Narinig ko yung huni ng mga ibon sa labas ng bahay habang nakatingin ako sa papalubog na araw. Pinikit ko ang aking mga mata saka pinakinggan ang alon ng dagat habang nakahawak ako sa tiyan ko. Bumuntong-hininga ako nang damhin ang sakit sa may tiyan.
Tatlong araw na palaging sumasakit ang tiyan ko. Natitiis ko naman dahil pagpumadyak ang sakit ay nawawala din. Gusto nga akong dalhin ni Leighton sa ospital pero ang sabi ko sa kanya ay hindi pa ako manganganak. Nag-aalala siya at minura pa ang doktor ko sa syudad dahil nagsinungaling sa due date ko. Pinitik ko nalang yung bibig nung tao na yun kasi naninisi pa ng iba.
Alam ko na hindi hundred percent sure yung mga doktor sa date ng panganganak. Kagaya nalang nitong sa akin. Hindi ko pa due date pero simula noong umapak ang pang-siyam na buwan ko ay humihilab na ang tiyan ko.
Kaya kada umaga, pasikat palang ang araw ay nasa labas na kami ni Leighton. Ginigising ko siya para samahan akong maglakad sa dalampasigan. Walking was also the best exercise for pregnant women para hindi mahirapan sa panganganak at mabuti din na naarawan ang baby—yung pang-umagang araw, yung hindi mainit pa para daw madaling dumilat ang baby—sabi ng mga nakakatanda.
Narinig ko yung pagbukas at pagsara ng pinto ng kwarto. Iminulat ko ang aking mga mata saka lumingon sa taong pumasok.
Napangiti ako nang makita si Leighton na may hawak na puting plastic.
"Ano yan?" tanong ko sabay turo sa dala niya.
Unang reaksyon na natanggap ko sa kanya ay yung pagkibit-balikat niya. "I don't know. Farren gave this to me and she said you'll love this because these are also your favorites."
"Si Farren ang bumili niyan?"
"Yeah. She bought this at the small restaurant nearby."
Kararating din ni Leighton galing sa bayan kasi naggrocery siya para daw mayroon siyang pakinabang sa bahay na'to. Hindi ko alam kung ano yung mga binili niya. At sana hindi siya masyadong gumastos ng malaki kasi kukurutin ako ni Farren kapag malaman niya na gumastos ng lampas bente mil yung gastos ni Leighton sa paggrocery. Nakakahiya daw kasi sabi ni Farren.
Sa akin okay lang kasi pero naman yun ni Leighton. Hindi ko siya pinapakialaman sa gusto niya kasi desisyon niya naman yun. At syempre may pera siya na gusto niyang igastos kaya okay lang na gumastos siya sa gusto niya basta hindi lang ulit mapuno yung bahay ng mga kung ano-ano, okay lang yun.
Pinakita niya sa'kin yung binili ni Farren. Napangiti naman ako nang makita yung Biko. Marahan akong tumayo. Tinulungan naman niya agad ako na makatayo.
"Where are you going? May kukunin ka ba? Do you want me to get you a plate?"
"Sa kusina ako. Doon nalang ako kakain. Baka langgamin tayo dito mamaya." sabi ko at naalala yung mga gabing nilanggam kami dahil kumain ako dito sa kwarto kaya hindi ko na yun uulitin. Masyadong makati yung kagat nun.
"Okay. Just be careful baby."
Inalalayan niya akong makababa papunta sa kusina. Pagdating namin doon ay naabutan namin yung maglola na nasa kusina din at nagmemeryinda. Napatingin sa amin si lola Aneng. Nakasuot siya ng salamin niya.
"Sino ito? Bakit may lalaki dito sa bahay?" tanong niya sa apo kay Leighton na hinihiwaan siya ng Biko.
"Asawa yan ni Santi, lola. Oh hala kumain na po kayo. Gusto niyo bang manuod ng TV mamaya pagkatapos o di kaya maglakad doon sa tabi ng dagat?"
"Manunuod nalang ako ng TV. Baka malunod pa ako."
Napangisi si Farren sa sagot ng lola niya. "Hindi ka malulunod dahil sa tabi lang tayo maglalakad. Pang-exercise mo na yun."

BINABASA MO ANG
Leighton (18+)
Romance(Billion Dollar Men Series V) Bilang panganay sa limang magkakapatid, ang unang pumasok sa isip ni Santi ay pumasok agad sa trabaho. Nang wala na silang mga magulang na magsusuporta sa kanila ay si Santi na ang tumayong breadwinner para sa pamilya n...