang araw na naging kamatis ang kulay ng maputlang-puti kong balat. Kahit ngayon kapag naaalala ko iyon ay nahihiya ako sa sarili ko.
Habang tumatagal din ay mas lalo akong nalilito sa mga inaakto ko kapag nariyan siya. Kakaiba rin ang tibok nang puso ko. At nitong nakalipas na araw ay napapanaginipan ko siya, kong minsan naman ay bigla na lang mag-fa-flash ang mukha niyang nakangiti. Hindi ko na maintindihan itong sarili ko.
Tumango na lang ako kay Drew at nag-thumbs naman ito sa'kin bago winasiwas ang kaniyang kamay para papasukin ang taong naghahanap sa'kin. Tumingin ako sa gawi ng pintoan bago umiwas nang tingin at binalingan na lamang nang atensiyon itong notes kong nire-review kanina pa.
1 to 60 kasi mamayang hapon ang long quiz namin. Kong minsan nga ay may mas malala pa d'yan—umaabot pa ng 100, kahit kasi hindi kasama sa nai-lesson ay babanggitin pa rin 'yan sa long quiz ninyo.
Hindi naman sa nagrereklamo ako. Pero baka puwede namang hanggang 40 lang o kaya ay 50. Wala namang masama kong babawasan e.
Saka ang dami kaya ng naka kakuha ng mga mababang puntos sa long quiz, iilan lang naman ang pasado kaya kong minsan ay disappointed sa'min ang ibang teacher.
“Hey... Are you busy?” rinig kong tanong niya, hindi ako umangat ng tingin at baka mamula na naman ako katulad noong nakaraang mga week. Ayaw ko nang mangyari 'yon.
Tumango ako bilang sagot. Dapat matakasan ko itong nag-de-develop na feelings ko sa kaniya o kong ano pa man ang tawag dito sa nararamdaman ko sa kaniya. Kong hindi ko 'to matatakasan ay ako lang naman sa huli ang masasaktan.
Madami pa naman ang fan girls niya dito sa campus, baka bigla akong dumogin at abangan sa gate.
“Kain sana tayo sa canteen, libre ko.” dagdag pa nito. Narinig ko ang yapak nang sapatos nito na papaalis sa puwestong kinatatayuan niya.
Ang akala ko ay aalis na siya nang biglang may upoan na ilinagay sa tabi ko at naupo naman siya ro'n. Kaya ngayon ay magkatabi na kami. Nakikita ko lang siya sa peripheral vision ko at muntik na akong mabulonan dahil sa ilang metro na lang ang pagitan ng mukha namin.
Lumunok ako at napansin niya naman iyon dahil sa may nilabas siyang Chuckie at pinatong 'yon sa ibabaw ng mesa ko—sa may gawing kanan, malayo sa mga papel na puwedeng mabasa nito kapag binuksan ko na ang inumin na 'yon.
“Long quiz?” tanong niya.
“Yes,” maikli ko namang sagot sa kaniya.
May bakanteng oras kami ngayong umaga, pinalitan na kasi ang schedule ng ibang mga subject namin. Kapag natapos na ako sa pag-re-review ay gagawa ako nang character illustrations at book covers para may maipon na naman akong pera sa taon na ito.
Para may pang gastos din araw-araw o kaya pang gastos kong saka-sakali man na may emergency problem.
Nagmistulang estatwa ang katawan ko ng magdampi ang pisnge naming dalawa. Alam kong ramdam na niya ang init ng pisnge ko dahil sa bahagya niyang paghalakhak, nagdulot iyon ng reaksiyon o pakiramdam na ngayon ko lamang naramdaman.
Ang makilig.
It might sound childish and cringe but, I feel like I'm going to explode with sugar-rush feelings right now.
“You're cute, don't you know that?” he muttered. Making me even more flustered.
“N-No, I'm not...” i responded.
“Hmm, yes you are. I find you attractive.” he softly said. He even leaned closer to me, nuzzling his cheeks to mine. I feel like it was just the two of us inside the room right now. “The way your meadow green eyes held so many emotions behind them makes me want to see through you. Your intimidating eyes made me weak in the knees every time we made eye contact. I'm going feral because of you...”
“You’re so gorgeous. I can praise you forever, my peu d'amour,” he added. I suddenly felt his hand on mine, intertwining our fingers and he caressed the back of my hand with his thumb.
How am 'I supposed to avoid these feelings inside of me when he's the one who's making me feel this way? I can't even tell if he's playing with me or not.
You confused me, Rhenzley!
YOU ARE READING
Scars Of Yesterday's Drama
RomanceScars may not be deep, but they still hurt us. Yes, we can hide it for all who knows how long it can be, but we know that the scars will reveal itself. We heal, move on, and we'll just think of it as yesterday's drama.