Chapter 23
Tila nakahinga ako noong sa wakas ay maapproved ang TOS at Test questionnaires ko. Matapos noon ay dumiretso na iyon sa principal office. Halos 1 week before the exam at preparation at pagkatapos noon ay nakarating na sa amin ang mga actual test questionnaires. Xerox copy iyon ng copy na ipinasa namin at kung ilan.
Bale may dalawang section iyon at 4-5 pages lang ang allowed sa amin pagdating sa test questionnaires. Buti na lang at kinaya naman ng 4 pages sa akin.
Dahil busy na ay ako na mismo ang nagstapler ng bawat test papers. Busy lahat lalo na at kailangan talaga ready na siya sa susunod na araw.
Ako na ang pinagbantay ng CT ko sa pagtitake ng exam ng mga bata. Medyo nakakaboring kasi kailangan mo sila bantayan sa lahat ng oras. Iyong tipong palakad-lakad ka at kailangan na nakafocus ka dahil dumaan ka naman sa pagiging estudyante kaya alam ko galawan tuwing may exam.
Ang pagkakaiba nga lang dati isa akong batang pasaway na binabantayan ngayon ako na ang nagbabantay sa kanila.
After ng exam day ay busy ako magcheck buong weekend. Magcheck ng test papers nila tapos dagdag mo pa na kailangan ayos na ang nasa records ko maging ang pag-iitem analysis. Dati kami pinapagawa noon ngayon nagmano-mano na ako dahil kailangan na naman namin humabol sa susunod na quarter sa lunes.
Pagkalunes naman ay nagpa-pre test muna ako. Busy pa ako lalo na at may mga forms pa na kailangan ipasa at nawiwindang ang kaluluwa ko dahil wala akong ideya sa ibang school forms. May evaluation at kung ano-ano pa na kahit ako hindi ko alam dahil hindi iyon namention sa amin.
Dumiretso ako sa office nina sir noong vacant ko at nagpaalam naman ako sa CT ko. Pagkarating ko ay dalawa lang sila sa faculty room. Busy ang kasama niya habang siya nakamasid lang sa pagpasok ko.
"Good afternoon po. Busy ka, sir?" tanong ko dahil may kailangan ako.
"Not really."
Napa-angat ng tingin ang isang teacher sa tabi.
"Not busy, sir Miah ah?" Tila nang-aasar nitong tanong kay sir. "I see." Tumango-tango pa ito na akala mo hindi kumbinsido sa nakikita.
"Good afternoon po." Pagbati ko akala ko ay hindi niya ako papansinin pero ngumiti siya sa akin ng tipid.
"Good afternoon, sir." Pagbati niya pabalik.
"What do you need, sir Palm?" Napalingon ako kay sir Miah at kaagad na lumapit sa desk niya at inilapag ko ang isang index card.
"I need help. How can I able to find the range, mean, median. MPS and MPL ata papatay sa akin, sir. Hindi ko ito alam."
Kumuha siya ng upuan at itinabi niya iyon sa desk niya saka binuksan ang laptop niya. Ako naman ay naupo na. Kailangan na kailangan ko na talaga dahil hinihingi na sa akin ng CT ko. Dito mo makikita if effective nga ba talaga o saan umabot proficiency level every section. Since automated naman na siya may iilan na lang talaga na kailangan ko malaman kung saan nakuha dahil wala nga akong ideya.
Buti na lang at nandito si sir.
"Got it?"
Tumango ako sa mga isinulat niya sa index card na dala ko.
"Salamat, sir. Una na ako. Need ko matapos now eh."
Tumango lang siya saka ako inabutan ng chocolate bar.
"You can do it. Chat me if may hindi ka pa maintidihan."
Tumango ako bago tumayo.
"Una na po ako." Pagpapaalam ko lalo na at hindi naman nag-iisa si sir.
BINABASA MO ANG
Love Me Like U Do (Chalk & Heartstrings Series #2)
RomanceBL story Posted: July 3, 2024 x acc: @hazziesssss tiktok acc: @hazziesssss Picture: © JoongDunk's hand