CHAPTER 23

14 8 0
                                    

3rd PERSON POV.

Madaling araw na ng biglang nagising si Ziane dahil sa lakas ng kulog at kidlat, natakot ito dahil isa -isang nagbalikan ang alaala niya nung araw na lumubog ang barkong sinasakyan nila ng kanyang mga magulang noong siya ay bata pa.

Tumayo siya at nagpunta sa gilid ng kama at sumiksik ito sa pinakasulok habang nanginginig na nakatakip ang mga kamay nito sa dalawang tenga niya, nang medyo humina na ang ulan at kumalma na ang kalangitan ay nag tungo siya sa loob ng C.R na lutang pa din, nag kalkal siya sa drawer na para bang may hinahanap, nang matapos na ito sa paghahanap ay may kinuha siya sa isang drawer, inilabas niya ito at pinagmasdan niya mabuti ang cutter na hawak-hawak niya habang nanginginig pa din ang kamay.

"Ayoko na po, hindi ko na kaya! mommy, daddy sorry po, sasama na ko sa inyo." Bulong nito sa kanyang sarili habang inislide ang cutter at itinutok sa kanyang palapulsuan. Hiniwa niya ito ng paulit-ulit kahit sobrang nasasaktan na siya, maya-maya lang ay natumba na siya at umagos ang mga dugo nito galing sa palapulsuan niya.

Red POV.

Pag gising ko ay agad akong nag ayos sa sarili ko at nag tungo na sa kwarto ni Ziane, kumatok ako pero walang nag bubukas, siguro tulog pa to.

*tok tok tok.*" Pag bukas ko ng pinto ay wala si Ziane sa higaan niya, hinanap ko siya sa veranda pero wala siya, ah baka nasa C.R lang yun, nag tungo ako sa CR at nakita ko siya don na nakahiga, naliligo sa kanyang sariling dugo. Nataranta naman ako dahil sa nakita ko, Sh*t Ziane.

"MANANGGGG!!!" tumakbo ako sa may pinto at tinawag si manang, nag madali naman itong umayat.

"Bakit ijo,"

"Manang si Ziane, nag suicide, dali tawagan mo sila mommy at ang pamilya niya, dadalhin ko siya sa hospital." Nag mamadaling kinuha ni manang ang kanyang phone at tinawagan lahat ng kanyang tatawagan.

Itinali ko ang palapulsuan ni Ziane ng bimpo at tsaka siya binuhat.

"Manang tara na po." sumunod si manang at naunang pumasok sa sasakyan, inihiga ko si Ziane para ma alalayan ni manang ito at nag tungo na sa driver seat, pinaharurot ko agad ang sasakyan ko pa punta sa hospital ng tita ko.

Pagdating namin don ay agad na sinalubong kami ni tita, kinuha nila si Ziane at diniretcho sa operating sabi. room.

"Tita please save them, save my wife." naiiyak kong sabi.

"Ano bang nangyari red?" Nag datingan naman ang mga pamilya namin.

"Ano nangyari?" pambungad na tanong ni Jess.

"Hindi ko alam, basta pag punta ko sa kwarto niya,  wala siya sa kama niya kaya hinanap ko agad siya tas nakita ko siya sa C.R nakahiga punong-puno ng dugo, hawak pa niya yung cutter."

"Omaygad, di ba sabi ko sayo wag mong iiwan si Ziane, nagiging emosyonal siya at minsan nakakapag triggered sa kanya yun para mag suicide siya lalo na kapag may history pa siya ng traumatic." paliwanag ni tita sa akin.

"Nilipat ko siya ng kwarto tita, kasi natatakot pa siya sa akin eh, ayoko naman na hindi maging kumportable si Ziane,"

"Naiintindihan kita."

"Ah excuse po ma'am tatanong ko lang sana kung meron po ba siyang history ng traumatic before? tanong ni tita sa mama ni Ziane.

"Yes, she have. Nakita lang namin si Ziane sa probinsya namin, sa gilid ng dagat, Dinala namin siya sa  dito sa manila para ipagamot kasi sabi sa hospital na pinagdalhan namin sa probinsya, comatose daw siya." Nagulat ako sa sinabi ng mama niya, So all this time hindi niya anak si Ziane?

"lIang buwang comatose si Ziane, pero after ng ilang months nagising din siya, wala siyang maalala, hinanap namin ang mga kamag anak niya pero mukhang tourist lang ata siya sa bansa natin. Wala kaming choice kaya kinupkup namin siya, tinuring na sariling amin, nung una hindi siya nagsasalita, akala namin pipi siya, pero yung nagsalita siya hindi namin maintindihan kasi korean ang language niya, buti na lang kahit pano marunong siya mag english, isang gabi habang tulog sila ni Jess nakita namin na parang nananaginip siya, lagi niyang tinatawag ang mommy niya at daddy niya, akala namin yung gabi lang yun, pero na ulit yun na halos gabi-gabi niyang napapanaginipan yun, tinanong namin siya kung ano yung napapanaginipan nya, buti na nga lang magaling ang doctor niya at na ikwento niya samin.

Sabi ng doctor niya napapanaginipan niya daw yung aksidente na nangyari sa kanya, lumubog daw yung barko na sinasakyan nila, takot din si Ziane sa malakas na ulan, kidlat at kulog, yun daw kasi ang dahilan kung bakit lumubog ang barko, sabi ni Ziane sa amin kaya sa tuwing uulan na may kidlat at kulog, lagi namin siyang sinasamahan kasi takot na takot siya." Natulala naman ako sa mahabang kwento ng mama niya.

"sh*t, kaninang madaling araw malakas ang ulan at may pag kulog at kidłat pang kasama."

"Kaya siguro nagawa niya yun." sabi ni tita at nag paalam na sa amin para puntahan ang asawa ko.

llang oras pa kami nag antay hanggang sa sinabihan na kami ng nurse na nasa room na dawsi Ziane, pinuntahan namin siya doon sa dating room niya nung unang na confine siya dito, pag pasok nmin ay siyang ikinabigla nəmin, ang daming nakadikit at nakasaksak sa katawan niya, ang daming machine.

"Tita ano to?" nagtatakang tanong ko.

"Red, i'm sorry, comatose ang asawa mo ngayon, ang daming dugong nawala sa kanya, buti na lang at may mga stock kami, hindi niya kinaya nung una, buti na revive namin siya, kaya lang comatose siya." Hindi ko napigilan at pumatak ang mga luha ko, nakita kung lumapit ang pamilya niya kay Ziane, pati sila umiiyak din.

"What about her baby doc?" tanong ni Jess.

"Oh about her baby, Ok ang baby niya, lumalaban ang bata, mukhang ayaw niyang iwan ang mommy niya."

Nang mag gabi na ay nag paalam na ang mga magulang ko pati ang pamilya ni Ziane, bibisita na lang  daw ulit sila bukas, nag punta ako sa tabi niya, hinawakan ko ang kamay niya at kinausap ko siya, sabi kasi ni tita maririnig niya ako, makakatulong daw yun baka sakaling magising siya, kaya lang hindi pa din siya gumigising, mala mmk na nga ang kwento ko di pa din siya nagigising, namalayan ko na lang na inantok na ko at nakatulog sa gilid niya.

Dean POV.

Nandito kami ngayon sa tabi ng kwarto ni Ziane, pinapanuod namin kung anong nangyayari sa kwarto niya, nag panggap pang may sakit si Jake para makapag stay dito sa kwartong ito, tinawagan ko kasi agad si Jonathan at Jake ng malaman kung nag suicide si Ziane,. Alam na din namin kung anong nangyari dahil sa audio device na nakakabit sa hikaw ni Ziane.

"Hindi na talaga ako papayag na hindi natin siya makuha'" kasalukuyan kasi kaming nagpaplano para kunin na si Ziane, tinawagan na din namin yung private plane nila, ready na din ang mga nurse, kami na lang inaantay.

"Relax lang" pagpapakalma ko sa kapatid ni Ziane, kanina pa kasi niya gustong sumugod kay Red, pinigilan lang namin baka mapatay niya eh.

Nang mag gabi na ay nag si alisan na ang mga pamilya nila, na iwan si Red at nag punta sa tabi ni Ziane, nag kwe-kwento siya ng kung ano-ano hanggang sa  makatulog na lang ito. Nag pahinga na din sila Jake at Jonathan ako na lang ang gising sa aming tatlo.

"Malapit na Ziane, kukunin ka na namin."

Seducing Mr. Red COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon