RIDE HOME

54 4 0
                                    


"Magpapahinga sa bahay, pero hindi sa buhay."

Paulit-ulit na naglalaro ang pangungusap na iyon sa utak ni Lucy. Pagod na siya at inaantok na, subalit napakagulo pa rin ng takbo ng isipan niya. Gusto na niyang makapagpahinga sa bahay matapos ang magdamagang duty bilang psychiatric nurse sa NMHC, ngunit hindi naman niya matagpuan ang peace of mind na kagabi pa niya hinahanap.

Napatingala siya sa langit. Pasado ala-sais na ng umaga ngunit nandidilim ang paligid dahil sa bagyo.

"Kaloka namang buhay o." maktol niya nang umihip ang malamig na hangin at tuluyang bumuhos ang malakas na ulan. Awtomatikong itinakip niya ang isang kamay sa ulo at pinara ang paparating na dyip. Hinintuan naman siya ng pinarang sasakyan.

Sa loob ng pitong buwang pagtatrabaho ni Lucy sa NMHC, nasanay na siyang walang pakialam sa ibang tao. Apathetic na, kumbaga. Napabusangot siya nang mapaupo sa mismong likuran ng tsuper, isa sa pinakaaayawan niya ang maging taga-abot ng bayad rito.

Nagpasak siya ng earplugs sa magkabilang tenga at ipinikit ang mga mata upang magkunwaring tulog.

Bigla siyang napaangil nang gumitaw sa alaala niya ang mga tagpo sa 'Bora ward' ng mental facility kagabi. Nakarinig siya ng malakas na ugong ng batingaw, dahilan upang tanggalin niya ang suot na earplugs. Nawiwirduhan talaga siya sa recording ng 528 Hz Mani Bowl meditation sound na madalas patugtugin sa ward.

Mariing itinakip niya ang mga palad sa magkabilang tenga nang sumalubong sa pandinig niya ang nakabibinging katahimikan.

"Nurse, okay ka lang?" anang katabing lalaki sa makapal na foreigner accent nito. Pamilyar sa kanya ang tinig ngunit hindi niya iyon pinansin sa pag-aalalang baka magpasuyo pa ito ng bayad sa kanya.

Noon napagtanto ni Lucy na wala pa palang nagbabayad na pasahero sa tsuper, nagmulat siya ng mga mata upang alamin kung ano ang nangyayari sa paligid.

Bumungad sa paningin niya ang tatlong natitirang mga pasahero sa kabilang upuan. Isang matandang lalaki, isang ale, at isang dalagita. Walang bahid ng emosyon ang mga mukhang nakatitig lang ang mga ito sa kanya.

Napakunot-noo siya, natatandaan niyang puno ang dyip kanina. Hindi naman niya naramdamang nagbaba ng pasahero ang tsuper. Sunod na nilingon niya ang katabing foreigner, at marahas na napasinghap si Lucy na natutop ang bibig sa pagkahilakbot.

Hubo't-hubad at nangingintab ang kalbong ulo nito. Katulad ng mga kasamang pasahero, hindi kababakasan ng anumang ekspresyon ang mukha ng lalaki na kasalukuyang nilalaro ang sariling ari.

Noon naman luminaw sa gunita niya ang nasaksihan sa 'Bora ward' kagabi, kung saan lahat ng pasyenteng nasa loob ay kinakalbo at tinatanggalan ng mga saplot sa katawan.

Halos maduwal siya sa pandidiri nang matalsikang nanlilimahid na tamod mula sa katabing lalaki.

"Manong, para na po!" Tila hinahalukay ang lamang-loob niya habang nagmamakaawa sa tsuper.

Wala siyang pakialam kung nagliliparan na ang mga yero sa labas, mas pipiliin niya suungin ang bagyo kesa tuluyang mabaliw sa loob ng dyip.

Napahindik si Lucy nang dahan-dahang umikot ang ulo ng tsuper nang lingunin siya. Nanlilisik ang mga mata nitong mala-demonyong ngumisi. Sa pagkakataong iyon, napagtanto niyang naging pasyente niya ang lahat ng mga kasama sasakyan—hindi lang basta naging pasyente, kundi lahat sila ay pinaslang niya!

"Lucy, anak, bakit mo ako pinatay?"

Nagpanting ang mga tenga ni Lucy at tumalim ang mga mata niya.

"Tama na! Hindi kita tatay!" bulyaw niya sa tsuper. Akmang tatayo na sana siya para tumakas nang bigla na lang siyang pinigilan ng mga kasamang pasahero. Mahigpit na hinawakan ng apat ang mga kamay at paa niya upang hindi na siya makapagpumiglas pa.

"Bitiwan n'yo ako, wala akong kasalanan sa inyo!"

"Ano'ng walang kasalanan? Gusto mo bang ipaalala namin sa'yo kung paano mo kami pinatay, Ate Lucy?"

Nahigit ni Lucy ang hininga nang magbago ang anyo ng dalagita. Humumpak ang magkabilang pisingi nito at naging buto't-balat ang buong katawan, halos lumuwa na ang mga mata nito.

"S-sierra?" sambit niya sa pangalan ng dalagita. Ginutom niya ito noon at hindi pinakain ng ilang araw, natagpuan na lang itong wala nang buhay sa loob ng ward.

Napahiyaw naman sa sakit si Lucy nang maramdaman ang pagturok sa leeg niya ng malaking karayom. Gumapang ang hindi-maipaliwanag na kirot sa buong katawan niya.

Histerikal na humalakhak ang maputlang ale na pinanood ang kinukumbulsyon na katawan ni Lucy.

"O ano, Nurse Lucy? Masarap ba sa pakiramdam ang maturukan ng maling injection?"

Nanlaki ang mga mata ni Lucy nang makilala si Mrs. Gomez. Nagkaroon ng contraindications ang itinurok niyang sedative dito, dahilan kaya pumanaw ito ng wala sa oras.

"Tama na, please! Wala akong kasalanan, tinutulungan ko lang kayong magpahinga na sa buhay kaya nagawa ko iyon!"

"Ah, talaga ba, ineng?" Puno ng pagkasuklam na pinaghahampas naman siya ng bakal na tubo ng matandang lalaki. 

"Lolo Di—?" Hindi na nabigkas pa ni Lucy ang pangalang sasabihin nang mahigpit siyang sinakal ng foreigner at ipasak sa lalamunan niya ang malaking ari nito.

Pinangapusan siya ng hininga, habang nanunuot sa ilong niya ang matapang na amoy ng pinaghalong Zonrox at nakakasulasok na suka, ihi at dumi ng mga pasyente sa kasumpa-sumpang ward.

"You enjoy giving me oral, how do you like it now, my dear Lucy?"

Hilam sa luha ang mga matang napatitig siya sa kulay-asul na mga mata ni George, nagmamakaawa. Subalit tila natutuwa pa ang lalaking panoorin ang pagdurusa niya, patuloy lang ito sa pag-ulos sa loob ng kanyang lalamunan hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay.

Nagising si Lucy nang maramdamang tumigil ang sinasakyang dyip. Agad na nagmulat siya ng mga mata upang alamin kung anong nangyari. Nakahinga siya ng maluwag nang malamang siksikan pa rin sa loob ng dyip at nakumpirma niyang isang bangungot lang ang nangyari nang maidlip siya. Inangat naman niya ang tabing sa bintana upang tingnan ang panahon sa labas. Napangiti siya dahil maaliwalas na ang paligid. Ngunit napansin niyang pabalik na ng mental facility ang tinatahak na daan ng tsuper.

"Manong, para po. Pauwi na po ako eh."

Mula sa rearview mirror ay kunot-noong sinagot siya ng tsuper.

"Pasensya na ho, pero diretso daw kayong lahat doon sa mental."

Nagtaka naman si Lucy sa pahayag ng kausap.

"Pakibaba na lang po ako sa susunod na jeepney stop, puro pa-NMHC pala mga yung pasahero ninyo."

"'Di ba mga takas kayong lahat sa mental?" Napakamot naman sa ulo ang tsuper at bumulong sa sarili. "Ano ba 'yan bakit ba ako nakikipagtalo sa baliw?"

"Hindi po ako baliw. Nurse po ako diyan sa NMHC."

Muling tiningnan si Lucy ng tsuper mula sa rearview mirror, hindi na ito nagsalita ngunit nakangiti ito habang napapailing.

Minsan, ang mga taong nawala na sa sariling isip ay ang mga naunang sumuko sa hamon ng buhay.

RIDE HOMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon